Zinc

From Wikipedia, the free encyclopedia

Zinc
Remove ads

Ang zinc (Espanyol: zinc, Ingles: zinc ; mula sa Aleman: zink) ay isang mabughaw-bughaw na puti at makisap na metalikong elementong malutong kung nasa pangkaraniwang temperatura.[4][5][6] Nagiging madali ang pukpok dito kapag nag-iinit, kaya't ginagamit bilang sangkap sa mga aloy o balahak na katulad ng bronse at tansong dilaw. Ginagamit din itong sangkap sa paghihinang at maging bilang pantubog sa yero ng bubungan. Naibukod ni Andreas Sigismund Marggraf ang elementong ito noong 1746.

Agarang impormasyon Appearance, Standard atomic weight Ar°(Zn) ...

Ang zinc ay isang elementong kemikal na may simbolong Zn at bilang atomiko 30. Mayroon itong kumikinang na malaabong itsura kapag tinanggal ang oksidasyon. Ito ang unang elemento sa grupong 12 (IIB) sa talahanayang peryodiko. Sa ilang aspeto, kimikal na katulad ng zinc ang magnesyo: parehong elemento na nagtataglay ng isa lamang na karaniwang katuyan ng oksidasyon (+2), at pareho ang laki ng ion ng Zn2+ at Mg2+.[a] Ika-24 na pinakasaganang elemento sa crust o pang-ibabaw ng Daigdig ang zinc at may limang matatag na isotopo. Ang pinakakaraniwang mambato (o ore) ay espalerita (blendang zinc), isang mineral na sulpurong zinc. Ang pinakamalaking gumaganang batumbakal ay nasa Australya, Asya, at Estados Unidos. Pinipino ang zinc sa pamamagitan ng pagpapalutang ng froth o espuma (o bula) ng mambato, pag-iihaw, at panghuling ekstraksyon gamit ang kuryente (elektrodeposisyon).

Isang mahalagang elementong nababakas ang zinc para sa mga tao,[7][8][9] hayop,[10] halaman[11] at para sa mga mikroorganismo[12] at kinakailangan para sa bago at pagkatapos ng panganganak.[13] Ito ang ikalawang pinakasaganang metal na nababakas sa tao pagkatapos ng bakal at ito lamang ang metal na lumilitaw sa lahat ng mga uring ensima.[11][9] Mahalagang sustansya din ang zinc para paglago ng koral, habang isa itong mahalagang kasamang salik para sa maraming ensima.[14]

Nakakaapekto ang kakulangan sa zinc sa mga dalawang bilyong tao sa umuunlad na bansa at naiiugnay sa maraming mga sakit.[15] Sa mga bata, nagdudulot ng retardasyon sa paglago ang kakulangan, gayon din ang naantalang maturasyong seksuwal, madaling tablan ng impeksyon, at diyareya.[13] Ang mga ensima na may isang atomong zinc sa gitnang reaktibo ay laganap sa biyokimika, tulad ng alkohol-deshidrohenasa sa mga tao.[16] Maaring magdulot ang labis na pagkonsumo ng zinc ng pagkalampa, katamlayan, at kakulangan sa tanso. Sa mga biyomang marina, kapansin-pansin ang mga rehiyong polo, maaring makompromiso ng kakulangan ng zinc ang sigla ng mga pangunahing pamayanang alga, na may potensyal na gibain ang masalimuot na mga estrakturang tropikong marina at dahil dito, apektuhan ang biyodibersidad.[17]

Remove ads

Mga pananda

  1. Ang mga elemento ay mula sa iba't ibang pangkat ng metal. Tingnan ang talahanayang peryodiko.

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads