Daang Blumentritt
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Daang Blumentritt (Ingles: Blumentritt Road) ay isang kalye sa Maynila, Pilipinas. Nagsisimula ito sa Abenida Rizal sa distrito ng Santa Cruz sa kanluran at nagtatapos ito sa Kalye Gregorio Tuazon (dating Calle Balic Balic) sa distrito ng Sampaloc sa timog-silangan. Ang haba nito ay 3.5 kilometro (2.2 milya). Pinangalanan ito kay Ferdinand Blumentritt, propesor na Bohemian at filipinologist at kaibigan ni Jose Rizal. Ang bahagi ng daan mula Abenida Rizal hanggang sa Daang Dimasalang ay dating tinawag na Calle Sangleyes[1], salitang Kastila na ibig sabihing "kalye ng mga Tsinong mangangalakal", isang pagbanggit sa mga orihinal nitong residente.
Remove ads
Tingnan din
Mga Sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads