Distritong pambatas ng Bulacan

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang mga Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Bulacan, Una, Ikalawa, Ikatlo at Ikaapat ang mga kinatawan ng lalawigan ng Bulacan sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Kasaysayan

Ang Bulacan ay dating nahahati sa dalawang distritong pambatas mula 1907 hanggang 1972.

Noong panahon ng Ikalawang Republika, nagpadala ng dalawang assembymen at-large ang lalawigan sa Kapulungang Pambansa. Nang manumbalik ang Komonwelt, napanatili ng lalawigan ang dalawang distritong pambatas nito noong 1945.

Hiniwalay ang noo'y munisipalidad ng Valenzuela mula sa lalawigan upang buuin ang Kalakhang Maynila sa bisa ng Presidential Decree Blg. 824 noong Nobyembre 7, 1975.

Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon III sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng apat na assemblymen at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.

Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, hinati ang lalawigan sa apat na distritong pambatas noong 1987.

Sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 9230 na naipasa noong Disyembre 18, 2003, hiniwalay ang Lungsod ng San Jose del Monte mula sa ikaapat na distrito upang bumuo ng sariling distrito na nagsimulang maghalal ng kinatawan noong eleksyon 2004. Nananatiling bahagi ang lungsod sa ikaapat na distrito ng Sangguniang Panlalawigan.

Layunin ng Batas Pambansa Blg. 9591 na naaprubahan noong Mayo 1, 2009 na ihiwalay ang Lungsod ng Malolos mula sa unang distrito upang bumuo ng sariling distrito. Kagaya ng San Jose del Monte, mananatiling bahagi ng unang distrito ng Sangguniang Panlalawigan ang Malolos. Ngunit noong Enero 25, 2010, idineklara ng Korte Suprema na paglabag sa Konstitusyon ang pagbuo sa Distritong Pambatas ng Malolos, pinangangatwirang hindi umabot ang lungsod sa minimum na pangangailangan sa populasyon. Ngayon nananatiling bahagi ng unang distrito ang lungsod.

Remove ads

Unang Distrito

Karagdagang impormasyon Panahon, Kinatawan ...

1907–1972

Karagdagang impormasyon Panahon, Kinatawan ...

Notes

  1. Pumanaw noong 1914.
  2. Nanalo sa espesyal na eleksyon ginanap noong Mayo 15, 1914 upang punan ang bakanteng pwesto.
  3. Nahalal si Leon Valencia noong Nobyembre 1941 ngunit pumanaw bago magsimula ang sesyon noong Hunyo 9, 1945.
  4. Si Jesus B. Lava ang nanalo sa eleksyon ngunit naghain siya ng protesta na siyang sinang-ayuan.[1]
  5. Pinalitan ni Erasmo R. Cruz noong Mayo 4, 1953.
  6. Pinalitan si Florante C. Roque noong Mayo 4, 1953; tinapos ang nalalabing termino.
Remove ads

Ikalawang Distrito

Karagdagang impormasyon Panahon, Kinatawan ...

1907–1972

Karagdagang impormasyon Panahon, Kinatawan ...

Notes

  1. Nanumpa sa tungkulin noong Setyembre 30, 1946.[2]
Remove ads

Ikatlong Distrito

Karagdagang impormasyon Panahon, Kinatawan ...
Remove ads

Ikaapat na Distrito

Karagdagang impormasyon Panahon, Kinatawan ...

1987–2004

Karagdagang impormasyon Panahon, Kinatawan ...

Notes

  1. Nabigyan ng sariling distrito noong 2004 ngunit nananatiling bahagi ng Ikaapat na distrito ng Sangguniang Panlalawigan.
  2. Pumanaw noong Nobyembre 13, 1989 bago matapos ang kanyang termino; Nanatiling bakante ang posisyon hanggang matapos ang Ikawalong Kongreso.
  3. Itinalagang Presidential Adviser on Agricultural Modernization noong 2001; nanatiling bakante ang posisyon hanggang matapos ang Ikasapung Kongreso.
Remove ads

At-Large (defunct)

1898–1899

Karagdagang impormasyon Panahon, Kinatawan ...

1943–1944

Karagdagang impormasyon Panahon, Kinatawan ...

1984–1986

Karagdagang impormasyon Panahon, Kinatawan ...
Remove ads

Tingnan din

Sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads