Miss Universe 1952

From Wikipedia, the free encyclopedia

Miss Universe 1952
Remove ads

Ang Miss Universe 1952 ay ang unang edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Long Beach Municipal Auditorium sa Long Beach, California, Estados Unidos noong 28 Hunyo 1952.[1][2]

Agarang impormasyon Petsa, Presenters ...

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ng aktres na si Piper Laurie si Armi Kuusela ng Pinlandiya bilang Miss Universe 1952. Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Pinlandiya, at ang kauna-unahang nagwagi bilang Miss Universe sa kasaysayan ng kompetisyon.[3] Nagtapos bilang first runner-up si Elza Edsman ng Hawaii, habang nagtapos bilang second runner-up si Ntaizy Mavraki ng Gresya.[4][5]

Mga kandidata mula sa tatlumpung mga bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Russel ang kompetisyon. Nagtanghal ang Bell Sisters sa edisyong ito.[6] Itinampok rin sa edisyong ito ang Romanov Imperial Nuptial Crown, na dating pagmamay-ari ng isang tsar na Ruso na nagkakahalaga ng $500,000. Ito ay may humigit-kumulang 1,535 diyamante, at 300 karat. Ang koronang ito ay ginamit lamang para sa edisyong ito.[7]

Remove ads

Kasaysayan

Thumb
Long Beach Municipal Auditorium, ang lokasyon ng Miss Universe 1952

Petsa at lokasyon ng kompetisyon

Matapos tumangging mag-pose para sa publicity picture si Miss America 1951 Yolande Betbeze habang suot ang damit panlangoy mula sa Catalina,[8][9] Nakipag-negosasyon ang noo'y executive producer ng Miss Universe na si Oliver Reinhardt noong Oktubre 1950 sa mga opisyal ng Pan American World Airways at Catalina Swimwear upang isponsor ang Miss Universe pageant, na gaganapin sa Long Beach. Pumayag ang Catalina Swimwear na pangunahan ang Miss USA at nagsilbing opisyal na carrier ng kompetisyon ang Pan American World Airways.[10] Naglaan ng $30,000 USD ang lungsod ng Long Beach para sa kompetisyon na gaganapin mula 23 Hunyo hanggang 30 Hunyo 1952.[11][12]

Pagpili ng mga kalahok

Ang mga kalahok mula sa tatlumping bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon sa unang pagkakataon. Isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanyang bansa matapos na umurong ang orihinal na nanalo.

Ang age requirement sa edisyong ito ay mula labinwalo hanggang dalawampu't-walong taong gulang, at maari ring lumahok ang mga babaeng kasal na, at mayroon nang anak.[10] Ang patakarang ito ay pinalitan noong 1956 kung saan ipinagbabawal na ang paglahok ng mga babaeng kasal na o mayroong nang anak, ngunit ang patakarang ito ay ibinalik noong 2023.[13][14]

Mga pagpalit at pagbitiw

Iniluklok si Gladys Rubio Fajardo upang kumatawan sa Urugway matapos bumitiw sa kompetisyon si Miss Uruguay 1952 Rosa Adela "Nenela" Prunell dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[15]

Dapat sanang lalahok si Elisabeth van Proosdij ng Olanda ngunit bumitiw ito dahil nagpakasal siya habang siya ay Miss Holland bagama't pinapayagan ng Miss Universe na lumahok ang mga babaeng kasal na.[16][17] Hindi ipinagpatuloy nina Inge Fröwis ng Austrya, Eithne Dunne ng Irlanda, Leonor Navia Orejuela ng Kolombya, Leila Saroufim ng Libano,[18] Colleen Cooke ng Malaya,[19] Leila Teresa Tuma ng Siria,[20] Sylvia Muller ng Suwisa, at Utsani Thongnuea-di ng Taylandiya ang kanilang paglahok sa edisyong ito dahil sa mga politikal na tensyon.

Inimbitahan din ang mga bansang Brasil at Republika ng Tsina upang lumahok sa edisyong ito, ngunit bumitiw ang mga ito dahil sa kakulangan sa oras upang magsagawa ng isang national pageant.[10]

Remove ads

Mga resulta

Thumb
Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss Universe 1952 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

Karagdagang impormasyon Pagkakalagay, Kandidata ...

Mga espesyal na parangal

Karagdagang impormasyon Parangal, Nagwagi ...
Remove ads

Kompetisyon

Pormat ng kompetisyon

Sampung mga semifinalist ang napili at ibinunyag sa paunang kompetisyon na binubuo ng swimsuit competition at evening gown competition. Ang sampung semifinalist ay magbibigay ng isang maikling talumpati gamit ang kanilang sariling wika. Pagkatapos nito, lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang limang pinalista.[21]

Komite sa pagpili

  • Milo Anderson – Amerikanong taga-disenyo
  • Arlene Dahl – Amerikanang aktres
  • Robert Goldstein – Executive Director ng Universal Studios
  • Samuel Heavenrich – Amerikanong artistic director
  • Tom Kelley – Amerikanong litratista
  • Constance Moore – Amerikanang aktres at mangaawit
  • Robert Palmer – Casting Director para sa Universal Studios
  • Gilbert Roland – Amerikanong aktor
  • Yucca Salamunich – Iskulptor mula sa Yugoslavia
  • Vicent Trotta – Art Director ng Paramount Pictures

Mga kandidata

Tatlumpung kandidata ang lumahok para sa titulo.[22]

Karagdagang impormasyon Bansa/Teritoryo, Kandidata ...
Remove ads

Mga tala

  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

Panlabas na kawing

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads