From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa Pilipinas, ang rehiyon ay isang subdibisyong administratibo na nagsisilbi upang isaayos ang mga lalawigan ng bansa para sa madaling pamamahala. Noong 2018, mayroon nang labing-anim (16) na rehiyon at ang mga ito ay nahahati sa walumpu't dalawang (82) lalawigan. Nabuo ang mga rehiyon upang pangkatin ang mga lalawigan na may pareparehong katangiang kultural at etnolohikal.
Ang mga lalawigan ang pangunahing subdibisyong politika. Ang mga ito ay napapangkat bilang rehiyon para sa madaliang pamamalakad. Karamihan ng tanggapan ng pamahalaan ay naitatawag bilang tanggapang pangrehiyon sa halip na paisa-isang tanggapang panlalawigan, at karaniwan sa lungsod na hinirang bilang kabisera ng rehiyon.
Orihinal na Binalak na maging awtonomo ang Cordillera Administrative Region (CAR) o Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera ngunit dahil sa di matagumpay na dalawang plebisito para gawing awtonomo ang CAR, naging regular na rehiyong administratibo na lamang ito.
Rehiyon | Awtonomo | Administratibo | Dating rehiyon |
---|---|---|---|
* NCR * Ilocos * Lambak ng Cagayan * Gitnang Luzon * Calabarzon * Mimaropa * Rehiyon ng Bicol * Kanlurang Kabisayaan * Gitnang Kabisayaan * Silangang Kabisayaan * Tangway ng Zamboanga * Hilagang Mindanao * Rehiyon ng Davao * Soccsksargen | Bangsamoro | * Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera * Caraga | * Timog Katagalugan * Rehiyon ng Pulo ng Negros * Rehiyong Awtonomo ng Muslim Mindanao |
Ang mga sumusunod na rehiyon ay walang habang lumabas, ito ay nakatala (list) sa kasalukuyang estato.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.