2025
taon From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang 2025 (MMXXV) ay ang isang karaniwang taon na magsisimula sa Miyerkules sa kalendaryong Gregoryano, ang ika-2025 taon ng mga pagtatalagang Karaniwang Panahon at Anno Domini (AD), ang ika-25 taon ng ika-3 milenyo, ang ika-25 taon ng ika-21 dantaon, at ang ika-6 na taon ng dekada 2020.
Remove ads
Mga panyayari
Enero
- Enero 1
- Nakumpleto ng Bulgarya at Rumanya ang proseseo sa pagsali sa Lugar na Schengen, na tinanggal ang mga kontrol sa lupang hangganan.[1]
- Naging ika-37 bansa ang Liechtenstein na gawing legal ang kasalan ng magkaparehong kasarian.[2]
- Tinigil ng Ukranya ang transportasyon ng panustos na gas na Ruso sa boung bansa, kasunod ng pagpaso ng isang limang-taong kasunduan ng paghahatid at naging isang partidong estado sa Internasyunal na Korteng Pangkrimen.[3][4]
- Pumasok na pampublikong dominyo sa Estados Unidos ang nobelang A Farewell to Arms at ang mga karakter sa kartun na sina Popeye at Tintin.[5]
- Enero 4 – Simula ng pang-estadong paglilibing kayng dating Pangulo ng Estados Unidos na si Jimmy Carter na nagtagal hanggang Enero 9.
- Enero 13 – si Craig Melvin ay opisyal na Anchor ng Today Show sa NBC Papalit siya ni Hoda Kotb noong Enero 10 kasama sina Savannah Guthrie, Weather Anchor na si Al Roker, Carson Daly at Jenna Bush Hager.
- Enero 20 – Nanumpa si Donald Trump bilang ika-47 Pangulo ng Estados Unidos sa ikalawang pagkakataon at si JD Vance bilang ika-50 Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos.
Pebrero
- Pebrero 3 – si Bart De Weaver ay nanumpa bilang Punong Ministro ng Belgium matapos ang termino ni Alexander De Croo.
Marso
- Marso 2 – ika-97 na Academy Awards o Oscars doon sa Hollywood, Los Angeles kabilang ang K-pop na miyembro ng Blackpink na si Lalisa Manobal.
- Marso 11 – Naaresto ang dating pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa pamamagitan ng Interpol sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino sa Maynila pagkatapos hainan ng mandamyento ng pag-aresto mula sa Internasyunal na Korteng Pangkrimen pagdating galing Hong Kong. Inilipat kalaunan si Duterte at ini-ekstradisyon sa Ang Haya, Olanda sa isang lipad na naka-charter ng pamahalaang Pilipinas.
- Marso 14 – si Mark Carney nanumpa na Bilang Punong Ministro ng Canada kapalit siya ni Justin Trudeau.
Abril
- Abril 11 – Coachella Performance ni Lisa ng Blackpink.
- Abril 13 – Coachella Performance ni Jennie ng Blackpink.
- Abril 21 – Pumanaw na ang Santo Papa na si Papa Francisco sa edad na 88.
Mayo
- Mayo 5 – 2025 Met Gala sa Bansa lahat ng Natatanging Hollywood stars Kabilang ang Miyembro ng Blackpink sina Lisa, Jennie at Rosé.
- Mayo 8 – Bagong Santo Papa na si Leon XIV kapalit siya ni Papa Francisco.
- Mayo 12 – halalan sa Pilipinas sa Pagkasenador.
- Mayo 17 – Proklamasyon ng mga ika-12 Nahalal na Senador (Bong Go, Bam Aquino, Bato dela Rosa, Erwin Tulfo, Kiko Pangilinan, Rodante Marcoleta, Ping Lacson, Tito Sotto, Pia Cayetano, Camille Villar, Lito Lapid at Imee Marcos).
Hunyo
- Hunyo 4 – si Lee Jae-myung ay nanumpa bilang Pangulo ng Timog Korea matapos Mapanalo sa Eleksyon noong Hunyo 3 siya Papalit na Napatalsik na Dating Pangulo na si Yoon Suk-yeol.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads