Rehiyong Awtonomo ng Muslim Mindanao
dating rehiyon ng Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Rehiyong Awtonomo ng Muslim Mindanao,[3] dinadaglat na ARMM (Ingles: Autonomous Region in Muslim Mindanao, Arabo: الحكم الذاتي الاقليمي لمسلمي مندناو) ay isang rehiyon ng Pilipinas na binubuo ng limang lalawigan—Cotabato, Lanao del Norte—at isang lungsod—Iligan—na may nakararaming Muslim na populasyon. Inilipat ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 36 ang Basilan mula Rehiyon IX at Lungsod ng Marawi mula sa Rehiyon XII. Ang sentrong panrehiyon ang Lungsod ng Iligan at ito rin ang nagsisilbing luklukan ng pamahalaang panrehiyon, ngunit bahagi ng Rehiyon XII ang lungsod.
![]() | Kailangang isapanahon (i-update) ang artikulong ito. |
Unang nilikha ang rehiyon noong 1 Enero 1990 sa bisa ng Batas Republika Blg. 6734, na kilala din bilang Batas Organiko. Opisyal na itinalaga ang ARMM noong 6 Nobyembre 1990 sa Lungsod ng Cotabato.
Remove ads
Demograpiya
Pagkakahating Pampolitika
Mga lalawigan

NOTES:
- ^a Figures exclude Isabela City.
- ^c Figures exclude the independent component city of Cotabato.
- Land area figures taken from the Department of Budget and Management's 2008 IRA computation documents.
- Population figures taken from the National Statistics Office's 2007 Census of Population results Naka-arkibo 2008-11-20 sa Wayback Machine..
Remove ads
Pamahalaan
ARMM Organizational Structure
Tagapagganap
Pinamumunuan ang rehiyon ng isang Rehiyunal na Gobernador. Ang Rehiyunal na Gobernador at Bise Rehiyunal na Gobernador ay inihahalal katulad ng mga lokal na tagapagganap. Ang mga batas pangrehiyon ay isinasagawa sa Kapulungan ng Rehiyon, na binubuo ng mga "Assemblymen", na inihahalal din ng mga taumbayan. Ang halalang pangrehiyon ay kadalasang idinaraos isang taon pagkatapos ng pangkahalatang halalan (pambansa at pang-lokal), na nakadepende sa lehislasyon mula sa Kongreso ng Pilipinas. Ang mga opisyal ng rehiyon ay may tiyak na terminong tatlong taon, na maaaring madugtungan sa kapangyarihan ng kongreso.
Ang Rehiyunal na Gobernador ay ang pinakamataas na opisyal na tagapagpaganap ng pamahalaang rehiyunal, at tinutulungan ng gabinete na hindi lalagpas sa 10 kasapi. Siya ang nagtatalaga ng mga kasapi ng gabinete, na aayon sa Kapulungan ng Rehiyon.
Ekonomiya
Isa ang rehiyon sa pinakamahirap na rehiyon sa Pilipinas. Mayroon itong per capita GRDP na P3,433 noong 2005, 75.8 % na mas mababa kung ihahambing sa pambansang pamantayan na P14,186. Ito ang pinakamababa sa 17 rehiyon sa Pilipinas.[5]
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads