2011
taon From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang 2011 (MMXI) ay isang pangkaraniwang taon na nagsisimula sa Sabado sa kalendaryong Gregoryano, ang ika-2011 na taon ng pagtatalagang Karaniwang Panahon at Anno Domini (AD), ika-11 taon ng ika-3 milenyo, ang ika-11 taon ng Ika-21 siglo, at ang ika-2 taon ng dekada 2010.
Remove ads
Itinalaga ang 2011 bilang:
- Internasyunal na Taon ng mga Kagubatan
- Internasyunal na Taon ng Kimika[1]
- Internasyunal na Taon para sa mga Taong may Lahing Aprikano
Noong 2011, mayroon lamang 364 araw ang bansang Samoa dahil lumipat sa Internasyunal na Linyang Petsa o International Date Line na nilagpasan ang Disyembre 30, 2011; mayroon na itong 24 oras (25 oras sa katimugang emisperyo ng tag-init) na mas nauuna kaysa sa Amerikanong Samoa.[2][3]
Remove ads
Kaganapan
Enero
- Enero 1 – Opisyal na ginamit ng bansang Estonia ang pananalaping Euro na naging ika-17 Eurosonang bansa.[4]
Pebrero
- Pebrero 11 – Nagbitiw si Pangulong Hosni Mubarak ng Ehipto pagkatapos ng malawakang protesta na tinatawag siyang umalis, na iniwan ang kontrol ng Ehipto sa mga kamay ng militar hanggang mayroon isang pangkalahatang halalan.[5]
Marso
- Marso 6 – Sumiklab ang yugto ng pag-aalsang sibil ng Digmaang Sibil ng Sirya nang naaresto ang 15 na mga kabataan sa Daraa dahil sa bandalismong kalmot sa dingding ng kanilang paaralan na kinondena ang rehimen ni Pangulong Bashar al-Assad.
- Marso 11 – Tumama ang isang 9.0-magnitud na lindol kasunod na tsunami sa silangan ng Hapon, na pumatay sa 15,840 at nawawalang 3,926. Ang mga babala ng tsunami ay inilabas sa 50 mga bansa at teritoryo. Ang mga emerhensiya ay idineklara sa apat na plantang nukleyar na apektado ng lindol.[6]
Abril
Mayo
- Mayo 1 – Ipinabatid ng Pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama na napatay si Osama bin Laden, ang tagapagtatag at pinuno ng militanteng pangkat na Al-Qaeda, noong Mayo 2, 2011 (PKT, UTC+05) noong isang Amerikanong operasyong militar sa Pakistan.[8]
Hunyo
- Hunyo 8 – beteranong newscaster na si Meredith Vieira siya ang huling programa sa Today Show ng NBC na 6 taon dahil sa emosyonal, pamaalam at sa kanyang pamilya.
- Hunyo 9 - beteranong newscaster na si Ann Curry siya ay pinili bilang Co-Anchor pumalit Kay Vieira Kasama sina Matt Lauer, Al Roker, Natalie Morales bilang News Anchor pumalit Kay Curry at Beteranong reporter na si Savannah Guthrie sa Programa na Today Show ng NBC.
- Hunyo 28 – Ipinabatid ng Food and Agriculture Organization (Organisasyon ng Pagkain at Agrikultura) ang pagkalipol ng salot sa baka na rinderpest mula sa mundo.[9]
Hulyo
- Hulyo 9 – Humiwalay ang Timog Sudan mula sa Sudan, ayon sa resulta ng malayang reperendum na ginanap noong Enero.[10]
- Hulyo 12 – Nakumpleto ng planetang Neptuno ang unang orbita simula noong natuklasan ito noong 1846.[11]
- Hulyo 14 – Sumapi ang Timog Sudan sa Mga Nagkakaisang Bansa bilang ika-193 kasapi.[12]
Agosto
Setyembre
- Setyembre 5 – Pumirma ng kasunduan ang Indya at Bangladesh upang wakasan ang pagtatalo sa kanilang hangganan.[16]
Oktubre
Nobyembre
Disyembre
- Disyembre 15 – Pormal na ipinahayag ng Estados Unidos ang katapusan ng Digmaan sa Iraq. Habang tinapos nito ang paghihimagsik, sinimulan nito ang isa pa.[21][22][23][24][25]
- Disyembre 16 – Nagdulot ang Bagyong Sendong (Washi) ng 1,268 kamatayan dahil sa mabilisang pagbaha sa Pilipinas, kasama ang 85 katao na naiulat na nawawala.[26]
Remove ads
Kamatayan
- Pebrero 28 – Jane Russell, Amerikanong aktres (ipinanganak 1921)
- Marso 23 – Elizabeth Taylor, Britaniko-Amerikanong aktreish-American actress (ipinanganak 1932)
- Abril 24 – Sathya Sai Baba, Indiyanong pinunong espirituwal (ipinanganak 1926
- Mayo 1 – Henry Cooper, Britanikong boksingerong heavyweight (ipinanganak 1934)
- Mayo 2 – Osama bin Laden, ipinanganak sa Saudi na pinuno ng Al-Qaeda (ipinanganak 1957)
- Mayo 7 – Willard Boyle, Kanadyanong pisikong Nobel (ipinanganak 1924)
- Agosto 4 – Naoki Matsuda, putbolistang Hapon (ipinanganak 1977)
- Setyembre 25 – Wangari Maathai, taga-Kenya na beterinaryo anatomista at laureado ng Premyong Nobel para sa Kapayapaan (ipinanganak 1940)
- Oktubre 5 – Steve Jobs, Amerikanong negosyante ng kompyuter (ipinanganak 1955)
- Oktubre 12 – Dennis Ritchie, Amerikanong siyentipiko ng kompyuter (ipinanganak 1941)
- Oktubre 20 – Muammar Gaddafi, Libiyong diktador (ipinanganak 1942)
- Disyembre 17 – Kim Jong-il, Kataas-taasang Pinuno ng Demokratikong Republikang Bayan ng Korea (ipinanganak 1941/42)
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads