Apritada

nilagang karne at gulay mula sa Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

Apritada
Remove ads

Ang apritada[2] ay isang ulam sa Pilipinas na gawa sa manok, baka, o baboy na sinabawan ng sarsa ng kamatis, at hinaluan ng karots, patatas, at pula at berdeng bell pepper. Sinasabayan ito ng kanin, at isa ito sa mga karaniwang kinakain ng Pilipino araw-araw.[3] Mayroon ding mga uri ng apritada na gawa sa pagkaing-dagat.[4][5]

Agarang impormasyon Ibang tawag, Kurso ...
Remove ads

Etimolohiya

Nagmula ang pangalang afritada sa fritada ("prito") sa wikang Kastila, na tumutukoy sa unang hakbang sa paghahanda kung saan piniprito ang karne bago pakuluin sa sarsa ng kamatis.[6]

Paglalarawan

Ang apritada ay nilagang ulam. Sinisimulan ang paghanda nito sa paggisa ng bawang at sibuyas. Pagkatapos, hinahalo ang hiniwa na karne para maprito hanggang lumambot ito. Kapag medyo nagkayumanggi na ang karne, ibinubuhos ang tubig at tomato paste sa kawali, at idinaragdag din ang mga karots, potatoes at hiniwang bell peppers. Maaari ring idagdag ang mga hiniwang kamatis, tsitsaro, balatong, o sitaw. Maaari rin itong lagyan ng pampalasa, kagaya ng asin, paminta, dahon ng laurel, at patis. Pinakukulo ang mga sangkap hanggang maluto ang mga gulay. Pinapares ito sa kanin.[7][4][8]

Remove ads

Mga uri

Nag-iiba ang pangalan ng apritada base sa pangunahing sangkap nito. Kabilang sa mga pinakakaraniwan dito ang apritadang manok,[9] apritadang baka, at apritadang baboy.[5] Maaari ring iapritada ang mga pagkaing dagat, kagaya ng apritadang isda o apritadang tahong. Magkapareho ang proseso ng pagluluto ng mga ito sa mga apritadang gawa sa karne.[10][11]

Karaniwang hinahamonado ang pagluto sa apritada (may kasamang pinya). Pineapple chicken afritada ang tawag sa matamis na baryanteng ito.[12] Kadalasan, ipinagkakamali ito sa pininyahang manok, nilagang manok na dinaragdagan din ng pinya. Ngunit walang sarsa ng kamatis sa huling nabanggit.[13][14]

Mga katulad na pagkain

Ang apritada ay katulad sa menudo at kaldereta, dalawang pagkaing Pilipino na may sarsa ng kamatis o ketsap na saging. Ngunit may hiniwang atay ang menudo, habang karne ng kambing lang ang ginagamit sa kaldereta.[15]

Tingnan din

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads