2015
taon From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang 2015 (MMXV) ay isang Karaniwang Panahon na nagsisimula sa Huwebes sa kalendaryong Gregoryano, ang ika-2015 taon sa mga pagtatalagang Karaniwang Panahon at Anno Domini (AD), ang ika-15 taon sa ika-3 milenyo, ang ika-15 taon sa ika-21 dantaon, at ang ika-6 na taon sa dekada 2010.
Itinalaga ang 2015 bilang:
- Internasyunal na Taon ng Ilaw
- Internasyunal na Taon ng Lupa[1]
Remove ads
Kaganapan
Enero
- Enero 7 – Pinatay ng dalawang mamaril ang 12 katao at 11 iba pa ang sugatan sa mga tanggapan ng mapanuyang pahayagang Charlie Hebdo sa Paris. Ang pagsalakay na ito at apat na kaugnay na mga insidente ng terorismo sa loob ng tatlong araw ang nagdala sa milyon-milyong mga tao para sa welga ng pagkakaisa sa Paris at sa buong Pransiya.[2][3]
- Enero 15–19 - Bumisita si Papa Francisco sa Pilipinas para sa isang limang araw na estado at pastoral na pagdalaw.[4] Bumisita din ang papa sa mga biktima ng Bagyong Haiyan sa Leyte na naapektuhan ng nasabing bagyo noong Nobyembre 2013. Ito ang unang pagbisita na papa na natanggap ng Pilipinas noong Ika-21 siglo.
Pebrero
- Pebrero 16 – Nagsimula ang militar sa Ehipto na magsagawa ng mga pagsalakay mula sa himpapawid laban sa sangay ng Islamikong militanteng pangkat na ISIL sa Libya bilang pagganti sa pamumugot sa isang dosenang Kristiyanong taga-Ehipto.[5]
Marso
Abril
Mayo
- Mayo 12 – Nagresulta ang pangalawang pangunahing lindol sa Nepal na sumusukat ng 7.3 magnitud, sa 153 patay sa Nepal,[13] 62 sa Indya,[14] 1 sa Tsina[15] at 2 sa Bangladesh[15] sa kabuuang 218 patay.
- Mayo 23 – Bumoto ang Republika ng Irlanda sa isang reperendum sa Ikatatlumpu't Apat na Ameyenda ng Konstitusyon ng Irlandya upang pahintulutan ang kasalan ng magkaparehong kasarian, na sinabatas sa pamamagitan ng Batas sa Kasal ng 2015 at ipapatupad sa Nobyembre 16, na ang unang pagkakataon na ang isang estado na ginawang ligal ang kasalan ng magkaparehong kasarian sa pamamagitan ng popular na pagboto.[16]
Hunyo
Hulyo
- Hulyo 1 – Krisis ng pagkakautang ng pamahalaang Griyego: Ang Gresya ang unang masulong na ekonomiya na nagmintis sa pagbayad sa Pandaigdigang Pondong Pananalapi sa 71-taon na kasaysayan nito.[18]
Agosto
- Agosto 5 – Ang mga labi na natagpuan sa Pulo ng Réunion ay nakumpirma na bahagi ng Lipad 370 ng Malaysia Airlines, na nawawala pa noong Marso 2014.[19]
Setyembre
- Setyembre 22–27 – Bumisita si Papa Francisco sa Washington, DC, New York City, at Philadelphia, kung saan siya ay nagsalita sa isang magkasanib na sesyon ng Kongreso ng Estados Unidos, nagsalita sa Mga Nagkakaisang Bansa, dumalo sa Pandaigdigang Pulong ng mga Pamilya, at nagdaos ng maraming misa.[20]
Oktubre
- Oktubre 26 – Isang lindol na nasa 7.5 magnitud ang tumama sa rehiyong Hindu Kush at nagdulot ito ng 398 patay,[21] kasama ang 279 sa Pakistan, 115 sa Afghanistan at 4 sa Indya.
Nobyembre
- Nobyembre 4 - Naging Punong Ministro ng Canada si Justin Trudeau.
- Nobyembre 7 – Sa unang pagkakataon, pormal na nagpulong ang pangkalahatang kalihim ng CPC na si Xi Jinping at pangulo ng ROC na si Ma Ying-jeou.[22]
Disyembre
- Disyembre 12 – Napagkasunduan ang isang kasunduan sa pagbabago ng klima ng pagpupulong ng COP 21, na pinapangako ng lahat ng bansa na bawasan ang emisyon ng karbon para sa unang pagkakataon.[23]
- Disyembre 22 – Pinalapag ng SpaceX ang walang-taong raket na Falcon 9, ang unang muling nagagamit na raket na matagumpay na pumasok sa orbital na kalawakan at bumalik.[24]
Remove ads
Kamatayan




- Enero 11 – Anita Ekberg, Suwekong aktres (ipinanganak 1931)[25]
- Enero 31 – Lizabeth Scott, Amerikanong aktres (ipinanganak 1922)
- Pebrero 16 – Lorena Rojas, Meksikanong aktres (ipinanganak 1971)
- Marso 23 – Lee Kuan Yew, Unang Punong Ministro ng Singapore (ipinanganak 1923)
- Mayo 18 – Halldór Ásgrímsson, Punong Ministro ng Iceland (ipinanganak 1947)
- Hunyo 15 – Jeanna Friske, Rusong mang-aawit, modelo, at aktres (ipinanganak 1974)
- Hulyo 5 – Yoichiro Nambu, Hapones-Amerikanong pisikong Nobel (ipinanganak 1921)
- Hulyo 11 – Satoru Iwata, Hapon na negosyante at tapagprograma ng mga larong bidyo (ipinanganak 1959)
- Agosto 30
- Wes Craven, Amerikanong direktor ng pelikula at manunulat (ipinanganak 1939)
- Oliver Sacks, Britaniko-Amerikonong neurologo at manunulat (ipinanganak 1933)
- Setyembre 3 – Chandra Bahadur Dangi, unanong taga-Nepal, pinakapandak na tao sa mundo (ipinanganak 1939)
- Setyembre 5 – Setsuko Hara, Hapon na aktres (ipinanganak 1920)
- Nobyembre 3 – Ahmed Chalabi, politikong taga-Iraq (ipinanganak 1944)
- Nobyembre 22 – Kim Young-sam, politikong mula sa Timog Korea, Pangulo ng Timog Korea (ipinanganak 1927)
- Disyembre 31 – Natalie Cole, Amerikanong mang-aawit, manunulat ng awit, at aktres (ipinanganak 1950)
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads