Soccsksargen Tagalog
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Soccsksargen Tagalog o Sox-Tagalog ay isang diyalekto ng Tagalog na ginagamit sa rehiyon ng Soccsksargen sa Mindanao. Tinuturing itong espesyal na bersyon ng Tagalog dahil hinaluan ito ng iba't ibang wika sa lugar, tulad ng, Binisaya/Sebwano, Ilocano, Hiligaynon, at Ingles. [1][2][3]
Ang Sox-Tagalog ay umusbong mula sa language interference at code-switching, kung saan ang mga katutubong nagsasalita ng iba't ibang wika ay hinahalo ang mga katangian ng kanilang mga wika sa Tagalog (Cadorna, Indoyon, & Evangelio, 2022).[2][3]
Remove ads
Mga iba't ibang varayti
Ayon sa pag-aaral, ang Sox-Tagalog ay may iba't ibang varayti tulad ng Tacurong-Tagalog, Davao/Gensan-Tagalog, Kabacan-Tagalog, at Cotabato City/Maguindanaon-Tagalog. Lumalaganap din ang paggamit nito sa mga panitikan ng rehiyon, na nagbibigay-daan sa mas malawak na pagpapahayag ng kultura at wika ng mga tao sa Soccsksargen.[2]
Mga Pangunahing Katangian
- Mga Unlapi para sa Pandiwang may Layon: Ginagamit ang unlapi na gina- at gi- para sa progresibong aspeto ng pandiwa. Halimbawa, ang salitang "kain" ay ginagamit bilang "ginakain"
- Mga Unlapi para sa Pandiwang may Tagaganap: Ginagamit ang unlapi na naga- at nag- para sa progresibong aspeto ng pandiwa. Halimbawa, ang salitang "kain" ay ginagamit bilang "nagakain"
- Unlapi ng Pandiwang Pawatas: Ginagamit ang unlapi na mag- para sa infinitibong aspeto ng pandiwa. Halimbawa, ang salitang "tingin" ay ginagamit bilang "magtingin".
- Kawalan ng Reduplikasyon: Walang reduplikasyon ng mga pantig sa mga salitang binagong anyo ng pandiwa. Halimbawa, ang salitang "walang makakaalam" ay ginagamit bilang "walang makaalam"
- Unlaping Pang-uri: Ginagamit ang unlapi na ka- para sa mga pang-uri. Halimbawa, ang salitang "talino" ay ginagamit bilang "katalino" o "ka-smart"
- Pahambing na Pasukdol: Ginagamit ang salitang "grabe" bago ang mga salitang may natitirang pantig ng unlapi na "napaka-". Halimbawa, ang salitang "napakatalino" ay ginagamit bilang "grabe katalino".
- Mga Partikel na Hiniram mula sa ibang Wika: Ginagamit ang mga partikular na galing sa Hiligaynon tulad ng gud/jud, gani, baya, at uy. Halimbawa, ang salitang "ginakain" ay ginagamit bilang "ginakain jud"
Remove ads
Mga Sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads