Digmaang Pilipino–Amerikano

digmaan sa pagitan ng Unang Republika ng Pilipinas at ng Estados Unidos From Wikipedia, the free encyclopedia

Digmaang Pilipino–Amerikano
Remove ads

Ang Digmaang Pilipino–Amerikano na kilala rin bilang Insureksyong Pilipino at Insurhensiyang Tagalog, ay ang armadong hidwaan sa pagitan ng Unang Republikang Pilipino at ng Estados Unidos na tumagal mula Pebrero 4, 1899 hanggang Hulyo 2, 1902. Ang naturang digmaan ay pagpapatuloy ng pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan na nagsimula noong 1896 sa pagsiklab ng Himagsikang Pilipino. Tinutulan ng mga Pilipino ang nakapaloob sa Tratado ng Paris na naglilipat ng pagmamay-ari ng Pilipinas sa Estados Unidos mula sa Espanya upang mawakasan ang Digmaang Espanyol–Amerikano.

Agarang impormasyon Digmaang Pilipino–AmerikanoIngles: Philippine–American War Espanyol: Guerra Filipino–Estadounidense, Petsa ...

Pumutok ang labanan sa pagitan ng kilusan ng Estados Unidos at ng Republikang Pilipino noong Pebrero 4, 1899, na tinaguriang Ikalawanag Labanan ng Maynila. Noong Hunyo 2, 1899, maanyong naghayag ng pakikipagdigma ang pamahalaan ng Republikang Pilipino laban sa Estados Unidos. Ipinahayag naman ng Estados Unidos ang opisyal na pagtatapós ng paghihimagsik noong Hulyo 2, 1902, bagaman may ilan pa ring pangkat ng mga mapaghimagsik na pinamumunuan ng mga dating Katipunero ang nagpatuloy ng pakikipaglaban sa mga puwersang Amerikano ng ilang pang taon. Ang ilan sa mga lider na ito ay si Heneral Macario Sakay, isang dating kasapi ng Katipunan na nanungkulang pangulo ng kanyang ipinahayag na Republikang Katagalugan noong 1902, matapos madakip at manumpa ng katapatan sa Estados Unidos ang pangulo ng Republikang Pilipino na si Emilio Aguinaldo.

Binago ng naturang digmaan ang pangkulturang mukha ng kapuluan, dahil sa pagkasawi ng tinatayang 200,000 hanggang 250,000 Pilipinong sibilyan, pagbuwag sa Simbahang Katolika bilang relihiyon ng estado, at ang pagpapakilala ng wikang Ingles bilang pangunahing wika ng pamahalaan, pag-aaral, kalakaran, pagyayari, at ng mga madunong na mag-anak at indibidwal sa mga susunod na dekada.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads