Niyon

elementong kimikal, simbolong Ne at atomikong bilang 10 From Wikipedia, the free encyclopedia

Niyon
Remove ads

Ang neon ay isang elementong kimikal sa talahanayang peryodiko na sinasagisag ng simbolong Ne at nagtataglay ng atomikong bilang 10.

Agarang impormasyon Neon, Appearance ...

Mayroon din itong atomikong timbang na 20.183, punto ng pagkatunaw (MP o melting point) na 248.67 °C, punto ng pagkulo (BP o boiling point) na 245.95 °C, at V na 0.[13] Bagaman isang napakakaraniwang elemento sa uniberso, bihira ito sa mundo. Isa itong hindi magalaw, walang-kulay, at hindi nakikitang gas sa pamantayang mga kalagayan o kundisyon. Nagbibigay ang neon ng kakaiba at natatanging mamula-mula o naranghalang katingkaran kapag dinaanan ng kuryente[13] at kapag ginamit sa tubong Geissler o tubong pangdiskarga at mga lamparang neon (ilawang neon).[14][15] pangkalakalan (commercial) na nakukuha ito mula sa hangin, kung saan natatagpuan ito sa maliliit o bakas na mga bilang. Ginagamit ito para sa mga ilaw ng neon ng lungsod.[13] Nagmula ang salitang neon sa salitang Griyegong nangangahulugang "bago". Natuklasan ito nina William Ramsay (binabaybay ding William Ramsey[13]) at Morris W. Travers noong 1898.[13]

Hindi ito nagkakaroon ng reaksiyon at hindi sumasanib sa iba pang mga elemento,[13] kaya't matatagpuan nag-iisa o nagsasarili lamang. Bagaman may katangiang maging mapula o narangha kapag dinaanan ng kuryente, umiilaw o nagliliwanag rin ito na may iba't ibang mga kulay. Dahil sa kalidad o katangiang ito ng neon, kaya ito ginagamit sa mga karatula.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads