Abril 21

petsa From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads


Ang Abril 21 ay ang ika-111 na araw ng taon sa kalendaryong Gregoryano (ika-112 kung bisyestong taon), at mayroon pang 257 na araw ang natitira.

<< Abril >>
LuMaMiHuBiSaLi
123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930
2025

Pangyayari

  • 1519 - Si Hernán Cortés ay lumapag sa Veracruz, Veracruz
  • 2014 - Kinondena ng Mga Nagkakaisang Bansa ang "Tudlaang Pagpatay" at pagkasugat ng daang-daang sibilyan base sa kanilang pinagmulang pangkat etniko sa bayan ng Bentiu matapos ang paglusob na ginawa ng mga rebeldeng Timog Sudan noong nakaraang linggo.[1]
  • 2014 - Isang pag-atake sa Aleppo, ang ginawa ng Hukbong Panghimpapawid ng Sirya ang ikinasawi ng karamihan; 14 naman ang namatay matapos sumabog ang isang bomba sa bariles sa pamayamanan ng Baeedeen.[2]
  • 2014 - Ayon sa mga militanteng maka-Rusya, nakuha nila ang dalawang bangkay ng kanilang miyembro sa Ilog ng Seversky Donets sa Sloviansk, Ukraine, kung saan ang mga ito ay nagtamo ng maraming saksak.[3]
  • 2014 - 30 hinihinalang miyembro ng militanteng al-Qaeda at 6 na sibilyan ang napatay sa isinagawang pag-atake ng drone ng Estados Unidos sa Yemen.[4]
  • 2014 - Isang bomba sa kotse ang sumabog sa Mogadishu, Somalya na ikinasawi ng isang miyembro ng Pederasyon ng Parliyamento ng Somalya at ikinasugat ng iba pa.[5]
  • 2014 - Kinundena ng Pangulo ng Timog Korea nasi Park Geun-hye ang aksisyong ginawa ng mga tripulante ng barkong Sewol at ihinalintulad ito sa gawaing pagpatay ng tao. Umabot na sa 87-katao ang nasawi at 238 pa ang nawawala at itinuturing na ring mga patay matapos lumubog ang barkong Sewol noong Abril 16.[6]
  • 2014 - Apat na tripulante ng barko ang inaresto matapos iwanan ang barko habang ito ay palubog.[7]
  • 2014 - Nagsagawa ng biglaang pangangailangang paglapag ang Boeing 737 ng Malaysian Airlines na may lulan na 166 katao matapos pumutok ang pangunahing gulong nito sa harapan.[8]
  • 2014 - Nailigtas sa panganib ang labing-anim na taong gulang na binatang nag-layas at sumakay sa kompartimento ng isang eroplano mula sa Pandaigdigang Paliparan ng San Jose patungo sa Paliparan ng Kahului.[9]
  • 2014 - Naantala ang paghahanap sa Lipad 370 ng Malaysia Airlines dahil sa Bagyong Jack. Kabilang na rin ang submarinong Bluefin-12 ng Hubong Dagat ng Estados Unidos sa misyon ng paghahanap ng mga labi ng eroplano na nawala noong Marso 8 na may lulang 238 katao.[10]
  • 2014 - Sinentensiyahan ng hatol ng kamatayan ang 5-katao at ng pagkakakulong ng 37 iba pa para sa kasong pagkakasangkot sa pambobomba sa Riad, Saudi Arabia, noong 2013.[11]


Remove ads

Kapanganakan

Kamatayan

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads