Ligang Arabe

From Wikipedia, the free encyclopedia

Ligang Arabe
Remove ads

Ang Ligang Arabe (Ingles: Arab League, Arabo: الجامعة العربية al-Jāmiʻa al-ʻArabiyya), opisyal na tinatawag bilang ang Liga ng mga Estadong Arabe (Ingles: League of Arab States, (Arabo: جامعة الدول العربية Jāmiʻat ad-Duwal al-ʻArabiyya), ay isang rehiyonal na samahan sa mga estadong Arabe sa Timog-kanlurang Asya, at Hilaga at Hilaga-silangang Aprika. Nabuo ito sa Cairo noong 22 Marso 1945 na mayroong anim na kasapi: Ehipto, Irak, Transhordan (napalitan ang pangalan bilang Hordan pagkatapos ng 1946), Lebanon, Saudi Arabia, at Sirya. Sumali ang Yemen bilang isang kasapi noong 5 Mayo 1945. Mayroon ngayon itong 22 kasapi. Ang pangunahing layunin ng liga ang "ipaglapit ang mga ugnayan ng bawat kasaping Estado at iugnay ang pagtutulungan sa pagitan nila, upang ipagsanggalang ang kanilang kalayaan at soberenya, at upang ituring sa isang pangkalahatang paraan ang mga ugnayan at interes ng mga bansang Arabe."[1]

Agarang impormasyon جامعة الدول العربيةJāmiʻat ad-Duwal al-ʻArabiyya Liga ng mga Estadong Arabe, Punong Himpilan ...
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads