1990

taon From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang 1990 (MCMXC) ay isang karaniwang taon na nagsisimula sa Lunes sa kalendaryong Gregoryano, ang ika-1990 taon ng mga pagtatalagang Karaniwang Panahon at Anno Domini (AD), ang ika-990 taon ng ikalawang milenyo, ang ika-90 taon ng ika-20 dantaon, ang unang taon ng dekada 1990.

Kabilang sa mga mahahalagang kaganapan ang muling pagsasama ng Alemanya at pagkakaisa ng Yemen,[1] ang pormal na simula ng Proyektong Henoma ng Tao (natapos noong 2003), ang paglunsad ng Teleskopyong Pangkalawakang Hubble, ang paghiwalay ng Namibia mula sa Timog Aprika, at ang pagdedeklera ng mga estadong Baltiko ng kalayaan mula sa Unyong Sobyet sa gitna ng Perestroika. Gumuho ang rehimeng komunista ng Yugoslavia sa gitna ng tumataas na mga panloob na tensyon at maramihang partidong eleksyon na ginawa sa mga nasasakupang republika na nagresulta sa mga pamahalaang hiwalay na mahalal sa karamihan ng mga republika na sinimulan ang pagkalas ng Yugoslavia. Nagsimula din sa taon na ito ang krisis ng nagdulot sa Digmaang Gulpo noong 1991 kasunod ng pagsakop ng Iraq at malawakang internasyunal na hindi pagkilala sa pag-okupa ng Kuwait. Nagresulta ang pag-okupa na ito ng isang krisis sa Gulpong Persa na kinasangkutan ng isyu ng soberanya ng Kuwait at ang mga takot ng Saudi Arabia sa agresyon ng Iraq laban sa kanilang imbakan ng langis malapit sa Kuwait. Nagdulot ito sa pagsasagawa ng Operation Desert Shield na may internasyunal na koalisyon ng mga puwersang militar na magtipon sa hangganan ng Kuwait at Saudi kasama ang mga hiling sa Iraq na mapayapang umalis sa Kuwait. Sa taon din na ito, napalaya si Nelson Mandela sa pagkakabilanggo, at nagbitiw si Margaret Thatcher bilang Punong Ministro ng Reino Unido pagkatapos ng higit sa 11 taon.

Mahalagang taon ang 1990 sa maagang kasaysayan ng Internet. Noong taglagas ng 1990, nilikha ni Tim Berners-Lee ang unang web server at ang pundasyon para sa World Wide Web. Nagsimula ang mga operasyon sa pagsubok noong mga Disyembre 20 at inilabas sa labas ng CERN noong sumunod na taon.[2] Sa 1990 din nangyari ang pagdedekomisyon ng ARPANET, isang tagapagpauna ng sistema ng Internet at ang introduksyon ng unang nilalamang web search engine, ang Archie, noong Setyembre 10.[3]

Noong 14 Setyembre 1990, naganap ang unang kaso ng matagumpay na somatikong terapewtika hene sa isang pasyente.[4]

Dahil sa maagang resesyon noong dekada 1990 na nagsimula ng taon na ito at walang katiyakan dahil sa pagguho ng mga sosyalistang pamahalaan sa Silangang Europa, natigil o matarik na bumaba ang antas ng pagsilang sa maraming bansa noong 1990. Sa karamihan sa kanluraning bansa, naabot ang rurok ng Echo Boom noong 1990; humina ang antas ng pertilidad pagkatapos nito.[5]

Nakapagbenta ang Encyclopædia Britannica, na hindi na nagiimprenta noong in 2012, sa taon na ito ng pinakamataas sa lahat ng panahon noong 1990; 120,000 bolyum ang nabenta ng taon na iyon.[6]

Remove ads

Kaganapan

Thumb
Hulyo 16: Isang USGS ShakeMap na pinapakita ang intensidad ng Lindol sa Luzon ng 1990
Thumb
Agosto 2: Nagsimula ang Digmaan sa Gulpo

Populasyon ng mundo

Karagdagang impormasyon Populasyon ng mundo, Mundo ...
Remove ads

Kapanganakan

Thumb
Liam Hemsworth
Thumb
Grant Gustin
Thumb
Sean Kingston
Thumb
Klay Thompson
Thumb
Park Shin-hye
Thumb
Emma Watson
Thumb
Chris Colfer
Thumb
Margot Robbie
Thumb
Jennifer Lawrence
Thumb
Anna Maria Perez de Tagle
Thumb
David Archuleta
Remove ads

Kamatayan

Thumb
Roald Dahl

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads