Miss Universe 2000

From Wikipedia, the free encyclopedia

Miss Universe 2000
Remove ads

Ang Miss Universe 2000 ay ang ika-49 na edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Eleftheria Indoor Hall, Nikosya, Tsipre noong 12 Mayo 2000.

Agarang impormasyon Petsa, Presenters ...

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Mpule Kwelagobe ng Botswana si Lara Dutta ng Indiya bilang Miss Universe 2000.[1][2] Ito ang ikalawang tagumpay ng Indiya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Claudia Moreno ng Beneswela, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Helen Lindes ng Espanya.[3][4]

Mga kandidata mula sa pitumpu't-siyam na bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Sinbad ang kompetisyon, samantalang sina Miss USA 1996 Ali Landry at Julie Moran ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon. Nagtanghal sina Elvis Crespo, Dave Koz, Montell Jordan, at Anna Vissi sa edisyong ito.

Remove ads

Kasaysayan

Lokasyon at petsa ng kompetisyon

Noong 1 Hulyo 1999, inanunsyo ng noo'y Tourism Minister ng Tsipre na si Nicos Rolandis na magaganap ang ika-49 na edisyon ng Miss Universe sa Nikosya sa isang indoor stadium sa Mayo 2000.[5][6][7] Namuhunan ng $3.5 milyon ang bansa para sa kompetisyon sa pag-asang mapataas ng publisidad dulot ng pageant ang kanilang turismo, na siyang pangunahing industriya ng isla.[8] Nagdulot ng pangingilabot sa Paris ang pamahalaan ng Tsipre sa pamamagitan ng paghiling na ipahiram ng Museo ng Louvre sa isla ang estatwa ng Venus de Milo para sa kompetisyon.[8]

Nagprotesta ang mga paring Ortodokso sa Tsipre sa pamamagitan ng isang vigil kasabay ng final telecast dahil sa desisyon na idaos sa isla ng Tsipre ang kompetisyon.[8][9][10]

Pagpili ng mga kalahok

Ang mga kalahok mula sa pitumpu't-siyam na bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Apat na kandidata ang napili matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.

Mga pagpalit

Dapat sanang lalahok si Miss Italia 1999 Manila Nazzaro sa edisyong ito.[11] Gayunpaman, natanggalan ng lisensya ang Miss Italia Organization para sa Miss Universe at ito ay ibinigay sa The Miss for Miss Universe na pinamumunuan ni Clarissa Burt.[12][13] Nanalo si Annalisa Guadalupi sa unang edisyon ng kompetisyong ito. Iniluklok ang first runner-up ng Miss Russia 1999 na si Svetlana Goreva upang kumatawan sa kanyang bansa dahil hindi umabot sa age requirement si Miss Russia 1999 Anna Kruglova.[14] Iniluklok ang first runner-up ng Miss Hungary 2000 na si Izabella Kiss dahil bumitaw sa kompetisyon si Miss Hungary 2000 Ágnes Nagy dahil sa mga personal na dahilan.

Dapat sanang lalahok si Miss Venezuela 1999 Martina Thorogood sa edisyong ito.[15] Gayunpaman, dahil nagtapos si Thorogood bilang first runner-up sa Miss World 1999 at maaari nitong palitan ang nagwagi,[16][17] tinanggihan ng Miss Universe Organization ang partisipasyon ni Thorogood.[18] Hindi rin tinanggap ng Miss Universe Organization ang pagluklok sa first runner-up na si Norkys Batista bilang kinatawan ng Beneswela sa Miss Universe dahil hindi ito nanalo sa Miss Venezuela.[19] Dahil dito, isang emergency pageant ang idinaos ng Miss Venezuela Organization noong 26 Pebrero 2000 upang piliin ang kandidata ng Beneswela sa edisyong ito. Nagwagi si Claudia Moreno sa naturang pageant.[19]

Mga pagbalik at mga pag-urong sa kompetisyon

Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Bulgarya, Dinamarka, Guam, Noruwega, Olanda, Sint Maarten, at Simbabwe. Huling sumali noong 1982 ang Sint Maarten, noong 1996 and Dinamarka, at noong 1998 ang Bulgarya, Guam, Noruwega, Olanda, at Simbabwe.

Hindi sumali sa edisyong ito ang mga bansang Austrya, Barbados, Bonaire, Curaçao, Guyana, Hilagang Kapuluang Mariana, Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, Kapuluang Cook, Nikaragwa, Sambia, Suriname, at Turkiya. Hindi sumali si Jozaïne Wall ng Curaçao dahil hindi ito umabot sa age requirement. Hindi sumali si Michelle Boyer Sablan ng Hilagang Kapuluang Mariana dahil sa mga personal na dahilan.[20][21] Hindi sumali sina Liana Tarita Scott ng Kapuluang Cook at Sidonia Mwape ng Sambia dahil sa pinansyal na dahilan.[22] Hindi sumali ang mga bansang Austrya, Barbados, Bonaire, Guyana, Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, Nikaragwa, at Suriname matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Dapat sanang lalahok sa Miss Universe ang second runner-up ng Miss Turkey 2000 na si Cansu Dere bilang kapalit ng first runner-up Gamze Özçelik dahil siya ay hindi nakaabot sa age requirement ng Miss Universe.[23] Gayunpaman, dahil walang relasyon sa isa't-isa ang mga bansang Turkiya at Tsipre, papayagan lang ng pamahalaan ng Turkiya na makalipad si Dere papuntang Tsipre kung makakadaan siya sa Hilagang Tsipre. Gumawa ng mga kaayusang ang Miss Turkey Organization upang makalakbay si Dere sa Atenas, ngunit isang araw bago lumipad si Dere, hindi siya pinayagan ng pamahalaan ng Turkiya na lumipad sa Tsipre dahil sa politikal na dahilan.[24][8]

Remove ads

Mga resulta

Thumb
Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss Universe 2000 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

Karagdagang impormasyon Pagkakalagay, Kandidata ...

Mga iskor sa kompetisyon

Karagdagang impormasyon Bansa/Teritoryo, Swimsuit ...

Mga espesyal na parangal

Karagdagang impormasyon Parangal, Nagwagi ...

Best National Costume

Karagdagang impormasyon Pagkakalagay, Kandidata ...
Remove ads

Kompetisyon

Pormat ng kompetisyon

Tulad noong 1998, sampung mga semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at ang mga closed-door interview. Lumahok sa casual interview, swimsuit competition at evening gown competition ang sampung mga semi-finalist. Kalaunan ay napili ang limang pinalista na sasabak sa paunang question-and-answer round, at matapos nito, tatlong pinalista naman ang napili upang sumabak sa final question at final walk.

Komite sa pagpili

  • Kim Alexis – Amerikanang aktres at modelo
  • Debbie Allen – Amerikanang aktres at modelo
  • Serena Altschul – Amerikanang broadcast journalist
  • Catherine Bell – Amerikanang aktres at modelo
  • Cristián de la Fuente – Tsilenong aktor, modelo, at producer
  • Tony Robbins – Amerikanong awtor
  • André Leon Talley – Amerikanong fashion journalist at dating creative director ng Vogue

Mga kandidata

Pitumpu't-siyam na kandidata ang lumahok para sa titulo.[27]

Karagdagang impormasyon Bansa/Teritoryo, Kandidata ...
Remove ads

Mga tala

  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

Panlabas na kawing

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads