2016
taon From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang 2016 (MMXVI) ay isang taong bisyesto na nagsisimula sa Biyernes sa kalendaryong Gregoryano, ang ika-2016 na taon sa mga pagtatalagang Karaniwang Panahon at Anno Domini (AD), ang ika-16 na taon ng ika-3 milenyo, ang ika-16 na taon ng ika-21 siglo at ang ika-7 taon ng dekada 2010.
Remove ads
Kaganapan
Enero
- Enero 3 – Kasunod ng kinalabasan ng pagbitay kay Nimr al-Nimr noong Enero 2, tinapos ng Saudi Arabia at ilang mga bansa ang kanilang diplomatikong ugnayan sa bansang Iran.[1]
Pebrero
- Pebrero 7 – Naglunsad ang Hilagang Korea ng isang intelihensyang satelayt na nagngangalang Kwangmyŏngsŏng-4 sa kalawakan, na kinondena bilang isang malayuang pagsubok ng balistikong misil.[2]
- Pebrero 12 – Pumirma sina Papa Francisco at Patriarka Kirill ng isang Ekumenikong Pagpapahayag sa unang pagpupulong sa pagitan ng mga pinuno ng mga Simbahan ng Katoliko at Rusong Ortodokso simula ng kanilang paghahati noong 1054.[3]
Marso
Abril
- Abril 3 – Ang Internasyunal na Konsosyo ng Nagiimbestigang Mamamahayag o International Consortium of Investigative Journalists (ICIJ) at pahayagang Aleman na Süddeutsche Zeitung ay naglathala ng isang pangkat ng 11.5 milyong lihim na dokumento mula sa Mossack Fnseca na korporasyon sa Panama na nagbibigay ng detalyadong impormasyon sa higit sa 214,000 kompanya sa ibayong-dagat, kabilang ang mga identidad ng mga kasyoso at direktor kabilang ang mga kilalang personalidad at pinuno ng estado.[5]
Mayo
- Mayo 9 – Naganap ang pambasa at lokal na halalan sa Pilipinas.[6]
Hunyo
- Hunyo 23 – Bumoto ang Reino Unido sa isang reperendum upang umalis sa Unyong Europeo.[7]
- Hunyo 30 – Pinasinayaaan si Rodrigo Duterte bilang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas at si Leni Robredo bilang ika-14 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas.[8][9][10]
Hulyo
Agosto
- Agosto 5–21 – Naganap ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 2016 sa Rio de Janeiro, Brazil, ang unang pakakataon sa isang bansa sa Timog Amerika.[13]
- Agosto 24 – Tumama ang isang 6.2 magnitud na lindol sa Italya, na kinitil ang 299 na katao.
- Agosto 31 – Bumoto (61-20) ang Senado ng Brazil upang isakdal ang Pangulo ng Brazil na si Dilma Rousseff. Ang Pangalawang Pangulo ng Brazil na si Michel Temer ang gumanap sa mga kapangyarihang pampangulo at tungkulin bilang Umaktong Pangulo ng Brazil sa panahon ng suspensyon ni Rousseff, at umupo sa puwesto para sa natitirang niyang termino.[14]
Setyembre
- Setyembre 3 – Ang Estados Unidos at Tsina, na magkasamang responsable para sa 40% ng emisyon ng karbon sa mundo, ay parehong pormal na sumama sa pandaigdigang kasunduan sa klima sa Paris.[15]
Oktubre
- Oktubre 15 – Nagpulong ang 150 bansa sa pagpupulong United Nations Environment Programme (UNEP) sa Rwanda upang sang-ayunan ang paghinto ng paggamit ng mga hydrofluorocarbon (HFC) bilang amyenda sa Protokol sa Montreal.[16]
Nobyembre
- Nobyembre 8 – Nahalal ang negosyante at personalidad sa telebisyon na si Donald Trump bilang ang ika-45 Pangulo ng Estados Unidos sa isang surpresang tagumpay laban sa dating Kalihim ng Estado na si Hillary Clinton.[17]
- Nobyembre 14 – Nilibing ang labi ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos sa isang pribadong seremonya sa Libingan ng mga Bayani na nagdulot ng mga protesta sa buong Pilipinas.[18][19]
Disyembre
- Disyembre 10 – Nasakdal ang Pangulo ng Timog Korea na si Park Geun-hye.[20]
- Disyembre 31 – Umalis ang mga tropa ng Estados Unidos mula sa Afghanistan pagkatapos ng 15 taon.[21]
Remove ads
Kamatayan
- Enero 10 – David Bowie, Ingles na mang-aawit, manunulat ng awitin at aktor (ipinanganak 1947)
- Pebrero 16 – Boutros Boutros-Ghali, Ehipsyong politiko at diplomata, Pangkalahatang-Kalihim ng Mga Nagkakaisang Bansa (ipinanganak 1922)
- Marso 6 – Nancy Reagan, Amerikanong aktres actress, Unang Ginang ng Estados Unidos (ipinanganak 1921)
- Marso 24 – Garry Shandling, Amerikanong artista at komedyante (ipinanganak 1949)
- Marso 29 – Patty Duke, Amerikanong aktres (ipinanganak 1946)
- Abril 23 – Banharn Silpa-archa, ika-21 Punong Ministro ng Thailand (ipinanganak 1932)
- Mayo 19 – Alan Young, ipinanganak na Britaniko na Kanadyano-Amerikanong aktor (ipinanganak 1919)
- Hunyo 3 – Muhammad Ali, Amerikanong Olimpiko at propesyunal na boksingero (ipinanganak 1942)
- Agosto 24 – Roger Y. Tsien, Amerikanong biyologong Nobel (ipinanganak 1952)
- Setyembre 2 – Islam Karimov, Unang Pangulo ng Uzbekistan (ipinanganak 1938
- Setyembre 5 – Phyllis Schlafly, Amerikanong manunulat at pampolitikong aktibista (ipinanganak 1924)
- Setyembre 10 – Joy Viado, Pilipinong komedyante at aktres (ipinanganak 1959)
- Setyembre 28 – Shimon Peres, ika-9 na Pangulo at ika-8 Punong Ministro ng Israel, laureado ng Premyong Nobel para sa Kapayapaan (ipinanganak 1923)
- Setyembre 29 – Miriam Defensor Santiago, Pilipinong politiko (ipinanganak 1945)
- Oktubre 9 – Andrzej Wajda, Polakong direktor ng pelikula (ipinanganak 1926)
- Oktubre 13 – Bhumibol Adulyadej (Rama IX), Hari ng Thailand (ipinanganak 1927)
- Nobyembre 25
- Fidel Castro, Unang Kalihim ng Partido Komunista ng Cuba at Pangulo ng Konseho ng Estado ng Cuba (ipinanganak 1926)
- Ron Glass, Amerikanong aktor (ipinanganak 1945)
- Nobyembre 28 – Cléber Santana, taga-Brazil na putbolista (ipinanganak 1981)
- Disyembre 8 – John Glenn, Amerikanong abyador, astronauta at politiko (ipinanganak 1921)
- Disyembre 25 – George Michael, Britanikong mang-aawit (ipinanganak 1963)
- Disyembre 27 – Carrie Fisher, Amerikanong aktres at manunulat (ipinanganak 1956)
- Disyembre 28 – Debbie Reynolds, Amerikanong aktres, mananayaw, at mang-aawit (ipinanganak 1932)
Remove ads
Gantimpalang Nobel
- Kimika – Ben Feringa, Jean-Pierre Sauvage, Fraser Stoddart
- Ekonomika – Oliver Hart, Bengt R. Holmström
- Panitikan – Bob Dylan
- Kapayapaan – Juan Manuel Santos
- Pisika – John M. Kosterlitz, Duncan Haldane, David J. Thouless
- Pisyolohiya o Medisina – Yoshinori Ohsumi
Mga sanggunian
Mga panlabas na link
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads