Alohino
Grupo ng mga elementong kemikal From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang mga alohino (Español: halógeno, Ingles: halogen) ay isang grupo ng mga elementong di-metal mula sa ika-17 grupo ng talahanayang peryodiko. Ito'y binubuo ng plurina (F), klorina (Cl), bromina (Br), yodina (I), at astatina (At). Isinasama rin ang elementong tenesina (Ts) sa mga alohino. Isang katangi-tanging grupo ang mga alohino sapagka't ang mga elementong napapaloob dito ay matutunghayan sa tatlong himtang ng mga butang, alinsunod sa batayang kainitan at kariinan.
Remove ads
Kasaysayan
Noong 1826, iniharap ni Baron Jöns Berzelius, isang Suwekong kimiko, ang ngalang halogen — mula sa ἅλς (háls), "asin," at γενειν (genein), "lumikha" — para sa mga elementong plurina, klorina, bromina, at yodina, yamang naglalabas ang mga ito ng mala-tubig-alat na sangkap kapag bumubuo ng halungkap sa mga metal na alkali.[1] Subalit, noong 1811 pa nang inimungkahi ni Johann Schweigger, isang Alemang kimiko, ang naturang salita, bagama't para sa ika-17 elemento, ngayo'y klorina; hindi siya nagwagi.[2]
Remove ads
Pasimundan
Tulad ng ibang grupo, nagpapakita ng padron ang mga alohino sa dagisikang kompigurasyon, lalo na ang eksteryor na alukaba, kaya't nagreresulta sa grupo ng sumusunod:
Nagpapakita rin ang mga alohino ng padron mula sa itaas paibaba — kada elemento, bumababa ang elektronegatibidad at reaktibidad, at tumataas ang mga punto ng pagkatunaw at pagkulo.
Remove ads
Mga diyatomikong molekula
Tignan din
- Elemento (kimika)
- Talahanayang peryodiko
- Di-metal
- Tila-alohino
- Kawing-alohino
- Sumbo-alohino
Mga talababa
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads