Pambansang putahe

From Wikipedia, the free encyclopedia

Pambansang putahe
Remove ads

Ang pambansang putahe ay pagkain na may matinding kaugnayan sa isang partikular na bansa.[1] Maraming dahilan kung bakit maituturing na pambansang putahe ang isang pagkain:

  • Isa itong isteypol, na gawa sa seleksyon ng mga pagkain na lagap sa lokalidad na maaaring ihanda sa katangi-tanging paraan, tulad ng fruits de mer, na inihahain sa kanlurang baybayin ng Pransiya.[1]
  • Naglalaman ito ng sangkap na yaring-lokal, tulad ng paprika na itinatanim sa Pirineos sa Europa. [1]
  • Inihahain ito bilang pestibong kulinaryong tradisyon na bahagi ng pamanang kulturalhalimbawa, barbikyuhan sa tag-init na kamping o fondue sa mga handaang-hapunan o bilang bahagi ng gawaing panrelihiyon, gaya ng mga selebrasyon ng Korban Pesach o Iftar. [1]
  • Itinaguyod ito bilang isang pambansang pagkain ng bansa mismo, tulad ng pagtaguyod sa fondue bilang pambansang pagkain ng Suwisa ng Suwisang Unyon ng Keso (Schweizerische Käseunion) noong dekada 1930.
Thumb
Frans Snyders, The Pantry (Ang Paminggalan)

Bahagi ng pambansang identidad at pagtingin sa sariling bansa ang mga putaheng ito.[2] Noong panahon ng mga imperyo sa Europa, bumuo ang mga bansa ng pambansang putahe upang maiba sila sa kani-kanilang mga karibal.[3]

Sa ilang bansa, tulad ng Mehiko, Tsina o Indiya, wala ni isang mang pambansang putahe dahil sa pagkasari-saring ng kani-kanilang populasyong etniko, kultura, at lutuin.[2] Isa pa, dahil nakahabi ang mga pambansang putahe sa diwa ng identidad ng bansa, maaaring lumitaw ang mga matitinding emosyon at salungatan sa pagbili ng pambansang putahe.

Remove ads

Ayon sa bansa

Hindi ito tiyak na talaan ng mga pambansang putahe, ngunit listahan ng ilang mga pagkain na iminumungkahi bilang mga pambansang putahe.

A

Thumb
Empanadang Arhentino
Thumb
Wiener schnitzel

B

K

H

M

Thumb
Nasi lemak, isang pambansang putahe ng Malasya.

P

Thumb
Adobo, isang pambansang ulam ng Pilipinas

S

T


Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads