Hamburger

pagkain na binubuo ng bakang patty sa gitna ng dalawang bilugang tinapay From Wikipedia, the free encyclopedia

Hamburger
Remove ads

Ang hamburger o burger ay sandwits na may patty na gawa sa giniling na karne, kadalasan baka—na ipinalaman sa loob ng dalawang hati ng tinapay.[1] Madalas sinasahugan ito ng keso, letsugas, kamatis, sibuyas, pikels, bacon o sili, at nilalagyan ng mga kondimento tulad ng ketsap, mustasa, mayonesa o "sarsang espesyal", kadalasan isang baryasyon ng sarsang Libong Pulo. Kapag may palamang keso sa ibabaw ng hamburger patty, tinatawag itong cheeseburger ("keso burger").[2]

Agarang impormasyon Kurso, Lugar ...

Ibinebenta ang mga hamburger sa mga bilihan ng pangmadaliang pagkain at iba pang restawran. Napakaraming mga baryasyon ng hamburger ayon sa bansa at rehiyon. Isa sa mga pangunahing produkto ng ilan sa mga pinakamalaking multinasyonal na fast-food chain sa ang burger: ang Big Mac ng McDo at Whopper ng Burger King ay naging mga pandaigdigang ikono ng kulturang Amerikano.[3][4]

Remove ads

Etimolohiya at terminolohiya

Nagmula ang salitang hamburger sa Hamburgo, ang ikalawang pinakamalaking lungsod sa Alemanya; subalit walang tiyak na koneksiyon sa pagkain at ang lungsod.[5]

Hamburger at fries sa Tokyo

Sa paglipas ng panahon, ang salitang burger ay naging sariling salita na may kaugnayan sa maraming uri ng sandwits, kahawig ng hamburger, ngunit gawa sa mga iba't ibang uri ng karne (o iba pang sangkap).[6] Kabilang sa mga halimbawa ang tsoriso sa tsori burger,[7] tosino sa tosino burger,[8] at bilang halimbawa na walang karne, (sapal ng) niyog sa niyog burger.[9]

Tumutukoy rin ang burger sa patty mismo, lalo na sa United Kingdom, kung saan bihira ang paggamit ng salitang patty sa pagtukoy sa giniling na baka. Dahil maaaring akalin na gawa sa baka ang hamburger, maaaring banggitin ang karne o kapalit ng karne bago ang salitang burger para sa kalinawan tulad ng nabanggit na tosino burger.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads