2020
Taon From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang 2020 (MMXX) ay isang taong bisyesto na nagsisimula sa Miyerkules sa kalendaryong Gregoryano, ang ika-2020 taon sa mga pagtatalagang Karaniwang Panahon at Anno Domini (AD), ang ika-20 taon ng ika-3 milenyo, ang ika-20 taon ng ika-20 dantaon, at ang unang taon ng dekada 2020.
Remove ads
Mabigat na nabibigyan kahulugan ang 2020 ng pandemyang COVID-19, na nagdulot ng pandaigdigang paggambala sa lipunan at ekonomiya, ang maramihang pagkansela at pagbinbin ng mga kaganapan, at ang pinakamalaking ekonomikong resesyon simula noong Dakilang Depresyon ng dekada 1930.[1] Tinawag din ng Geospatial World ito bilang "ang pinakamalalang taon ayon sa pagbabago ng klima na bahagiang dahil sa pangunahing mga sakuna sa buong mundo, kabilang ang mga malaking sunog sa kagubatan ng Australya at sa kanlurang Estados Unidos, gayon din ang matinding aktibidad ng mga tropikal na bagyo na nakaapekto sa malaking bahagi ng Hilagang Amerika.[2] Ipinahawatag ng isang progresong ulat na nilathala ng Mga Nagkakaisang Bansa noong Disyembre 2020 na walang natamo sa mga Layunin ng Napapanatiling Pag-unlad para sa 2020.[3]
Idineklera ang 2020 bilang ang "Internasyunal na Taon ng Kalusugan ng Halaman" ng Mga Nagkakaisang Bansa[4] at "Taon ng mga Nars at Komadrona" ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan.[5]
Remove ads
Kaganapan
Enero


- Enero 1 – Ang mga sunog sa kagubatan ng Australya ng 2019, o Black Summer (Itim na Tag-init), na pinatay ng tinatayang 500 milyong hayop sa ngayon ay nagpatuloy sa bagong taon habang ang Royal Australian Air Force (RAAF) ay nagpakalat ng mga sundalo sa Bagong Timog Wales upang tumulong sa mga pagsusumikap sa maramihang paglikas.[6][7]
- Enero 8
- Krisis sa Gulpo ng Persa ng 2019–21: Naglunsad ang Iran balistikong misil sa dalawang base militar sa Iraq na binabahay ang mga sundalong Amerikano, na sinugatan ang maraming tauhan.[8]
- Krisis sa Gulpo ng Persa ng 2019–21: Nagkamaling pinabagsak ang Lipad 752 ng Ukraine International Airlines ng hukbong sandantahan ng Iran dagliang pagkatapos ng unang pagtaas nito mula sa Paliparan ng Tehran Imam Khomeini, na pinatay ang lahat ng 176 tao na sakay nito.[9]
- Enero 9 – Natuklasan ang isang pambihirang sirkumbinaryong planeta na tinawag na TOI 1338-b.[10]
- Enero 12 – Pumutok ang Bulkang Taal sa Pilipinas na nagdulot ng paglikas ng mga residente na nasa 14-kilometro (8.7 milya) na radyos mula sa bunganga ng bulkan.[11] Ito ang unang pangunahing pagputok ng bulkan simula noong 1977.[11]
- Enero 16 – Nagsimula ang Senado ng Estados Unidos sa unang paglilitis ng pagsasakdal kay Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos. Napawalang-sala siya noong Pebrero 5.[12]
- Enero 20 – Pandemya ng COVID-19: Unang kinumpirma ng mga awtoridad sa Tsina sa publiko ang tao-sa-tao na transmisyon ng //severe acute respiratory syndrome coronavirus 2.[13]
- Enero 23 – Pandemya ng COVID-19: Nakuwarantenas ang lungsod ng Wuhan sa Tsina, ang episentro ng inisyal na pagsiklab ng COVID-19 na hininto ang lahat na nakatakdang serbisyong publikong transporyasyon at mga lipad sa mga lungsod ng Tsina.[14][15]
- Enero 31 – Pormal na tumiwalag ang Reino Unido at Gibraltar mula sa Unyong Europeo, na sinumulan ang 11-buwang panahon ng trasisyon.[16]
Pebrero
- Pebrero 11 – Pandemya ng COVID-19: Ibinigay ng Pandaigdigang Organisasyon ng Kalusugan ang pangalan sa sakit bilang COVID-19.[17]
- Pebrero 13 – Naglathala ang NASA ng isang detalyadong pag-aaral ng Arrokoth, ang pinakamalayong bagay na nagalugad ng isang sasakyang-pangkalawakan, na dinaanan ng New Horizons nang lumakbay ito sa sinturon ng Kuiper.[18]
- Pebrero 24 – Bumagsak ang Pakatan Harapan na koalisyong pamahalaan ng Malaysia at pinalitan ito ng koalisyong Perikatan Nasional. Noong Marso 1, 2020, nanumpa si Muhyiddin Yassin bilang ika-8 Punong Ministro ng Malaysia.[19]
- Pebrero 27 – Pagbagsak ng merkado ng sapi ng 2020: Bumagsak ang Dow Jones Industrial Average (DJIA) sa 1,190.95 puntos, o 4.4%, na nagsara sa 25,766.64, ang pinakamalaki nitong isang-araw na puntos na paghina noong panahon na iyon. Sinundan ito ng ilang araw na malaking pagbagsak, na minarkahan ang pinakamalalang linggo para sa indeks simula noong 2008, na dulot ng takot sa pagkalat ng COVID-19.[20]
- Pebrero 29 – Pinirmahan ang isang kondisyonal na kasunduan sa kapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Taliban sa Doha, Qatar, na nagdulot sa pagsisimula ng Estados Unidos na unti-unting paalisisn ang mga tropa nito mula sa Afghanistan noong Marso 10.[21][22]
Marso

- Marso 5 – Inawtorisa ng Internasyunal na Korteng Pang-krimen ang pagsisiyasat sa mga Krimen sa Digmaan sa Afghanistan na magpatuloy, na naiulat na pinapahintulot sa unang pagkakataon na maimbestiga ang mga mamamayan ng Estados Unidos.[23]
- Marso 9
- Pandemya ng COVID-19: Ang Italya ay naging unang bansa na magpatupad ng isang kuwarantenas sa buong bansa upang itigil ang pagkalat ng COVID-19.[24][25]
- Bumagsak ng matindi ang mga presyo ng internasyunal na bahagi o share bilang tugon sa sa digmaan sa presyo ng langis ng Ruso-Saudi at ang epekto ng COVID-19. Bumagsak ang Dow Jones Industrial Average (DJIA) sa higit sa 2,000 puntos, ang pinakamalaking pagbagsak sa kasaysayan nito sa puntong iyon.[26] Lumulob din ang presyo ng langis ng hanggang sa 30% sa maagang kalakalan, ang pinakamalaking pagbagsak simula noong 1991.[27]
- Sa Pilipinas, pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Proklamasyon Blg. 922, na ipinapahayag ang isang publikong emerhensiya sa kalusugan dahil sa pagdami ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.[28]
- Marso 11 – Pandemya ng COVID-19: Idineklera ng Pandaigdigang Organisasyon ng Kalusugan ang pagsiklab ng COVID-19 bilang isang pandemya.[29]
- Marso 12 – Bumagsak ang pandaigdigang merkado ng sapi dahil sa patuloy na alalahanin sa COVID-19 at ang mga pagbawal sa paglalakbay ng Estados Unidos sa Pook na Schengen. Napunta ang DJIA sa malayang pagbagsak, na nagsara sa higit sa −2,300 puntos, ang pinakamalalang pagkalugi para sa indeks simula noong 1987.[30]
- Marso 17 – Sumailalim ang Luzon sa pinag-ibayong pampamayanang kuwarantenas dahil sa pandemya ng coronavirus sa Pilipinas na ipinabatid ng Pangulong Duterte sa kanyang talumpati noong gabi ng Marso 16.[31] Pinalawak nito ang pampamayanang kuwarantenas sa Kalakhang Maynila noong Marso 15.[32] Nagpataw ng kuwarantenas sa ibang bahagi ng bansa sa iba't ibang antas sa mga sumunod na mga buwan.[33]
- Marso 27 – Ang Hilagang Macedonia ay naging ika-30 bansa na sumanib sa NATO.[34]
Abril
- Abril 2 – Pandemya ng COVID-19: Ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay umabot na sa 1 milyon sa buong mundo.[35]
- Abril 12
- Pandemya ng COVID-19: Nag-livestream si Papa Francisco at binigay ang Urbi et Orbi na pagbasbas para sa Pasko ng Muling Pagkabuhay; ito ang ikalawang pagbasbas sa isang buwan, na ang una ay naganap noong Marso 27 nang ginawa ang isang natatanging serbisyong panalangin upang matapos ang pandemya.[36]
- Nagkasundo ang OPEC at mga kakampi nito na bawasan ang produksyon ng langis ng 9.7 milyong bariles bawat araw, ang pinakamababang pagbawas na napagkasunduan, na magsisimula sa Mayo 1.[37]
- Abril 19
- Kinundina ng Vietnam ang nakaraang pasya ng Tsina na magtatag ng administratibong distrito sa pinagtatalunang Kapuluan ng Paracel at Spratly bilang isang paglabag sa kalayaan nito.[38]
- Pandemya ng COVID-19: Sumiklab ang mga kaguluhan sa Paris, Berlin at Vladikavkaz bilang oposisyon sa patuloy na mga pagkakandado o lockdown dulot ng COVID-19.[39]
- Abril 27 – Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 3 milyon sa buong mundo, habang umabot na sa 1 milyon sa Estados Unidos.[40][41]
Mayo
- Mayo 1 – Pandemya ng COVID-19: Umabot na 1 milyon ang kabuuang bilang ng gumaling na pasyente ng COVID-19 sa buong mundo, sang-ayon sa datos mula sa Pamantasang Johns Hopkins.[42]
- Mayo 3–4 – Hindi matagumpay ang mga tumututol na taga-Venezuela at isang pribadong kompanyang militar na nakabase sa Amerika na pasukin ang Venezuela at puwersahang tanggalin si Pangulong Nicolás Maduro sa puwesto.[43]
- Mayo 4 – Ipinabatid ng isang pangkat ng Britaniko at Keniyanong siyentipiko ang pagkakatulas ng Microsporidia MB, isang parasitikong mikrobyo sa pangkat na Microsporidia na fungi na hinaharang ang mga lamok sa pagdala ng malaria, na potensyal na binibigay daan ang paraan na pigilan ang malaria.[44]
- May 5
- Pandemya ng COVID-19: Naging pinakamataas sa Europa ang mga namatay sa Reino Unido na umabot sa 32,313 pagkatapos malagpasan ang bilang na mga namatay sa Italya na 29,029.[45]
- Nagpalabas ang Pambansang Komisyon sa Telekomunikasyon ng Pilipinas ng isang kautusang pagtapos at pagtigil sa operasyon ng pagsasahimpapawid ng ABS-CBN, ang pinakamalaking himpilang midya sa Pilipinas, habang hindi matagumpay na mapanibago ang prangkisa nito sa Kongreso na huling binigay noong Marso 30, 1995.[46] Ang huling pagkakataon na pinasara ang himpilan ay noong pagdeklera ng batas militar ni Pangulong Ferdinand Marcos noong 1972.[47] Noong Hulyo 10, bumoto ang mga kasapi ng Komite sa Kongreso para sa Lehislatibong Prangkisa laban sa pagpapanibago ng prangkisa ng ABS-CBN.[48]
- Mayo 6 – Ipinabatid ng mga astronomo ang pagkakatuklas ng unang itim na butas na matatagpuan sa isang sistema ng bituin na maaring makita ng mata lamang.[49]
- Mayo 26
- Sumiklab ang mga protesta dulot ng pagpatay kay George Floyd sa daan-daang mga lungsod sa Estados Unidos[50] at sa buong sanlibutan.[51] Sinundan pa ito ng karagdagang mga protesta at rali laban sa rasismo at kalupitan ng pulis sa buong mundo.[52]
- Ang Costa Rica ay naging unang bansa sa Gitnang Amerika na ginawang ligal ang kasalan ng magkaparehong kasarian.[53]
- Naghain ang LATAM Airlines, ang pinakamalaking kompanya ng sasakyang panghimpapawid sa Latino Amerika, ng Kabanata II na pagkalugi.[54]
Hunyo
- Hunyo 1 – Epidemya ng Kivu: Iniulat ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan ang anim na bagong kaso ng Ebola, at inulat ng UNICEF ang limang patay, sa isang panibagong pagsiklab ng sakit sa Mbandaka, Lalawigan ng Équateur, Demokratikong Republika ng Congo.[55]
- Hunyo 2 – Naghain ng isang $5 bilyong klaseng aksyon na demanda laban sa Alphabet Inc. at Google, na inakusahan ang kompanya sa paglabag sa karapatan ng pribasiya ng mga tagagamit sa pamamagitan ng pagsubaybay sa kanila gamit ang incognito mode ng Chrome.[56]
- Hunyo 4
- Sinabi ng Pamahalaan ng Pambansang Kasunduan ng Libya na kontrolado nila ng buo ang kabisera, ang Tripoli, pagkatapos umurong ang Pambansang Hukbo ng Libya mula sa teritoryo kasunod ng ilang buwan ng matinding labanan sa lungsod.[57]
- Nagpasa ang lehislatibong konseho ng Hong Kong ng kontrobersyal na Ordinansa ng Pambansang Awit.[58]
- Hunyo 7 – Pandemya ng COVID-19: Lumagpas na ang pandaigdigang bilang ng namatay sa COVID-19 sa 400,000.[59]
- Hunyo 8 – Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 7 milyon sa buong mundo.[60]
- Hunyo 9 – Pandemya ng COVID-19: Isang pag-aaral ng Pamantasang Harvard ang nagmumungkahi na maaring kumalat ang COVID-19 sa Tsina noon pang Agosto 2019, batay sa paggamit ng paradahan sa ospital at sa nauusong paghahanap sa web.[61]
- Hunyo 14 – Isang tanker na trak ng gas ang sumabog sa lalawigang Zhejiang, Tsina na bumabaybay sa labasan ng lansangang-bayan sa Wenlin.[62]
- Hunyo 16
- Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 8 milyon sa buong mundo.[63]
- Giniba ng Hilagang Korea ang Tanggapan ng Inter-Koreanong Pag-uugnayan sa Kaesong, na itinatatag noong 2018 upang mapabuti ang mga relasyon.[64]
- Hunyo 21 – Nangyari ang isang anular na eklipse ng araw.[65]
- Hunyo 30 – Ipinasa ng Tsina ang kontrobersyal na pambansang batas ng seguridad sa Hong Kong, na pinapahintulot ang Tsina na paghigpitan ang mga oposisyon sa Beijing sa loob o sa labas ng bansa.[66]
Hulyo
- Hulyo 1 – Sinuportahan ng mga Rusong botante ang isang amyenda sa konstitusyon na, bukod sa ibang pang mga bagay, ginagawang puwedeng maghanap muli si Vladimir Putin ng dalawang anim-na-taong termino kapag natapos na ang kanyang termino sa 2024, na potensyal na pinapahintulot siya na manatili sa kapangyarihan hanggang 2036.[67]
- Hulyo 15 – Na-hack ang mga akawnt sa Twitter ng mga prominenteng tao sa politika, at kilalang tao upang ianunsyo ang iskam sa bitcoin.[68]
- Hulyo 22 – Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 15 milyon sa buong mundo.[69]
Agosto
- Agosto 4 – Isang pagsabog na dulot ng hindi ligtas na inimbak na ammonium nitrate ang kinitil ang higit sa 220 katao, sinugtan ang libo-libo, at malubhang winasak ang daungan sa Beirut, Lebanon. Tinatayang nasa $10–15 bilyon ang pinsala, at tinatayang nasa 300,000 tao ang walang tirahan. Noong sumunod na araw, idineklara ng pamahalaan ng Lebanon ang isang dalawang-linggong estado ng emerhensiya.[70][71][72]
- Agosto 5 – Naglakbay ang Kalihim ng Kalusugan at Serbisyon sa Tao ng Estados Unidos na si Alex Azar sa Taiwan, ang pinakamataas na opisyal sa Estados Unidos na bumisita sa bansa sa loob ng 40 taon. Kinondena ng PRC ang pagbisita.[73]
- Agosto 10 – Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 20 milyon sa buong mundo.[74]
- Agosto 11 – Pandemya ng COVID-19: Ipinabatid ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na inaprubahan na ng Rusya ang pinakaunang bakuna sa mundo para sa COVID-19.[75]
- Agosto 25 – Idineklera ang Aprika bilang malaya na sa mabangis na polio, ang ikalawang bayrus na napuksa sa lupalop simula noong napuksa ang bulutong noong nakalipas na 40 taon.[76][77]
- Agosto 26 – Ang CEO ng Amazon na si Jeff Bezos ay naging unang tao sa kasaysayan na magakaroon ng net worth (halagang neto) na lumabis sa $ 200 bilyon, sang-ayon sa Forbes.[78]
- Agosto 28 – Ipinabatid ang pagbibitiw ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon sa kanyang puwesto, na binanggit ang kanyang masamang kalusugan.[79]
- Agosto 30 – Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 25 milyon sa buong mundo. Nagpatuloy ang Indya na magtala ng pinakamataas na arawang pagtala ng mga kaso.[80]
Setyembre
- Setyembre 4 – Si Papa Benedicto XVI ang naging papa na may pinakamahabang-buhay sa gulang na 93 taon, apat na buwan, at 16 na araw, na nilagpasan ang tala ni Papa Leo XIII, na namatay noong 1903.[81]
- Setyembre 6 – Dumaan sa kalupaan ang Bagyong Haishen sa Hapon at pagkatapos sa Timog Korea bilang isang malakas na kategorya 2 na katumbas na bagyo.[82] Sa kalaunan, dumaan ito sa kalupaan ng Hilagang Korea kung saan nagkaroon ng malawakang baha.[83]
- Setyembre 17
- Naglabas ang Pransya, Alemanya, at ang Reino Unido ng pinagsamang diplomatikong sulat sa Mga Nagkakaisang Bansa na tinatanggihan ang pag-angkin ng Tsina sa Dagat Timog Tsina, at sinusuporta ang pasya sa Pilipinas v. Tsina na binabanggit ang makasaysayang karapatan ayon sa siyam na gatlang na guhit na sinsalungat ang Kumbensiyon ukol sa Batas ng Dagat ng Mga Nagkakaisang Bansa. Bagaman, sinasabi ng pahayag na sa "soberanyang panteritoryo," "wala silang kinukuhang posisyon."[84]
- Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 30 milyon sa buong mundo.[85]
Oktubre
- Oktubre 10 – Nagkasundo ang Armenia at Azerbaijan sa isang tigil putukan sa patuloy na labanang Nagorno-Karabakh.[86]
- Oktubre 15:
- Mga protesta sa Thailand ng 2020: Nagdeklera ang Pamahalaan ng Thailand ng isang "matinding" estado ng emerhensiya na ipinagbawal ang pagtitipon ng lima o higit pa na mga tao, na sinimulan ang pagpipigil sa mga demonstrasyon at sa pagpataw ng pagsensura sa midya.[87]
- Nagbitiw ang Pangulo ng Kyrgyzstan na si Sooronbay Jeenbekov mula sa kanyang puwesto pagkatapos ng mga linggo ng maramihang protesta sa kalagayan ng halalang parliyamentaryo ng Oktubre 2020; humalili ang pinuno ng oposisyon na si Sadyr Japarov sa parehong umaaktong Pangulo at Punong Ministro ng Kyrgyzstan.[88]
- Oktubre 30
- Oktubre 31 – Dumaan sa kalupaan ng Pilipinas ang Bagyong Rolly (internasyunal na pangalan: Goni), na naging ang pinakamalakas na tropikal na bagyo na dumaan sa kalupaan sa kasaysayan, na pinaalis ang mga daang-libong tao at kinitil ang mga dosenang katao sa rehiyon.[92]
Nobyembre
- Nobyembre 3–7 – Halalang pampanguluhan sa Estados Unidos ng 2020: Nahalal si Joe Biden bilang ang ika-46 na Pangulo ng Estados Unidos, pagkatapos dumating ang mga natitirang mga bilang ng boto (Nobyembre 7) mula sa mga susing estado na nabinbin sa pagdagsa ng mga balotang dinaan sa koreo na dulot ng pandemya, na tinalo ang kasalukuyang nakaupong Pangulong Donald Trump.[93][94]
- Nobyembre 4 – Pormal na umalis ang Estados Unidos sa Kasundang Paris sa pagbabago ng klima.[95]
- Nobyembre 8 – Pandemya ng COVID-19: Umaabot na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 50 milyon sa buong mundo.[96]
- Nobyembre 9 – Pandemya ng COVID-19: Ang unang matagumpay na pagsubok ng yugto III ng isang bakuna ng COVID-19 ay ipinabatid ng mga kompanya ng gamot na Pfizer at BioNTech, na 90% epektibo sang-ayon sa pansamantalang resulta.[97]
- Nobyembre 25 – Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 60 milyon sa buong mundo.[98]
- Nobyembre 27 – Pinaslang ang pinakataas ng siyentipiko sa Iran, si Mohsen Fakhrizadeh, malapit sa Tehran.[99][100]
- Nobyembre 30
- Nangyari ang isang penumbral na eklipse ng buwan; ang huli sa apat na eklipse ng buwan ng 2020.[101]
- Ang pagtitiklop ng protina, isa sa mga pinakamalaking misteryo sa biyolohiya,[102] ay nalutas ng AlphaFold, isang artipisyal na intelihensys na algoritmo na ginawa ng DeepMind.[103][104]
Disyembre
- Disyembre 2
- Pandemya ng COVID-19: Inaprubahan ng Reino Unido ang bakuna ng Pfizer-BioNTech na BNT162b2, na naging unang bansa sa mundo na ginawa ito.[105]
- Nakulong ang tatlong aktibista sa Hong Kong para sa kanilang ginampanan sa mga prostesta sa Hong Kong noong 2019–20. Si Joshua Wong ang nakakuha ng matagal na pagkakulong sa 13.5 buwan.[106]
- Disyembre 4
- Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 65 milyon sa buong mundo, na may pandaigdigang bilang ng patay sa 1.5 milyon. Sinasalamin ng datos, sa huling linggo, na higit sa 10,000 tao sa buong mundo ay namatay sa katamtaman sa bawat araw, na may isang patay sa bawat siyam na segundo. Sang-ayon sa Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan, nagdulot ang COVID-19 ng mas maraming patay noong 2020 kaysa tuberculosis noong 2019, gayon din, apat na beses ang bilang ng namatay kaysa malaria.[107][108]
- Digmaang Sibil ng Somalia: Ipinabatid ng Estados Unidos ang pag-alis nito mula sa labanan sa susunod na buwan.[109]
- Disyembre 5 – Pandemya ng COVID-19: Nagsimula na ang Rusya sa maramihang pagbabakuna laban sa COVID-19 gamit ang kandidatong Sputnik V.[110]
- Disyembre 6 – Naganap ang parliyamentaryong halalan sa Venezuela ng 2020.[111]
- Disyembre 8
- Pandemya ng COVID-19: Ang Reino Unido ay naging unang bansa na nagsimula ng kampanyang maramihang inokulasyon gamit ang klinikal na awtorisado at buong subok na bakuna, ang bakunang Pfizer–BioNTech.[112][113][114]
- Opisyal na nagkasundo ang Nepal at Tsina sa aktuwal na taas ng Bundok Everest na nasa 8,848.86 metro.[115]
- Disyembre 12
- Disyembre 15 – Inakusahan ng Internasyunal na Korte para sa Krimen ang Pilipinas ng krimen laban sa sangkatauhan dahil sa digmaan nito laban sa droga.[118]
- Disyembre 20 – Pandemya ng COVID-19: Isang mataas na nakakahawang bagong baryante ng SARS-CoV-2 ang kumakalat sa Europa at Australya na nagdulot ng internasyunal na pagsasara ng mga hangganan.[119]
- Disyembre 21
- Pandemya ng COVID-19: 36 kaso ang naiulat sa Base General Bernardo O'Higgins Riquelme sa Teritoryong Antartiko ng Chile, na minamarkahan ang unang impeksyon sa Antartika, ang huling lupalop na naiulat ang impeksyon.[120]
- Isang dakilang pagdidikit ng Hupiter at Saturno ang nangyari, na nahiwalay ang dalawang planeta sa kalangitan sa 0.1 digri. Iro ang pinakamalapit na pagdidikit sa pagitan ng dalawang planeta simula noong 1623.[121]
- Disyembre 27 – Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 80 milyon sa buong mundo.[122]
Remove ads
Kamatayan












- Enero 26 – Kobe Bryant, Amerikanong propesyunal na manlalaro ng basketbol (ipinanganak 1978)[123]
- Pebrero 24 – Diana Serra Cary, Amerikanong batang aktres (ipinangnak 1918)[124]
- Pebrero 25 – Hosni Mubarak, ika-41 Punong Ministro at ika-4 na Pangulo ng Ehipto (ipinangank 1928)[125]
- Marso 20 – Kenny Rogers, Amerikanong mang-aawit ng country at manunulat ng awitin (ipinanganak 1938)[126]
- Abril 5 – Mahmoud Jibril, dating Punong Ministro ng Libya (ipinanganak 1952)[127]
- Abril 20 – Heherson Alvarez Pilipinong politiko, dating senador, kongresista at Ministro ng Repormang Pansakahan (ipinanganak 1939)[128]
- April 21 – Florian Schneider, Alemang elektronikong musikero (ipinanganak 1947)[129]
- Mayo 8 – Roy Horn, Aleman-Amerikanong salamangkero (ipinanganak 1944)[130]
- Mayo 14 – Teresa Aquino-Oreta Pilipinong politiko, dating kongresista at senador (ipinanganak 1944)[131]
- Hunyo 29 – Carl Reiner, Amerikanong aktor, direktor ng pelikul at komedyante (ipinanganak1922)[132]
- Hulyo 24 – Regis Philbin, Amerikanong punong-abala ng usapang palabas (ipinanganak 1931)[133]
- Hulyo 30 – Lee Teng-hui, ika-13 Pangulo ng Republika ng Tsina (ipinanganak 1923)[134]
- Agosto 4 – Eddie Ilarde Pilipinong punong-abala sa radyo at telebisyon at dating mambabatas (ipinanganak 1934)[135]
- Agosto 8 – Alfredo Lim, Pilipinong politiko, dating direktor ng Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat, senador, at alkalde ng Maynila (ipinanganak 1929)
- Agosto 28 – Chadwick Boseman, Amerikanong aktor at mandudula (ipinanganak 1976)[136]
- Agosto 31 – Pranab Mukherjee, ika-13 Pangulo ng Indya (ipinanganak 1935)[137]
- Setyembre 10 – Diana Rigg, Ingles na aktres (ipinanganak 1938)[138]
- Setyembre 18 – Ruth Bader Ginsburg, Amerikanong hurado, at tagapanguna ng pagkakapantay ng kasarian (ipinanganak 1933)[139]
- Nobyembre 10 – Mila del Sol, Pilipinong artista, negosyante at pilantropo (ipinanganak 1923)[140]
- Nobyembre 26 – Jamir Garcia, Pilipinong musikero at bokalista ng Slapshock (ipinanganak 1978)[141]
- Nobyembre 29 – April Boy Regino, Pilipinong mang-aawit (ipinanganak 1961)[142]
- Disyembre 2 – Valéry Giscard d'Estaing, ika-20 Pangulo ng Pransya (ipinanganak 1926)[143]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads