Lipad 370 ng Malaysia Airlines

MH370, pampasaherong eroplano na naglaho noong Marso 8, 2014 From Wikipedia, the free encyclopedia

Lipad 370 ng Malaysia Airlines
Remove ads

Ang Lipad 370 ng Malaysia Airlines (Ingles: Malaysian Airlines Flight 370) (MH370/MAS370) ay isang pandaigdigang pampasaherong lipad mula sa Kuala Lumpur, Malaysia, patungong Beijing, Tsina, na naglaho noong 8 Marso 2014 na may sakay na 227 pasahero at 12 tripulante. Ang lipad, na pinapatakbo ng isang sasakyang panghimpapawid na Boeing 777-200ER, ay itinalaga rin bilang Lipad 748 ng China Southern Airlines (CZ748) sa ilalim ng isang kasunduang codeshare. Ang dahilan ng pagkawala ay hindi na matukoy at kasalukuyang sinisiyasat.[1][2][3]

Agarang impormasyon Buod ng nawawalang sasakyang panghimpapawid, Petsa ...

Umalis ang Lipad 370 mula sa Kuala Lumpur International Airport sa oras na 00:41 MST (UTC+8) noong 8 Marso 2014 at nakatakdang lumipad ng 6 na oras at darating sa Beijing Capital International Airport sa oras na 06:30 ng araw ding iyon. Nawalan ng contact ang Subang Air Traffic Control Centre sa eroplano sa oras na 01:22 habang ito ay nasa Golpo ng Thailand, at iniulat itong na nawawala sa oras na 02:40.[4][5] Isang magkasanib na kilos sa paghanap at pagsagip, na tumututok sa Golpo ng Thailand, Kipot ng Malaka at Dagat Timog Tsina, ay isinasagawa iba't ibang ahensya ng maraming pambansang pamahalaan.[6][7][8]

May dalawang pasahero ang gumagamit ng huwad pagkakakilanlan.[9][10][11] Sinabi ng pinuno ng Pangasiwaan ng Abyasyon Sibil ng Malaysia ng hindi pa itinapon ng mga opisyal ang hijacking bilang sanhi ng paglaho ng eroplano, at hindi rin kinumpirma ang mga karagdagang ulat na may nakitang pira-piraso ng eroplano sa laot sa timog ng Biyetnam.[12]

Remove ads

Insidente

Thumb
Pinagmulan at patutunguhang paliparan para sa MH370 at huling natukoy na posisyon sa ibabaw ng Golpo ng Thailand

Umalis ang lipad mula sa Paliparang Pandaigdig ng Kuala Lumpur noong 8 Marso 2014 01:41 oras ng Malaysia (7 Marso, 16:41 UTC) at nakatakdang lumapag sa Paliparang Pandaigdig ng Beijing-Kabisera sa oras na 06:30 (7 Marso, 22:30 UTC). Natigil lahat ng komunikasyon mula sa eroplano at nawala ang senyales ng transponder nito[13] bago dumaan sa Ho Chi Minh Area Control Center.[4][5][14] Ang huling nakitang posisyon ng eroplano bago ito mawala sa radar ng ATC ay 6°55′15″N 103°34′43″E.[15]

Nagbigay ang Malaysia Airlines ng isang pahayag sa midya sa oras na 07:24 na nagkukumpirma na nawala ang contact sa oras na 02:40[16] at nagsimula na ang operasyon sa paghanap at pagsagip.[5] Ang eroplano ay hindi nagpahatid ng senyal ng pagkabalisa (distress signal), babala ng masamang panahon, o problemang teknikal bago ito naglaho sa radar.[17] Nang nawala ang radar contact sa eroplano, ito ay nagdadala ng sapat na gasolina para sa karagdagang 7.5 oras na paglipad.[18] Ipinaalam ng mga nauugnay na autoridad sa Tsina at Thailand sa kanilang katapat sa Malaysia na hindi tumawid ang eroplano sa kanilang espasyong himpapawid (airspace).[19]

Iniulat ng websayt na Aviation Herald na nawala sa Subang Air Control Traffic ang contact radar at radyo sa eroplano sa oras na 01:22 at opisyal na pinapayuhan ang Malaysia Airlines sa oras na 02:40 na ang eroplano ay nawawala.[4] Gayunpaman, isang tagapagsalita ng Malaysia Airlines ang nagsabi na ang huling pag-uusap ng flight crew at air traffic control sa Malaysia ay bandang 01:30, at nagpahayag na hindi naglaho ang eroplano sa air traffic control systems sa Subang hanggang 02:40, na nagpapahiwatig na mahaba na para makalipad ang eroplano sa Biyetnam.[20] Humiling ang ATC ang isa pang lipad ng Malaysia Airlines, ito naman ay papuntang Hapon na nauna ng kalahating oras kaysa sa MH370, upang subukang makipag-ugnay sa hindi tumtugon na 777. Nakapagtatag ng contact ang kapitan sa crew ng MH370 pagkalipas lamang ng 01:30, ngunit "pagbulong-bulong" lamang ang narinig nito.[21]

Remove ads

Paghahanap

Lokasyon

Ayon kay Admiral Ngo Van Phat ng Popular na Hukbong Dagat ng Biyetnam, nawala sa military radar ang eroplano mga 153 milyang pandagat (283 km; 176 mi) sa timog ng Thổ Chu sa Golpo ng Thailand.[8][22] Unang iniulat ng pamahalaan ng Biyetnam na ang eroplano ay bumagsak sa dagat sa Golpo ng Thailand, bagaman tinanggihan ng airline ang pahayag na ito.[23] Ang pahayag tungkol sa pagtukoy ng Hukbong Dagat ng Biyetnam sa lokasyon ng eroplano ay tinanggihan ng Ministro ng Transportasyon ng Malaysia na si Hishammuddin Hussein.[24][25] Sumunod na nilinaw ng Hukbong Dagat ng Biyetnam na ang tinutukoy ng admiral ay ang lokasyon ng huling contact sa eroplano at hindi ang kinabagsakan nito.[4]

Habang naghahanap sa nawawalang jetliner, may natagpuang tagas ng langis sa Golpo ng Thailand noong 8 Marso, mga 50 milyang pandagat (93 km) sa timog ng Pulo ng Thổ Chu.[26] Sa paghahanap, iniulat na nakakita ang Hukong Dagat ng Vietnam ng isang oil stick, 10 hanggang 20  kilometro (6–12 mi) ang haba, at pinaniniwalaang ito ang nawawalang eroplano.[27][28] Naiulat naman na nakakita ang sasakyang panghimpapawid ng Civil Aviation Department ng Vietnam ng dalawang malaking oil slick na pinaghihinalaan ng mga autoridad na mula sa MAS jetliner. Ang slicks, 10 hanggang 15  kilometro (6–9 mi) ang haba ng bawat isa, at 500 metro (550 yd) sa isa't isa, ay nakita 140 milyang pandagat (260 km; 160 mi) timog ng Thổ Chu Island sa katimugang Vietnam, at kahalintulad sa uri na maaaring sanhi ng gasolina mula sa isang bumagsak na jetliner.[29] Nagkaroon ng isang ulat na ang isang tagas ng langis mga 80 kilometro (50 mi) ang haba ay malinaw na nakikita mula sa isang search and rescue AN-26 aircraft ng Vietnam sa oras na 08:35 noong Marso 9, humigit-kumulang na 150 kilometro (93 mi) ang layo mula sa Cape Ca Mau.[30] Siniyasat ng mga opisyal ang posibilidad ng mid-air disintegration.[31] Noong 10 Marso 2014, nakumpirma na pagkatapos ng pagsubok na ang sample ng langis mula sa slicks ay hindi mula sa eroplano.[32]

May labi ang naiulat na nakita noong 9 Marso mga 50 milya timog ng Thổ Chu Island. Ang mga labi, na maaaring may kasamang pinto, ay natagpuan sa isang lugar sa kahabaan ng flight path ng MH370.[33][34][35] Inipat ng Hukbong Dagat ng Thailand ang tuon nito sa paghahanap palayo sa Golpo ng Thailand at Timog Dagat Tsina dahil sa kahilingan katapat nito sa Malaysia, na nagsisiyasat sa posibilidad na bumuwelta ang eroplano at maaring bumagsak sa Dagat Andaman, malapit sa hangganan ng Thailand.[36] Inihayag ng hepe ng Royal Malaysian Air Force, Rodzali Daud, na hindi ibinubukod ng mga record ng militar ng mga senyal ng radar militar ang posibilidad ng bumalik ang eroplano sa flight path nito.[37][38]

Tugon

Malaysia
Bilang tugon sa pangyayari, nagdespatsa ang Royal Malaysian Air Force ng isang CASA/IPTN CN-235 transport aircraft, isang Beechcraft Super King Air B200T aircraft, apat na eroplanong panlulang pangmilitar na Lockheed C-130 Hercules, dalawang eroplanong Bombardier Global Express, dalawang helikopter na Agusta A109, at apat na Eurocopter EC725 long-range tactical transport helicopter.[25] Anim na barko ng Royal Malaysian Navy ang dinespatsa, bukod pa sa tatlong barko ng Maritime Enforcement Agency ng Malaysia upang maghanap sa karagatan sa silangang baybayin nito sa Timog Dagat Tsina.[25][39][40] Nagpadala rin ang Malaysia Airlines ng isang koponan ng tagapag-alaga at boluntaryo na tinawag na GoTeam upang magbigay ng tulong sa mga miyembro ng pamilya ng mga pasahero.[41] Naitaguyod ang Malaysia ng sentro ng koordinasyon sa National Disaster Control Center (NDCC) sa Pulau Meranti, Cyberjaya, upang subaybayan ang pag-usad ng sitwasyon.[42]
Noong 9 Marso, sinabi ng ministro sa transportasyon ng Malaysia ministro sa isang media statement na pinalawak ng rescue team ang pook na kanilang pinaghahanapan.[43] Sinabi rin niya na pinakilos na ang mga ahensya ng katalinuhan (intelligence agencies) ng Malaysia, pinagbigyang-alaman na rin ang counter terrorism units sa mga nauukol na bansa, bilang karagdagan sa pakikipagpulong sa mga opisyal mula sa FBI na dumating sa Malaysia. Nabanggit din niya na walang submarines ng Malaysian ay itinalaga dahil ang mga ito ay "walang kakayahan sa paghanap at pagligtas".[44] Bukod diyan, ang bansa sa pamamagitan ng pamahalaan nito ay malugod na tumatanggap sa anumang tulong sa paghanap-at-pagligtas (search-and-rescue; SAR) mula sa iba pang mga bansa at organisasyong internasyonal upang hanapin ang nawawalang eroplano.[45]
Australia
Ibinigay ng pamahalaan ng Australia ang dalawang Royal Australian Air Force (RAAF) Lockheed AP-3C Orion maritime patrol aircraft upang sumama sa operasyon sa paghanap at pagligtas.[46] Ang unang RAAF P-3C long-range maritime surveillance aircraft ay aalis para sa paghahanap mula sa Darwin Linggo ng gabi.[47]
Tsina
Dalawang barkong pandigma (warship) ng Tsina, Jinggang Shan at Mianyang , ay dinespatsa upang makatulong sa paghahanap. Ang Jinggang Shan ay may dalawang helicopters, 30 tauhang medikal, sampung maninisid (diver), at 52 Marino, pati na rin ng life-saving and underwater detection equipment.[48] Hapon ng 9 Marso, dalawa pang barkong pandigma ng Tsina, ang Kunlunshan at Haikou , ay dinespatsa sa pinaghihinalaang lokasyon ng nawawalang eroplano.[49]
Pransiya
Nag-alok ng tulong ang air accident board ng Pransiya, ang Bureau d'Enquêtes et d'Analyses pour la Sécurité de l'Aviation Civile (BEA), sa paghahanap at pagbawi (recovery) sa eroplano.[50]
Indonesia
Ang Hukong Dagat ng Indonesia ay nakikipag-ugnasan sa katapat nito sa Malaysia at sa Embahada ng Indonesia sa Kuala Lumpur ay naghayag na ang bansa ay magpadala ng limang barko upang makatulong sa mga autoridad ng Malaysia sa paghanap at pagsagip.[7] Pinadala ng bansa ang unang dalawang PC-40 fast patrol vessels, ang Matocra at Krait , pati na rin ng maritime patrol aircraft.[51]
Pilipinas
Pinadala ng AFP Western Command ng Pilipinas ang BRP Gregorio del Pilar , BRP Emilio Jacinto , BRP Apolinario Mabini at ng isang search-and-rescue aircraft sa Dagat Timog Tsina upang makatulong sa paghahanap.[22][52]
Thumb
Lumahok ang RSS Steadfast sa paghahanap.
Singapore
Sa araw na nawala ang 777, tumulong ang Republic of Singapore Air Force sa pamamagitan ng Lockheed C-130 Hercules.[53][54] Sumunod nito, dalawang iba pang C-130 Hercules ay dinespatsa, pinadala rin ng Republic of Singapore Navy nito Formidable-class frigate RSS Steadfast, na sakay na Sikorsky S-70B Naval helicopter; at isang submarine rescue ship (MV Swift Rescue) na may sakay na mga maninisid; pati na rin ng Victory-class corvette RSS Vigour.[55]
Thailand
Inihahanda na rin ng Royal Thai Navy ang pagpapadala tatlong barko at isang sasakyang panghimpapawid upang sumama sa misyong paghanap at pagsagip.[56][57]
Estados Unidos
Inihayag ng Estados Unidos ang plano nitong magpadala ng P-3C Orion aircraft mula sa Kadena Air Base sa Okinawa, Japan. Inilihis ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos USS Pinckney (isang guided missile destroyer), na nagsasagawa ng isang misyong pagsasanay sa Timog Dagat Tsina, patungo sa katimogang baybayin ng Vietnam upang makatulong sa paghahanap. May dala itong dalawang Sikorsky MH-60R Seahawk helicopters na may kakayahan para sa paghanap at pagligtas.[58][59] Inanunsiyo rin ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos na ang P-3C Orion at isang MH-60R helicopter inilunsad mula sa Pinckney ang naghahanap na sa huling natukoy na posisyon sa komunikasyon at radar ng MH370. Walang naiulat ng mga labi na nakita sa oras na iyon.Ang USNS John Ericsson (T-AO-194) ay patungo na sa pinangyarihan upang magbigay karagdagang gasolina at logistics.[58] Dinespatsa rin ng Estados Unidos ang isang koponan ng NTSB nang mas maaga, upang maiwasan ang mga pagkaantala sakali mang bumagsak nga ang eroplano.[60]
Vietnam
Lumahok ang Vietname na may tatlong Antonov An-26, isang DHC-6 Twin Otter, dalawang Mil Mi-171 at pitong barko mula sa Hukong Dagat (HQ-954, HQ-627), Coast Guard (CSB ng 2001, CSB-2003), Fisheries Control (KN-774) at Maritime Search & Rescue Coordination Centre (SAR 413).
Remove ads

Sasakyang panghimpapawid

Thumb
Ang cockpit ng 9M-MRO, ang nawawalang sasakyang panghimpapawid, noong 2004

Ang Boeing 777 ay karaniwang itinuturing ng mga eksperto sa abyasyon na may "halos malinis" na tala ng kaligtasan (safety record),[61] at isa sa mga pinakamahusay na tala ng kaligtasan ng anumang komersyal na sasakyang panghimpapawid.[62] Mula sa unang lipad pangkomersyo nito noong Hunyo 1995, nagkaroon lamang ito ng dalawang seryosong insidente. Noong 2008 Enero 47 pasahero ang nasaktan nang naging sanhi ang mga kristal ng yelo sa fuel system ng Lipad 38 ng British Airways upang mawalan ng lakas at bumagsak malapit sa runway ng London Heathrow Airport. Noong Hulyo 2013, bumagsak sa paglapag ang Lipad 214 ng Asiana Airlines sa huling approach (paglapit) nito sa San Francisco International Airport. Tatlong pasahero namatay at 181 ang nasugatan sa insidente.[63] Ang parehong sasakyang panghimpapawid ay nasira nang tuluyan.[64]

Mga sasakyan ay isang Boeing 777-2H6ER,[a] serial number 28420, rehistro 9M-MRO.Ang ika-404 Boeing 777 na ginawa, ito ay unang lumipad noong 14 Mayo, 2002, at naihatid nang bago sa Malaysia Airlines noong 31 Mayo, 2002. Pinapaandar ang ng dalawang makinang Rolls-Royce Trent 892.[66] Ayon sa airline, ito ay nakaipon nang hindi bababa sa 20,243 na oras at 3,023 ikot sa serbisyo.[67][68] Ang 9M-MRO ay hindi pa nasangkot sa anumang malaking insidente.[69] Gayunman, isang maliit insidente ang naganap habang nagta-taxi sa Shanghai Pudong International Airport noong Agosto 2012 na nagdulot ng malaking pinsala sa isa sa mga wingtip (dulo ng pakpak) nito, na naputol nang pumalo ito sa tail (buntot) ng isa pang eroplano.[70] Ginawa ang huling maintenance check nito noong Pebrero 2014.[71]

Ang mga pasahero at tripulante

Karagdagang impormasyon Nasyonalidad, Pasahero ...
Mga Tala
  1. Orihinal na tinukoy ang dalawang pasahero bilang mga mamamayan ng isang 'di-kilalang bansa matapos matukoy ng mga awtoridad na nakaw ang pasaporteng Austriano at Italyano na kanilang hawak.

Inilabas ng Malaysia Airlines ang mga pangalan at kabansaan ng 227 pasahero at 12 tripulante (crew), batay sa flight manifest.[5][72]

Tripulante

Ang lahat ng tripulanteng nakasakay ay mamamayan ng Malaysia. Ang kapitan ay si Zaharie Ahmad Shah, 53 taong gulang, mula sa Penang, na pumasok sa Malaysian Airlines noong 1981 at nagkaroon ng 18,365 oras na karanasan sa paglipad.[5][73] Si Zaharie ay isang ring tagasuri na kuwalipikadong magsagawa ng simulator test para sa mga pilot.[74] Ang unang opisyal ay si Fariq Abdul Hamid, 27 taon gulang, isang empleyado ng Malaysia Airlines mula noong 2007, ay may 2,763 na oras sa paglipad.[5][75] Kamakailan ay lumipat si Fariq sa pagpapalipad ng Boeing 777-200 sasakyang panghimpapawid matapos niyang makumpleto ang simulator training.[75]

Pasahero

May dalawang pasahero ang gumagamit ng huwad pagkakakilanlan. Iniulat ng Austrian na nakalista sa manifest na ninakaw ang kanyang pasaporte noong 2012 at iniulat ng Italyano na nakalista sa manifest na ninakaw ang kanyang pasaporte noong Agosto 2013; ang parehong pasaporte ay ninakaw sa Thailand. Napag-alaman ito nang tinangkang hinanap ang kanilang mga kamag-anak; nakumpirmang ligtas ang dalawang lalaki.[4][76] Ang mga tiket binili ng may-hawak ng mga nakaw na pasaporte ang ibinenta ng China Southern Airlines.[77] Ang dalawang tiket ay binili sa parehong oras at ibinigay ng isang ahente sa paglalakbay sa Pattaya, Thailand, dalawang araw bago ang lipad. Ang dalawang itinerary ay magsisimula sa Kuala Lumpur at magpatuloy sa Beijing patungong Amsterdam. Pagkatapos ang itinerary para sa mga may-hawak ng pasaporteng Italyano ay tutuloy na Copenhagen habang ang itinerary para sa pasaporteng Austriano ay tutuloy sa Frankfurt.[78] Nabigo ang mga opisyal ng pandarayuhan ng Malaysia na tanungin ang mga pasaherong naglalakbay sa ninakaw na pasaporte, kahit na sila mukhang Asyano. Kinumpirma ng Interpol na ilang bansa lamang palagiang gumagamit ng kanilang kalipunan ng datos sa mga nakaw na pasaporte.[79] Dalawang pang pasahero ang iniimbestigahan ng mga autoridad ng Malaysia dahil sa kahina-hinalang pasaporte.[80]

Natagpuan ng mga pulis sa Fuzhou, Fujian, Tsina ang isang lalaki na ang bilang ng kaniyang pasaporteng Tsino ay nakita sa nailathalang listahan ng mga pasahero. Wala siya sa eroplano at ang pangalan sa tabi ng nakalistang numero ay ibang iba. Gayunpaman, hindi niya nawala ang kanyang pasaporte at hinihinala na ng pulisya na ang maling numerong nailathala.[81]

Ang mga pasarehong mula Tsina ay kinabibilangan ng isang pangkat ng 24 alagad ng sinig at kanilang pamilya na babalik mula sa pagtatanghal ng kaligrapiya sa Kuala Lumpur.[82]

Remove ads

Imbestigasyon

Inihayag ng Boeing na magtitipon ito ng isang koponan ng mga eksperto upang magbigay ng tulong teknikal sa mga imbestigador,[83] alinsunod sa mga protocol ng International Civil Aviation Organization. Bilang karagdagan, inihayag ng National Transportation Safety Board ng Estados Unidos sa isang press release noong 8 Marso na isang koponan ng imbestigador ang pinadala kasama ng tagapayong teknikalo mula sa Federal Aviation Administration upang mag-alok ng tulong sa imbestigasyon.[60] Ang bansang mamumuno sa imbestigasyon ay hindi tutukuyin hanggang hindi pa matatagpuan ang nawawalang eroplano.[84]

Nagtalaga ang Federal Bureau of Investigation ng Estados Unidos mga ekspertong teknikal at agents upang imbestigahan ang pagkawala.[85] Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga opisyal ng Estados Unidos ang dalawang pasaherong naglalakbay sa maling pasaporte at sinabi na tinitingnan ang lahat ng posibleng dahilan.[86] Sinusuri ng mga autoridad ang mga posibleng mga pagkakakilanlan.[4][76][87][88] Sinabi ng mga opisyal ng Estados Unidos na kanilang sinusuri ang passenger manifest at binabalikan ang kanilang intelligence.[89][90][91] Ipinahayag ng Interpol na ang dalawang pasaporte ay nakalista sa kanilang database ng nawala at ninakaw na pasaporte, ngunit walang pagsiyasat database ang naganap.[92]

Sinabi ni David Learmount, operations and safety editor sa Flightglobal, na "pambihirang" hindi gumawa ng tawag ng pagkabalisa (distress call) ang mga piloto, at gumawa ng paghahambing sa pagkawala ng Lipad 447 ng Air France sa Karaagtang Atlantiko noong 2009, na nagsasabi "Ito ay isang makasaysayang paghahambing at maaaring nagkataon lamang. Nangyari din sa madaling araw, pagkatapos ng hatinggabi, at nawawala nang walang tawag mula sa mga piloto."[93]

Remove ads

Mga Tala

  1. The aircraft was a Boeing 777-200ER (for Extended Range) model; Boeing assigns a unique alphanumeric customer code for each company that buys one of its aircraft, which is applied as a suffix to the model number at the time the aircraft is built. The code for Malaysia Airlines is "H6", hence "777-2H6ER".[65]

Mga sanggunian

Mga panlabas na koneksyon

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads