Mga wika sa Pilipinas

panglahatang batid ng mga wikang sinasambit sa Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

Mga wika sa Pilipinas
Remove ads

Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Batay sa pinagmulan, mayroong humigit-kumulang 100 hanggang 215 wika sa bansa.[1][2][3][4] Binibigkas din ang mga wikang banyaga tulad ng Ingles, Mandarin, Fookien, Cantonese, Kastila, at Arabe.

Thumb
Mapa ng mga pinakasinasalitang wika sa bawat rehiyon sa Pilipinas.

Ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga wika na kung tawagin nila ay mga wikang Austronesyo. Ang mga ito ay ang pangkat ng mga wika na ginagamit ng mga tao mula sa Tangway ng Malay hanggang sa mga watak-watak na pulo ng kasakupang Polynesia sa Karagatang Pasipiko. Tinatayang ito ang may pinakamalaking pamilya ng mga wika sa buong daigdig. Datapwat mas maraming wika ang kasapi ng mag-anak na ito hambingin sa ibang pamilya ng mga wika, maliliit lamang ang bilang na pangkalahatan ng mga taong gumagamit nito.

Sa mga katutubong wika sa kapuluang Pilipinas, ang mga sumusunod ang pinakamalaki at malimit gamitin bilang pangunahing wika sa kaniya-kaniyang rehiyon sa bansa:

Remove ads

Pambansang Wika ng Pilipinas

Ayon sa Konstitusyon ng Pilipinas:

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.

Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon.

Dapat itaguyod ng kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.

Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles, at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.

Dapat magtatag ng Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili.

Remove ads

Tala ng mga Wika

Mayroong 186 wika sa Pilipinas, 150 dito ay nanatiling gamit pa at ang iba ay tuluyang lumipas na.

Mga Buhay na wika

Ang mga sumusunod ang 171 na buhay na wika sa Pilipinas:

Mga patay na wika

Remove ads

Sanggunian

Tingnan din

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads