KC Concepcion
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Maria Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion (pagbigkas sa Tagalog: [kuˈnɛtɐ kɔnˈsɛpʃon]; ipinanganak noong Abril 7, 1985) ay isang artista, mang-aawit, at taong mapagkawanggawa mula sa Pilipinas. Kabilang sa mga pinagbidahan niyang pelikulang Pilipino ang For The First Time (2008) at When I Met U (2009). Bumida din siya sa mga seryeng pantelebisyon tulad ng Lovers in Paris (2009), Huwag Ka Lang Mawawala (2013) at Ikaw Lamang (2014).
Madalas siyang binabansagang "Mega Daughter", bilang pantukoy sa panpalayaw ng kanyang ina na si Sharon Cuneta na binabansagang "Megastar". Siya din ang unang Embahador Laban sa Gutom ng Pandaigdigang Programa sa Pagkain (World Food Programme) ng Mga Nagkakaisang Bansa.[1] Embahador din siya[2] ng World Wide Fund for Nature (WWF) Philippines (Pandaigdigang Pondo para sa Kalikasan, Pilipinas).
Bilang mang-aawit, naglabas siya ng mga pang-komersyal na album. Karagdagan dito, umawit siya sa pagbubukas ng Palaro ng Timog Silangang Asya ng 2011 kasama sina Agnez Mo and Jaclyn Victor na ginanap sa Indonesia.[3]
Remove ads
Pansariling buhay
Si Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion ay anak ng mga artistang sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Amain naman niya ang politikong si Francis Pangilinan nang ikasal ang nanay niya dit. Muli siya nakipag-ugnayan sa kanyang ama pagkatapos ng labing-tatlong taong pagpapawalang-bisa ng kasal ng kanyang magulang at ang imigrasyon ng kanyang ama sa Estados Unidos noong 1995.[4]
Nagtapos siya sa Kolehiyo ng San Pedro Poveda sa Mandaluyong. Noong 2003, nagtapos siya sa International School Manila (Internasyunal na Paaralan sa Maynila), at noong 2007, nagtapos siya ng may batsilyer na digri sa Internasyunal na Komunikasyong Pangkorporasyon na may menor sa Sining Panteatro mula sa Amerikanong Unibersidad ng Paris.[5]
Remove ads
Pilmograpiya
Telebisyon
Pelikula
Remove ads
Diskograpiya
Mga album pang-istudiyo
Soundtrack
|
Mga parangal at nominasyon
Remove ads
Mga sanggunian
Mga panlabas na link
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads