Ang dekada 2020 o d. 2020 kung dinaglat ay ang kasalukuyang dekada ng kalendaryong Gregoryano na nagsimula noong Enero 1, 2020, at matatapos sa Disyembre 31, 2029.
Nang nagsimula ang dekada, lumaganap ang pandemya ng COVID-19 sa buong mundo, na nagdulot ng paggambala sa lipunan at ekonomiya.
Kalusugan
Pandemya
Kaganapan | Petsa | Mga impeksyon at kamatayan | Deskripsyon |
---|---|---|---|
Pandemya ng COVID-19 | 2019 – kasalukuyan | 125 milyon+ na kumpirmadong kaso at 2.7 milyon+ na namatay sa higit sa 230 bansa at teritoryo na naiulat noong 24 Marso 2021.[1] | |
HIV/AIDS | 1981 – kasalukuyan | 37.9 milyong tao na namumuhay na may HIV (katapusan ng 2018), 24.5 milyong tao ang kumukuha ng terapewtikang antiretroviral (katapusan ng 2019), 32.0 milyon namatay mula sa mga sakit na kaugnayan sa AIDS simula nang nagsimula ang epidemya (katapusan ng 2018)[2] |
Agham at teknolohiya
Artipisyal na Intelihensya
Komunikasyon at elektronika
Software at elektronikang platporma
- Natapos ang suporta para sa Adobe Flash Player noong 31 Disyembre 2020.
Lipunan
Populasyon
Lahi
Nagdulot ang pagpatay kay George Floyd ng maraming protesta at kaguluhan sa Estados Unidos at sa internasyunal noong 2020. Ang sinabing layunin ng protesta ay ang katapusan ng brutalidad ng pulis at hindi pagkapantay-pantay ng lahi.
Kalinangan
Moda
Nagkaroon ng malaking inspirasyon ang nauusong moda noong maagang dekada 2020 sa dekada 2000.[8][9][10] Ang pagsuot ng pandekorasyong maskara upang maiwasan ang sakit na COVID-19 sa pagkalat ay isang nausong moda noong maagang dekada 2020.[11]
Pelikula
Nailabas ang ilang pelikula at ibang paparating na pelikula sa mga platapormang streaming imbis sa mga sinehan dahil sa pandemya ng COVID-19. Isang kapansin-panis na halimbawa, na iilang pelikula, ay nailabas din na sabay-sabay sa parehong sinehan at platapormang streaming.
Telebisyon
Nagsimula ang dekada 2020 sa mga pangunahing serbisyong streaming na Netflix, Amazon Prime, HBO Max, Hulu at Disney+. Patuloy na bumagsak sa popularidad ang telebisyong kaybol at telebisyong satelayt at hindi na ganoong kalaganap tulad noong dekada 2010 at mga dekada pa na nagdaan.
Musika
Noong 2020, naging mahalaga ang TikTok bilang plataporma ng musika.[12] Dumami ang pag-stream na plataporma tulad ng sa Spotify at Apple Music dulot ng pandemyang COVID-19. Nakansela ang mga pista tulad ng Coachella dahil sa bayrus. Nasira ng pandemyang COVID-19 ang negosyo ng paglilibot.[13]
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.