cover image

Bubuyog

From Wikipedia, the free encyclopedia

Ang bubuyog[1] (Kastila: abeja, Pranses: abeille, Aleman: Biene, Ingles: bee)[2], ay isang uri ng kulisap. Ang pormal na pangalan ng bubuyog ay Anthophila. Ang mga bubuyog ay nabibilang sa superpamilya ng mga Apoidea at binubuo ng siyam na pamilya. Tinatayang may kumulang-kulang na dalawampung libong (20,000)[kailangan ng sanggunian] uri ang mga bubuyog sa mundo. Sila'y matatagpuan sa lahat ng kontinente maliban sa Antartica. Kabilang sa mga ito ang mga pukyutan, ang mga bubuyog na lumilikha ng pulut-pukyutan[3].

Quick facts: Bees Temporal na saklaw Late Cretaceous ...
Bees
Temporal na saklaw: Late Cretaceous Present, 100–0 Ma
Tetragonula_carbonaria_%2814521993792%29.jpg
The sugarbag bee, Tetragonula carbonaria
Klasipikasyong pang-agham e
Kaharian: Animalia
Kalapian: Arthropoda
Hati: Insecta
Orden: Hymenoptera
(walang ranggo): Unicalcarida
Suborden: Apocrita
Superpamilya: Apoidea
Klado: Anthophila
Mga pamilya
  • Andrenidae
  • Apidae
  • Colletidae
  • Halictidae
  • Megachilidae
  • Melittidae
  • Stenotritidae
Kasingkahulugan

Apiformes (mula sa Latin apis)

Close
Stingless_Bees_from_Bicol%2C_Philippines.jpg
Bubuyog o Stingless Bees mula sa Bicol, Pilipinas.

Nakasanayan na ng mga bubuyog ang mabuhay sa nektar at mga polen mula sa mga bulaklak. Nagmumula sa nektar ang kanilang lakas o enerhiya at sa polen naman nila nakukuha ang protina at sustansiya. Kadalasan, polen ang pinapakain sa mga batang bubuyog o larba[4].

Nagtataglay din ng probosis ang mga bubuyog, katulad ng mga lamok, na siyang ginagamit nila sa pagkuha o paghigop ng nektar mula sa mga bulaklak. Ang mga lalaking bubuyog ay may labintatlong (13) antena at labindalawa (12) naman ang sa mga kababaihan na pangkaraniwan sa kanilang superpamilya. Lahat ng mga bubuyog ay nagtataglay ng dalawang pares ng pakpak. Sa ibang mga uri ng bubuyog, ang isang kasarian o kaantasan ay nagtataglay ng mas maikling mga pakpak[5].

Mahalang ang pambubulo sa pamamagitan ng mga bubuyog para sa ekolohiya at komersyo, at ang saysay ng komersiyal na pambubulo (na may mga pukyutan na pinalalaki ng mga tao) ay dinadamihan ng pagbawas ng ligaw na mga bubuyog.