Ketsap na saging

From Wikipedia, the free encyclopedia

Ketsap na saging
Remove ads

Ang ketsap na saging, kilala rin bilang sarsa ng saging, ay isang Pilipinong ketsap na gawa sa saging, asukal, suka, at espesya. Makayumangging-dilaw ang likas na kulay nito ngunit madalas itong kinukulayan ng pula upang magkahawig sa ketsap na kamatis. Unang iprinodyus ang ketsap na saging sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sa kakulangan ng mga kamatis habang nasa digmaan, at kung ihahambing, mas mataas ang produksiyon ng mga saging noon.[1][2]

Agarang impormasyon Ibang tawag, Uri ...
Remove ads

Paggamit

Sa mga sambahayang Pilipino, sinasahog ito sa iba't ibang mga putahe: ispageting Pilipino, torta, hotdog, hamburger, french fries, isda, baboy na binarbikyu sa uling, tinuhog na manok, pritong manok, at iba pang mga karne.

Kasaysayan

Si Maria Y. Orosa (1892–1945), isang Pilipinang teknologo sa pagkain, ang itinuring na nag-imbento sa produkto.[3][4][5]

Noong 1942, sinimulan ni Magdalo V. Francisco Sr ang malawakang-produksiyon ng ketsap na saging para sa komersiyo.[6] Siya ang nagtatag ng tatak na Mafran (pinagsama ang kanyang pangalan at apelyido).[7] Humingi ng pondo si Francisco kay Tirso T. Reyes upang palawakin ang kanyang negosyo at samakatuwid nabuo ang Universal Food Corporation (UFC, ngayon ay isang tatak sa ilalim ng NutriAsia) noong 1969.

Remove ads

Tingnan din

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads