2019
taon From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang 2019 (MMXIX) ay isang karaniwang taon na nagsisimula sa Martes sa kalendaryong Gregoryano, ang ika-2019 taon sa mga pagtatalagang Karaniwang Panahon at Anno Domini (AD), ang ika-19 na taon sa ika-3 milenyo, ang ika-19 na taon ng ika-21 dantaon, at ang ika-10 at huling taon ng dekada 2010.
Itinalaga ang 2019 bilang Internasyunal na Taon ng Talaang Peryodiko ng mga Elemento ng Pangkalahatang Pagpupulong ng Mga Nagkakaisang Bansa[1] na binigay na natuon sa ika-150 amibersaryo ng pagkakalikha nito ni Dmitri Mendeleev noong 1869.
Remove ads
Kaganapan
Enero

- Enero 1
- Nagawa ng New Horizons ang malapit na paglapit sa bagay ng Sinturon ng Kuiper na 486958 Arrokoth sa ganap na 05:33 UTC.
- Nagsimula si Jair Bolsonaro sa kanyang apat-na-taong termino bilang Pangulo ng Brazil.
- Tumiwalag ang Qatar mula sa OPEC.
- Naging ligal na sa Austrya ang kasalan ng magkaparehong kasarian.[2]
- Pumasok na ang mga gawa na nalathala ng mga may-akda na namatay noong 1948 sa publikong dominyo sa maraming mga bansa. Sa Estados Unidos, pumasok na sa publikong dominyo ang lahat ng mga gawa na nailathala noong 1923, ang unang pagpasok ng mga nilathalang gawa sa publikong dominyo simula noong 1998.
- Enero 3 – Ang Tsinong pansiyasat na Chang'e 4 ay naging unang artipisyal na bagay na lumapag sa lupain sa malayong banda ng Buwan.[3]
- Enero 5 – Naglabas si Bartolome I ng Konstantinopla ng isang pormal na kasunduan na nagbibigay ng kalayaan sa Ortodoksong Simbahan ng Ukraine mula sa Rusong Ortodoksong Simbahan.[4]
Pebrero
- Pebrero 3 – Dumating si Papa Francisco sa Abu Dhabi, Nagkakaisang Arabong Emirato, na naging unang papa na bumisita sa Tangway ng Arabia.[5]
Marso
Abril

- Abril 2 – Nagbitiw si Abdelaziz Bouteflika bilang Pangulo ng Algeria sa gitna ng malawakang protesta, pagkatapos ng dalawang dekada sa puwesto.[7]
- Abril 10
- Ipinabatid ng mga siyentipiko mula sa proyektong Teleskopyong Event Horizon ang kauna-unahang imahe ng isang itim na butas, na matatagpuan sa gitna ng galaksiyang M87.[8][9]
- Natagpuan ang mga piraso ng posil sa Kuweba ng Callao sa Pilipinas na hinayag ang pagkakaroon ng isang bagong espesye ng tao, ang Homo luzonensis. Ipinangalan ang espesye sa pulo ng Luzon, kung saan natuklasan ang mga posil.[10]
- Abril 26 – Nailabas ang Avengers: Endgame sa mga sinehan, na binasag ang maraming tala sa takilya, kabilang ang pagiging pinakamabentang pelikula sa lahat ng panahon.
Mayo
- Mayo 17 – Ang parlamento ng Taiwan ay naging unang sa Asya na ginawang ligal ang kasalan ng magkaparehong kasarian.[11]
- Mayo 27 – Si Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos, noong opisyal na estadong pagbisita sa Hapon, ay naging unang banyagang pinuno na nakipagpulong sa emperador ng Hapon na si Naruhito.[12]
Hunyo
- Hunyo 3 – Masaker sa Khartoum: Higit sa 100 katao ang pinatay nang sinalakay at bukas na pinaputok ng mga tropang Sudanes at milisyang Janjaweed ang kampo ng nagproprotesta sa labas ng isang punong-himpilan ng militar sa Khartoum, Sudan.[13]
- Hunyo 11 – Hindi na ginawang krimen ang homoseksuwalidad sa Botswana.[14]
Hulyo
- Hulyo 2 – Isang buong eklipse ng araw ang naganap sa Timog Amerika. Ito ang ika-58 eklipse ng araw mula sa siklo 127 ng Saros.[15][16]
- Hulyo 17 – Idineklera ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan na ang epidemya ng Kivu Ebola ay isang publikong emerhensiya sa kalusugan na may internasyunal na pag-aalala.[17]
- Hulyo 24 – Naging Punong Ministro ng Reino Unido si Boris Johnson pagkatapos talunin si Jeremy Hunt sa isang paligsahang sa pagkapinuno, na humalili kay Theresa May.[18]
- Hulyo 30 – Ipinagbawal ng Indya ang tripleng talaq.[19]
Agosto
- Agosto 10 – Namatay ang 32 at 1,000,000 nilikas habang dumaan sa kalupaan ang Bagyong Lekima sa Zhejiang, Tsina. Noong nakaraang mga araw, nagdulot ito ng mga pagbaha sa Pilipinas kung saan kilala ito bilang Bagyong Hanna.[20]
- Agosto 12 Mga protesta sa Hong Kong ng 2019-20: Nagsara ang Internasyunal na Paliparan ng Hong Kong dahil sa mga protesta.[21]
Setyembre

- Setyembre 6 – Ang Chandrayaan-2, ang ikalawang pansiyasat ng buwan ng Indya, ay matagumpay na nailagay sa orbita ng buwan, ngunit bumagsak sa ibabaw ng buwan ang lander na Vikram.[22]
- Setyembre 27 – 500,000 katao ang nagmartsa sa isang protesta sa pagbabago ng klima na pinamunuan ng aktibistang si Greta Thunberg at Punong Minstrong Justin Trudeau sa Montreal, Kanada.[23] 4,000,000 naman ang nagpatuloy na magwelga sa buong mundo.[24]
- Setyembre 30 – Nangako ang Republika ng Irlanda na magtatanim ng 440 milyong puno sa loob ng dalawampung taon upang labanan ang pagbabago ng klima.[25]
Oktubre
- Oktubre 2 – Labis na nasunog ang temang parke sa Lungsod ng Pasay, Pilipinas na Star City na hinihinalang dulot ng sadyang panununog o ng sirang sistemang elektrikal.[26]
- Oktubre 12 – Dumaan sa kalupaan ng Hapon ang Bagyong Hagibis, ang pinakamalaking bagyong tumama sa rehiyon sa mga nakaraang dekada, na may higit sa pitong milyong katao ang hinimok na lumikas.[27]
- Oktubre 30
- Ipinagbawal ng websayt na social media na Twitter ang lahat ng patalastas pampolitika sa buong mundo.[28]
- Niyanig ng isang lindol na nasa 6.5. Mw ang pulo ng Mindanao sa Pilipinas na nangyari dalawang araw pagkatapos ng isang lindol na kinitil ang hindi bababa sa lima at inilikas ang tinatayang 12,000 katao.[29]
- Oktubre 31 – Winasak ng isang sunog ang 500-taong gulang Kastilyong Shruri sa bansang Hapon na isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO.[30]
Nobyembre
- Nobyembre 14 – Nagdeklara ang Italya ng isang estado ng emerhensiya sa Venice kasunod ng pagbaha.[31]
- Nobyembre 23 – Namatay na ang huling kilalang rhinoceros ng Sumatra sa Malaysia.[32]
- Nobyembre 30 – Disyembre 11 – Naganap ang Palaro ng Timog Silangang Asya 2019 sa Pilipinas.
Disyembre

- Disyembre 1 – Pandemya ng COVID-19: Nalaman ang unang kaso ng Coronavirus disease 2019', sa Wuhan, Hubei, Tsina.[33][34]
- Disyembre 2 – Tumama ang Bagyong Kammuri (lokal an pangalan: Tisoy) sa Pilipinas, na nagdulot ng paglikas ng 200,000 katao, subalit walang naiulat na nasugatan o may seryosong pagkasira.[35]
- Disyembre 10 – si Sanna Marin ay nanumpa na bilang Punong Ministro ng Finland.
- Disyembre 19 – Hinatulan ng isang korte sa Pilipinas sina Andal Ampatuan Jr., Zaldy Ampatuan na kanyang kapatid at 31 iba pa kabilang ang tatlong kasapi ng angkan ng Ampatuan, ng 57 bilang ng pagpatay at sinentensyahan sila sa habang-buhay na pagkakabilanggo na walang parol para sa kanilang ginampanan sa masaker sa Maguindanao.[36][37]
- Disyembre 31 – Pandemya ng COVID-19: Ang unang mga ulat na malawak na lumalaganap na may pagsiklab ng isang novel coronavirus sa Wuhan, ang ika-9 na pinakamataong lungsod sa Tsina.[34]
Remove ads
Kamatayan








- Enero 7 – Carmencita Reyes, politikong Pilipino (ipinanganak 1931)[38]
- Enero 19 – Henry Sy, maimpluwensyang negosyanteng Tsino-Pilipino (ipinanganak 1924)[39]
- Enero 29 – James Ingram, Amerikanong musikero ng R&B (ipinanganak 1952)[40]
- Pebrero 7 – Albert Finney, Ingles na aktor (ipinanganak 1936)[41]
- Pebrero 9 – Bentong, komedyanteng Pilipino (ipinanganak 1964)[42]
- Pebrero 11 – Armida Siguion-Reyna, Pilipinong mang-aawit, artista at prodyuser (ipinanganak 1930)[43]
- Pebrero 19 – Karl Lagerfeld, Alemang nagdidisenyo ng moda (ipinanganak 1933)[44]
- Marso 9
- Bernard Binlin Dadié, Ivoriyanong nobelista at manunulat ng dula (ipinanganak 1916)[45]
- Chokoleit, artistang Pilipino (ipinanganak 1970)[46]
- Marso 24 – Reynaldo Aguinaldo, politikong Pilipino (ipinanganak 1946)[47]
- Abril 17 – Alan García, Perubiyanong abogado at politiko, ika-61 at ika-64 na Pangulo ng Peru (ipinanganak 1949)[48][49]
- Mayo 13 – Doris Day, Amerkanong aktres at mang-aawit (ipinanganak 1922)[50]
- Mayo 16 – I. M. Pei, Tsino-Amerikanong arkitekto (ipinanganak 1917)[51]
- Mayo 24 – Murray Gell-Mann, Amerikanong pisikong Nobel (ipinanganak 1929)[52]
- Mayo 26 – Prem Tinsulanonda, politikong taga-Thailand, ika-15 na Punong Ministro ng Thailand (ipinanganak 1920)[53]
- Hunyo 17 – Mohamed Morsi, ika-5 Pangulo ng Ehipto (ipinanganak 1951)[54]
- Hunyo 20 – Eddie Garcia, Pilipinong artista, direktor at personalidad sa telebisyon (ipinanganak 1929)[55]
- Agosto 16 – Peter Fonda, Amerikanong aktor (ipinanganak 1940)[56]
- Setyembre 2 – Gyoji Matsumoto, putbolistang Hapones (ipinanganak 1934)[57]
- Setyembre 6 – Robert Mugabe, unang Punong Ministro at ikalawang Pangulo ng Zimbabwe (ipinanganak 1924)[58]
- Setyembre 26 – Jacques Chirac, ika-84 na Punong Ministro at ika-22 Pangulo ng Pransya (ipinanganak 1932)[59][60]
- Oktubre 26 – Robert Evans, Amerikanong prodyuser ng pelikula at ehekutibo ng istudyo (ipinanganak 1930)[61]
- Nobyembre 12 – Mitsuhisa Taguchi, putbolistang Hapon (ipinanganak 1955)[62]
- Nobyembre 28 – Pim Verbeek, putbolista at tagapamahalang Olandes (ipinanganak 1956)[63]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads