Nobelyo

From Wikipedia, the free encyclopedia

Nobelyo
Remove ads

Ang nobelyo o nobelyum (Espanyol: nobelio, Ingles: nobelium, may sagisag na No, atomikong bilang na 102, isotopikong mga masang 252, 253, 254, 255, at 256, mga kalahating-buhay na 4.5, 95, 75, 180, at 8 mga segundo) ay isang sintetikong elementong radyoaktibo at trans-uranikong matatagpuan sa mga seryeng aktinido. Unang nakilala ito nang tama ng mga siyentipiko noong 1956 o 1958.[6] Natuklasan ito nina A Ghiorso, T Sikkeland, J Walton at GT Seaborg. Natuklasan ito sa Laboratoryo ng mga Reaksiyong Nuklear ng Flerov (Flerov Laboratory of Nuclear Reactions sa Ingles) sa Dubna, Rusya. Kaunti lamang ang nalalaman ang tungkol sa elementong ito ngunit may limitadong bilang mga eksperimentong kimikal ang nagpakitang bumubuo ito ng matatag na dibalenteng iyono (divalent ion), maging ng prediktado o inaasahang tribalenteng iyono (trivalent ion) na may kaugnayan sa pag-iral nito bilang isa sa mga aktinoyd. Nagbuhat ang pangalang nobelyo at nobelyum mula sa Suwisong kimikong si Alfred Nobel.

Agarang impormasyon Nobelium, Bigkas ...
Remove ads

Sanggunian

  1. The density is calculated from the predicted metallic radius (Silva 2008, p. 1639) and the predicted close-packed crystal structure (Fournier 1976).

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads