From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang lantanido o seryeng lanthanoid (nomenklaturang IUPAC)[1] ay binubuo ng labinlimang metal na elementong kemikal na may atomikong bilang na 57 hanggang 71, mula lantano hanggang sa lutesyo.[2][3][4]
Mga Lantanido sa talaang peryodiko | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
|
Kadalasang tinatawag ang labinlimang elementong lantanido, kasama na ang mga katulad na elementong kemikal na iskandiyo at itriyo, na bihirang elemento ng lupa.
Ginagamit ang impormal na kemikal na simbulong Ln sa mga pangkalahatang usapan sa lantanido para tukuyin ang kahit anong lantanido. Lahat, maliban sa isa, ng mga lantanido ay mga elementong nasa f-bloke, na sumusunod sa pagpupuno ng talukab ng elektron sa 4f; ang lutesyo, isang elementong d-block, ay kadalasang isinasama sa pangkat ng lantanido dahil sa pagkakapareha niya sa kemikal na karakter sa iba pang lantanido. Nakakabuo ang lahat ng mga elementong lantanido ng trivalent cations, Ln3+, na kung saan ang kemika ay malakihang nalalaman sa pamamagitan ng rayos ioniko, na kung saan ay bumababa kahit papaano mula sa lantano hanggang sa lutesyo.
Elemento | La | Ce | Pr | Nd | Pm | Sm | Eu | Gd | Tb | Dy | Ho | Er | Tm | Yb | Lu |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Atomikong bilang | 57 | 58 | 59 | 60 | 61 | 62 | 63 | 64 | 65 | 66 | 67 | 68 | 69 | 70 | 71 |
Larawan | |||||||||||||||
Densidad (g/cm3) | 6.162 | 6.770 | 6.77 | 7.01 | 7.26 | 7.52 | 5.244 | 7.90 | 8.23 | 8.540 | 8.79 | 9.066 | 9.32 | 6.90 | 9.841 |
Punto ng pagkalusaw (°C) | 920 | 795 | 935 | 1024 | 1042 | 1072 | 826 | 1312 | 1356 | 1407 | 1461 | 1529 | 1545 | 824 | 1652 |
Atomikong konpigurasyon ng elektron* | 5d1 | 4f15d1 | 4f3 | 4f4 | 4f5 | 4f6 | 4f7 | 4f75d1 | 4f9 | 4f10 | 4f11 | 4f12 | 4f13 | 4f14 | 4f145d1 |
Konpigurasyong elektron ng Ln3+ *[5] | 4f0[6] | 4f1 | 4f2 | 4f3 | 4f4 | 4f5 | 4f6 | 4f7 | 4f8 | 4f9 | 4f10 | 4f11 | 4f12 | 4f13 |
4f14 |
Rayos ng Ln3+ (pm) | 103 | 102 | 99 | 98.3 | 97 | 95.8 | 94.7 | 93.8 | 92.3 | 91.2 | 90.1 | 89 | 88 | 86.8 | 86.1 |
* Sa pagitan ng panimulang [Xe] at sa hulihang 6s2 ng mga talukab ng elektron
Pangkat ng mga elemento ang lantanido na kung saan tumataas ang atomikong bilang mula 57 (lantano) hanggang sa 71 (lutesyo). Ginagamit ang lantanido sapagkat kapareho ng mga magagaan na elemento sa serye ang kemikal na karakter ng lantano. Sa mahigpit na pananalita, parehong makikita ang lantano at tutesyo sa ikatlong elementong pangkat, dahil iisa lamang ang kanilang balensyang elektron sa talukab d. Subalit, parehong isinasama sila sa pangkalahatang usapan sa mga elementong lantanido.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.