Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya
Samahan ng mga bansa From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya[2], na kadalasang dinadaglat bílang ASEAN o Asean,[3][4] ay isang kapisanang pang-heopolitika, pang-ekonomiya, at pangkultura ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang Asean ay itinatag noong ika-8 ng Agosto 1967 at binuo ng Indonesya, Malaysia, Pilipinas, Singapore, at Taylandiya. Ang mga layunin ng samahang ito ay pagtaguyod ng paglago ng ekonomiya, kaunlarang panlipunan, pagsulong ng mga kultura sa mga kasapi, at pagpapalaganap ng kapayapaang pangrehiyon.
Skidibi
Remove ads
Kasaysayan

Maaaring iguhit ang pagkatatag ng Asean mula sa pagkatatag ng dalawang hiwalay na organisasyon: ang Samahan ng Timog-Silangang Asya, isang alyansa na binubuo ng mga bansang Pilipinas, Malaysia at Taylandiya na itinatag noong taóng 1960, at ang Maphilindo, isang iminungkahing alyansa na ibubuo ng Pilipinas, Indonesya at Malaysia.
Ang Asean ay itinatag noong 8 Agosto 1967, na ang mga ministro ng ugnayang panlabas ng limang bansa ay nagpulong sa Bangkok at naglagda ng Deklarasyon ng Asean, na kinikilala nang lubos na Deklarasyon ng Bangkok. Ang limang ministro ng ugnayang panlabas – Adam Malik ng Indonesya, Narciso Ramos ng Pilipinas, Tun Abdul Razak ng Malaysia, S. Rajaratnam ng Singapore, at Thanat Khoman ng Taylandiya – ay itinuring na Mga Ama ng Pagkatatag ng Organisasyon.
Naging bahagi ng Asean ang Brunei noong 8 Enero 1984, ang araw pagkatapos ng pagkamit ng kanilang kalayaan nang isang linggo. Ang Brunei ay ang unang bansa na naging kasapi sa kalunan ng Asean. Noong 28 Hulyo 1995, nagkaroon ng isang bagong kasapi ang Asean nang sumanib ang Biyetnam bílang ikapitong kasapi. Pagkatapos ng dalawang taon, sumanib ang mga bansang Laos at Myanmar bílang kasapi ng Asean noong 23 Hulyo 1997. Kasabay dapat ang Kambodya sa araw ng pagsanib na iyon, ngunit ipinagpaliban muna sapagkat lumalaganap pa ang kaguluhang panloob sa politika. Noong 30 Abril 1999, sumanib na sa wakas ang bansang Kambodya at nakabuo ng isang matatag na samahán ang Asean.
Remove ads
Mga Pangunahing layunin ng Asean
Ang mga bansang-kasapi ng Asean at nakapagpatibay ng mga pangunahing prinsipyo para sa kanilang mga ugnayan ng mga bawat isa, na nabibilang sa Kasunduan ng Pagkakaibigan at Pagkikiisa sa Timog-Silangang Asya (TAC):
- Paggalang sa magkabilá ng-panig ukol sa kalayaan, kapangyarihan, kapantayan, katatagang panteritoryo, at pambansang pagkakakilanlan ng lahat ng mga bansa;
- Karapatan ng bawat estado na mamahala ang kanilang pambansang pamamalagi na maging malaya sa kaguluhang panlabas, lihim na pagbabagsak o pamimilit
- Walang mangyayaring kaguluhan sa ugnayang panloob ng isa't isa
- Pagsasaayos ng mga kakulangan o pagtatalo sa pamamagitan ng mapayapang paraan
- Pagtatakwil sa mga banta o paggamit ng puwersa; at
- Mabisang pakikiisa sa pagitan ng mga bansang-kasapi.
Remove ads
Mga kasapi ng Asean


Ang mga kasalukuyang bansang-kasapi sa Asean ay mula sa pinakauna hanggang sa pinakahuling sumapi:
Mga kasaping nagtatag
Itinatag ang organisasyon ng ito sa pamamagitan ng Deklarasyon sa Bangkok noong 8 Agosto 1967.
Mga estadong sumapi sa kalaunan
Timor-Leste
Noong 23 Hulyo 2006, Si José Ramos-Horta, ang kasalukuyang pangulo ng Silangang Timor, ay lumagda ng pormal na pakiusap at inaasahan ang mabilis na paraan ng pagpasok upang maging ganap na kasapi sa loob ng limang taon.
Papua New Guinea
Ang bansang Papua Bagong Guinea ay kasalukuyang nasa katayuang tagamasid mula 1976.
Pagtitipon ng Asean

██ Mga tagamasid sa Asean
██ Mga kandidatong-kasapi ng Asean
██ Asean Dagdag Tatlo
███ Pagtitipon ng Silangang Asya
█████ Porong Panrehiyon ng Asean
Nagdadaos ng mga pagpupulong ang Asean na nakilalang Pagtitipon ng Asean (Asean Summit), kung saan nagpupulong ang mga punò ng pamahalaan ng bawat kasapi upang pag-usapan at pasyahan ang mga isyung panrehiyon, gayundin sa pagdaraos ng ibang pagpupulong kung saan kasáma ang mga bansa na nasa labas ng hanay na may hangaring magtaguyod ng mga ugnayang panlabas.
Habang nagdaraos ang ikalimang Pagtitipon sa Bangkok, nagpasiya ang mga pinúnò na magpulong nang "di-pormal" sa pagitan ng bawat pagtitipon:
Remove ads
Ang paghahambing ng mga hanay sa mga malalaking bansa
Organisasyon | Lawak km² | Populasyon | GDP (PPP) sa EU$ | GDP (PPP) bawat kapita sa EU$ | Mga bansang- kasapi |
UE | 4,225,104 | 449,206,579 | 26.308 trilyon | 58,838 | 27 |
ASEAN | 4,522,518 | 683,290,000 | 12,007 trilyon | 17,528 | 10 |
CSN | 17,715,335 | 366,669,975 | 2,635,349 | 7,187 | 12 |
AU | 29,922,059 | 1,494,988,668 | 8.990 trilyon | 6,330 | 55 |
Malalaking bansa |
Hati ng politika | ||||
India | 3,287,263 | 1,428,627,663 | 14.594 trillion | 10,123 | 36 |
Tsina | 9,596,961 | 1,409,670,000 | 35.291 trillion | 25,015 | 34 |
EU1 | 9,833,520 | 334,914,895 | 28.781 trillion | 85,373 | 50 |
Canada1 | 9,984,670 | 41,288,599 | 2.472 trillion | 60,495 | 13 |
Russia | 17,098,246 | 143,679,916 | 5.473 trillion | 38,292 | 89 |
Itinaya sa taong 2024. Bughaw-puti para sa pinakamalaking halaga, lunting-puti para sa pinakamaliit, sa mga hanay na pinaghahambingan.
Remove ads
Katayuan ng ekonomiya
Ang talahanayang GDP ay nakabatay sa PPP na itinaya noong 2024.
Bansa | GDP (PPP) angaw sa EU$(Itinaya) | GDP (PPP) bawat kapita sa EU$(Itinaya) |
![]() | 4.721 trilyon | 16,861 |
![]() | 1.644 trilyon | 23,401 |
![]() | 1.559 trilyon | 15,470 |
![]() | 1.392 trilyon | 12,192 |
![]() | 1.306 trilyon | 39,030 |
![]() | 794.179 bilyon | 133,737 |
![]() | 283.572 bilyon | 5,200 |
![]() | 106.714 bilyon | 6,541 |
![]() | 74.205 bilyon | 9,787 |
![]() | 33.875 bilyon | 76,864 |
Remove ads
Mga Lider ng ASEAN
Remove ads
Tingnan din
- ASEAN+ 3
- Sona ng Malayang Kalakalan ng ASEAN o AFTA
- BIMP-EAGA
- Pundasyong ASEAN
- ASEAN+ 6
- Awit ng Pagkakaisa ng ASEAN (Himno ng ASEAN)
- Sagisag ng ASEAN
- Palaro ng Timog Silangang Asya (SEA Games)
- Talaan ng mga lungsod sa ASEAN ayon sa populasyon
- Ang Paraan ng ASEAN opisyal na awitin ng ASEAN
Mga sanggunian
Mga kawing panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads