Palarong Olimpiko sa Taglamig 2022

Ika-24 na edisyon ng Palarong Olimpiko sa Taglamig, na gaganapin sa Beijing, Tsina From Wikipedia, the free encyclopedia

Palarong Olimpiko sa Taglamig 2022
Remove ads

Ang Palarong Olimpiko sa Taglamig 2022, opisyal rin kilala bilang ang Ika-XXIV Palarong Olimpiko sa Taglamig o ang ika-24 na Palarong Olimpiko sa Taglamig (Pranses: Les XXIVes Jeux olympiques d'hiver;[1] Tsino: 第二十四届冬季奥林匹克运动会; pinyin: Dì Èrshísì Jiè Dōngjì Àolínpǐkè Yùndònghuì) at kinilala rin bilang Beijing 2022, ay gaganapin mula Pebrero 4 hanggang 22 2022 sa Beijing at mga bayan sa kalapit na lalawigan ng Hebei, Tsina.[2]

Agarang impormasyon Punong-abala, Salawikain ...

Ang Beijing ay nahalal bilang punong-abalang lungsod noong Hulyo 2015 sa ika-128 na sesyon ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko (IOC) sa Kuala Lumpur, Malaysia. Ang palaro na ito ang unang Palarong Olimpiko sa Taglamig na gaganapin sa Tsina, ang ika-apat na Winter Olympics na ginanap sa Timog Asya, at ang huling sa tatlong magkakasunod na Olympics na gaganapin sa Timog Asya, kasunod ng Palarong Olimpiko sa Taglamig 2018 sa Pyeongchang, Timog Korea, at ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020 sa Tokyo, Hapon. Ang Beijing ang magiging ika-11 lungsod na magdadaos ng Palarong Olimpiko sa ikalawang pagkakataon, at ang ika-una na magiging abala sa parehong Palarong Olimpiko sa Tag-init at Palarong Olimpiko sa Taglamig, sapagkat naging abala ito sa nakaraang Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008.

Kabilang sa proyektong panlungsod ang paggamit sa apat na naitayo na panloob na lugar para sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008, tulad ng Beijing National Stadium (na kilala rin bilang Pugad ng Ibon) bilang lugar ng mga seremonya. Ang Beijing din ang ikalawang pambansang kapital na nagho-host sa Palarong Olimpiko sa Taglamig, pagkatapos ng Oslo, Norway noong 1952, ang pangatlong magkakasunod na lungsod sa mainland na magdadaos ng Palarong Olimpiko sa Taglamig, pagkatapos ng Sochi at Pyeongchang.

Remove ads

Pagtataya

Ang kalendaryo sa pagtaya ay inihayag ng IOC noong Oktubre 2012, na may itinakdang hangganan ng aplikasyon sa 14 Nobyembre 2013. Sinuri ng IOC Executive Board ang mga taya mula sa lahat ng mga aplikanteng lungsod noong 7 Hulyo 2014, at napili ang tatlong mga lungsod, na Oslo (Norway), Almaty (Kazakhstan) at Beijing (China) bilang panghuling mga kandidato.

Maraming mga lungsod ang umatras sa kanilang mga aplikasyon sa proseso ng pag-bid, sa ilang mga suliranin tulad ng mataas na gastos o ang kakulangan ng lokal na suporta para sa paggiging abala ng palaro. Ang Oslo, na itinuturing na malinaw na nangunguna, ay umatras matapos ang aplikasyon nito sa parliyamentong Norwegian para sa pagpopondo ng Olympics ay tinanggihan. Ang pampublikong pagtanggap sa aplikasyon para sa pagpopondo ay naging labis na negatibo dahil sa mga pagsasaalang-alang ng gastos matapos ang mga sumobrang gastos sa Palarong Olimpiko sa Taglamig 2014 sa Sochi, at lalo na ang pagbunyag sa isang serye ng mga kahilingan na may kinalaman sa pagkamapag-anak na naiulat na ginawa ng IOC. Kabilang sa mga kahilingan na kasama ang "mala-artistang mga hinihingi para sa maluho na pagtanggap" para sa mga miyembro ng IOC mismo, tulad ng mga espesyal na linya sa lahat ng mga kalsada na gagamitin lamang ng mga miyembro ng IOC at isang pagtanggap ng cocktail sa Palasyong Royal na may inumin na binayaran ng pamilya ng hari. Maraming mga komentarista ang itinuro na ang mga naturang kahilingan ay hindi napapansin sa isang demokrasya sa kanluran; inilarawan ng Slate ang IOC bilang isang "kilalang nakakatawa na samahan na pinamamahalaan ng mga grifter at nagpapamanang aristokrasya."

Ang Beijing ay napili bilang host city ng 2022 Winter Olympics matapos matalo ang Almaty sa pamamagitan ng apat na boto noong 31 Hulyo 2015 sa Ika-128 na IOC Session sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Karagdagang impormasyon Mga resulta ng pag-aanyaya ng Olimpikong Taglamig 2022 ...
Remove ads

Mga Lugar

Thumb
Location of the three Beijing 2022 clusters
Thumb
Beijing National Stadium
Thumb
National Aquatics Center
Thumb
National Speed Skating Oval

Beijing cluster

Olympic Green venues
  • Beijing National Stadiumopening and closing ceremonies / 80,000 existing
  • Beijing National Aquatics Centercurling / 4,000 existing/renovated
  • Beijing National Indoor Stadiumice hockey / 18,000 existing
  • Beijing Winter Olympics Village – new
    A new Olympic Village will be built. The Winter Olympics Village will be located at the south side of the National Olympic Sports Center.[3] The 2008 Olympic Village has been occupied since the start of 2009.
  • National Speed Skating Ovalspeed skating / 12,000 new
  • China National Convention CenterMPC/IBC / existing
Other venues
  • Capital Indoor Stadiumfigure skating, short track speed skating / 15,000 existing
  • Wukesong Sports Centreice hockey / 10,000 existing
  • Shijingshan Districtsnowboarding (Big Air), freestyle skiing (Big Air) – TBA[4][5] new

Yanqing cluster

Yanqing District is a suburban district of Beijing.

  • Xiaohaituo Alpine Skiing Fieldalpine skiing 15,000
  • Xiaohaituo Bobsleigh, skeleton and Luge Trackbobsleigh, luge, skeleton / 5,000 new
  • Yanqing MMC: Media Center
  • Yanqing Olympic Village / new

Zhangjiakou cluster

  • Kuyangshu Nordic Center and Biathlon Centercross-country skiing, Nordic combined (cross-country skiing) 15,000
  • Kuyangshu Ski Jumping Field – ski jumping, Nordic combined (ski jumping) 10,000
  • Hualindong Ski Resort – biathlon 15,000
  • Genting Hotel – Media Center
  • Genting Snow Parksnowboarding (slopestyle, halfpipe), freestyle skiing 5,000
  • Taiwu Ski Resort – snowboarding (cross), freestyle skiing 10,000
  • Wanlong Ski Resort – snowboarding (parallel slalom) 5,000
  • Zhangjiakou Olympic Village
Remove ads

Transportasyon

Badyet

Ang Tantiyahing Badyet para sa palaro ay US$3.9 billion, mas kaunti kaysa isang ikasampu na ang $43 billion ginugol sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008.[6]

Palaro

The 2022 Winter Olympics are scheduled to include a record 109 events over 15 disciplines in 7 sports.

  1. Biathlon
    • Biathlon (11) (detalye)
  2. Bobsleigh
    • Bobsleigh (4) (detalye)
    • Skeleton (2) (detalye)
  3. Curling
    • Curling (3) (detalye)
  4. Ice hockey
    • Ice hockey (2) (detalye)
  5. Luge
  6. Skating
    • Figure skating (5) (detalye)
    • Short track speed skating (9) (detalye)
    • Speed skating (14) (detalye)
  7. Skiing
    • Alpine skiing (11) (detalye)
    • Cross-country skiing (12) (detalye)
    • Freestyle skiing (13) (detalye)
    • Nordic combined (3) (detalye)
    • Ski jumping (5) (detalye)
    • Snowboarding (11) (detalye)

Numbers in parentheses indicate the number of medal events contested in each separate discipline.

Bagong Kaganapan

Remove ads

Seremonya ng Pagbubukas

Mga Naglalahok ng National Olympic Committee

Seremonya ng Pagsasara

Merkado

Sagisag

Islogan

Ang Larong' Islogan ay Joyful Rendezvous Upon Pure Ice and Snow (Tsino: 纯洁的冰雪,激情的约会).

Maskota

Corporate sponsorship

Karagdagang impormasyon Isponsor para sa Palarong Olimpiko sa Taglamig 2022 ...

Broadcasting

Pag-alala at Kontrobersiya

Tignan din

Portal icon Portada ng Olympics

References

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads