Tipaklong

From Wikipedia, the free encyclopedia

Tipaklong
Remove ads

Ang mga tipaklong[1] (Ingles: grasshopper, locust) ay mga kulisap na kumakain ng mga halaman o bahagi ng halaman na nasa subordeng Caelifera sa orden ng mga Orthoptera. Kakaiba sila sa mga kuliglig. Tinatawag ding balang[1][2] at lukton ang mga tipaklong, bagaman mas tumutukoy ang lukton sa mga batang tipaklong.[1] Sa Bibliya, partikular na sa Aklat ni Joel (Joel 1:4), mayroong katagang patungkol sa mga tipaklong at nagsasaad ng ganito: "Ang iniwan ng tipaklong ay kinain ng mga balang, ang iniwan ng balang ay kinain ng uod, (at) ang iniwan (naman) ng uod ay kinain ng kamaksi."[3] Ayon sa paliwanag ni Jose C. Abriol, isang tagapagsalin ng Bibliyang Tagalog, maaaring tumutukoy ang "katagang ito sa apat na uri ng balang o ang iba't ibang anyo ng balang." Binanggit pa ni Abriol ang mga katumbas ng mga salitang ito sa Hebreo: garam (tipaklong), arbe (balang), jelec (uod), at jasil (kamaksi).[3] Sa Bibliya pa rin, partikular na sa Marcos 1:6 at Pahayag (o Rebelasyon) 9: 3-4, nilarawan ang mga tipaklong bilang salot o maninira ng mga pananim.[4]

Agarang impormasyon Caelifera Temporal na saklaw: Huling Permian - Kamakailan, Klasipikasyong pang-agham ...
Thumb
Tipaklong na nasa dahon ng ratiles.
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads