Ilog Perlas

From Wikipedia, the free encyclopedia

Ilog Perlasmap
Remove ads

22°46′N 113°38′E

Agarang impormasyon Ilog Perlas Zhū Jiāng, Katutubong pangalan ...
Agarang impormasyon
Agarang impormasyon

Ang Ilog Perlas (Ingles: Pearl River), na kilala rin sa pangalang Tsino na Zhujiang (Chu Kiang) at dating malimit na kilala bilang Ilog Canton, ay isang malawak na sistemang ilog sa katimugang Tsina. Kadalasang ginagamit din ang pangalang "Ilog Perlas" bilang isnag katawagan para sa mga libis-agusan ng mga Ilog Xi ("Kanluran"), Bei ("Hilaga"), at Dong ("Silangan") ng Guangdong. Lahat ng mga ilog na ito ay itinuturing na mga sangang-ilog ng Ilog Perlas dahil nakikibahagi ang mga ito sa iisang delta, ang Delta ng Ilog Perlas. Kapag sinukat mula sa pinakamalayong dako ng Ilog Xi, ang sistema ng Ilog Perkas ay pangatlong pinakamahabang ilog, 2,400 kilometro (1,500 mi), kasunod ng Ilog Yangtze at ng Ilog Dilaw, at pangalawang pinakamalaki ayon sa dami, kasunod ng Yangtze. Ang 409,480-metro-kkilouwadrado (158,100 sq mi) na Limasan ng Ilog Perlas (珠江流域) ay dumadaloy sa karamihan ng Liangguang (mga lalawigan ng Guangdong at Guangxi), gayundin ang mga bahagi ng Yunnan, Guizhou, Hunan at Jiangxi sa Tsina; dumadaloy rin ito sa hilagang mga bahagi ng mga hilagang-silanganng lalawigan ng Cao Bằng at Lạng Sơn ng Vietnam.

Dagdag sa pagtumoy nito sa sistema bilang kabuoan, tumutukoy rin ang Ilog Perlas (Zhu Jiang) sa isang tiyak na sangay sa loob ng sistema. Ang Ilog Perlas na it o ay ang pinakamalapad na distributary sa loob ng delta, bagamat kapansin-pansing maigsi. Ang mga ilog na sumasama sa silangan ng Bei Jiang ay unang tinukoy bilang Ilog Perlas sa hilaga ng Guangzhou. Tanyag ang Ilog Perlas bilang ilog na dumadaloy sa lungsod ng Guangzhou. Ang wawa ng Ilog Perlas, Bocca Tigris, ay palagiang inihuhukay upang manatili itong bukas sa mga bapor pangkaragatan. Bumubuo na isang malaking look ang bunganga ng Ilog Perlas sa timog-silangan ng delta, ang Wawa ng Ilog Perlas. Hinihiwalay ng Bocca Tigris ang Shiziyang sa hilaga, Lingdingyang sa timog, at Jiuzhouyang sa katimugang dulo ng wawa na pinaliligiran ng Kapuluan ng Wanshan. Hinihiwalay ng look na ito ang Macau at Zhuhai mula Hong Kong at Shenzhen.

Pinangalanan itong Ilog Perlas dahil sa mga kabibeng kulay-perlas na nasa ilalim ng ilog sa bahaging dumadaloy sa lungsod ng Guangzhou.

Remove ads

Mga sangang-ilog

  • Bei (北江)
  • Dong (东江)
  • Xi (西江)
    • Yu (鬱江)
      • Yong (邕江)
        • Zuo (左江)
        • You (右江)
    • Xun (浔江)
      • Qiang (黔江)
      • Liu (柳江)
        • Rong(融江)
        • Hongshui (红水河)
          • Beipan (北盘江)
          • Nanpan (南盘江)
            • Ba (灞水 o 灞河)
    • Gui (桂江)
      • Li (漓江)

Tingnan din

  • Talaan ng mga ilog sa Tsina
  • Heograpiya ng Tsina
  • Talaan ng mga ilog sa Hong Kong
  • Mga pinagmumulan ng Ilog Perlas

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads