Miss Universe 2012
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Miss Universe 2012 ay ang ika-61 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Planet Hollywood Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada, Estados Unidos noong 19 Disyembre 2012.[1][2]
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Leila Lopes ng Anggola si Olivia Culpo ng Estados bilang Miss Universe 2012. Ito ang ikawalong tagumpay ng bansa—ang pinakamarami sa kasaysayan ng kompetisyon.[3] Nagtapos bilang first runner-up si Janine Tugonon ng Pilipinas, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Irene Esser ng Beneswela.
Mga kandidata mula sa walumpu'y-siyam na bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito, ang pinakamarami sa kasaysayan ng Miss Universe matapos lagpasan ang dating rekord na walumpu't-anim na kandidata noong 2006.[4] Pinangunahan nina Andy Cohen at Giuliana Rancic ang kompetisyon, samantalang si Jeannie Mai ang nagsilbing backstage correspondent. Nagtanghal ang bandang Train at musikerong Australyanong si Tim Omaji sa edisyong ito.[5][6]
Remove ads
Kasaysayan
Lokasyon at petsa ng kompetisyon
Noong Marso 2012, inanunsyo ng Miss Universe Organization na ililban ang kompetisyon sa kalagitnaan ng Disyembre 2012. Ito ay dahil sa hindi maisasahimpapawid ng NBC ang kompetisyon kasabay ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2012, at ng halalang pampanguluhan sa Estados Unidos. Noong Abril 2012, inanunsyo na magaganap sa Bangglades ang kompetisyon, ngunit ito ay pinabulaanan ng pangulo ng Bangglades dahil sa problemang pinansyal.[7]
Nabalitaan diumano na may posibilidad na isa sa mga lungsod ng Guadalajara, Isla Margarita, Sun City, at Jakarta ang pangyayarihan ng kompetisyon. Gayunpaman, noong Agosto 2012, nakatanggap ng alok ang pamahalaan ng Republikang Dominikano upang idaos ang kompetisyon sa Hard Rock Resort and Casino, Punta Cana, sa 11 Disyembre 2012. Una nang idinaos ang kompetisyon sa bansa noong 1977.[8] Itinanggi ng pamahalaan ng Republikang Dominikano ang alok ng organisasyon dahil hindi nila kayang tustusan ang gastos sa pagdaos ng kompetisyon kung kaya't hindi ibinigay ng organisasyon sa bansa ang karapatan upang pangyarihan ang kompetisyon dahil hindi nila natupad ang mga pangangailangan ng Miss Universe Organization.[9]
Dahil sa pagbitiw ng Republikang Dominikano sa pagdaos ng kompetisyon, inilipat ang kompetisyon sa Las Vegas, Nevada, Estados Unidos. Noong 27 Setyembre 2012, inanunsyo ng Miss Universe Organization na magaganap ang kompetisyon sa Planet Hollywood Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada sa 19 Disyembre 2012.[9]
Pagpili ng mga kalahok
Ang mga kalahok mula sa walumpu't-siyam na mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Pitong kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos maging isang runner-up sa kanilang kompetisyong pambansa o napili sa isang casting process, at siyam na kandidata ang napili matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.
Ang pagpapahintulot sa mga babaeng transgender na lumahok
Simula sa taong 2013, pinapayagan na ng Miss Universe Organization ang mga babaeng transgender na lumahok sa Miss Universe alinsunod sa kanilang mga konsultasyon sa GLAAD Organization. Ang mga pagbabagong ito ay nangyari matapos maibalik sa Miss Universe Canada 2012 pageant si Jenna Talackova, isang babaeng transgender na sumali sa nasabing kompetisyon.[10] Unang tinanggal sa Miss Universe Canada 2012 si Talackova ng organisasyon dahil sa kanyang pagiging transgender.[11] Gayunpaman, matapos ang isang buwan mula sa diskwalipikasyon ni Talackova, pinayagan ng organisasyong bumalik sa kompetisyon si Talackova dahil umaalinsunod naman ito sa legal na kinakailangan tungkol sa kanyang kasarian sa Kanada.[12] Kalaunan ay nagtapos si Talackova bilang isa sa labindalawang mga semi-finalist ng Miss Universe Canada 2012, at isa rin siya sa apat na kandidatang nakatanggap ng parangal na Miss Congeniality.[13]
Anim na taon matapos ang mga pagbabago sa patakaran, lumahok si Angela Ponce ng Espanya, ang kauna-unahang babaeng transgender na sumali sa Miss Universe.[14]
Mga pagpalit
Iniluklok ang first runner-up ng Miss Universe New Zealand 2012 na si Talia Bennett dahil sa problema sa pagkamamamayan ng orihinal na nagwagi na si Avianca Böhm.[15][16] Iniluklok ang first runner-up ng Miss Universe Canada 2012 na si Adwoa Yamoah dahil bumitiw ang orihinal na nagwagi na si Sahar Biniaz dahil sa mga personal na dahilan.[17][18] Iniluklok ang first runner-up ng Miss Estonia 2012 na si Natalie Korneitsik dahil bumitiw si Kätlin Valdmets dahil sa kakulangan sa badyet.[19] Iniluklok ang first runner-up ng Miss Dominican Republic 2012 na si Dulcita Lieggi matapos matuklasan na ang orihinal na nagwagi na si Carola Durán ay diborsiyado na sa kanyang asawa.[20] Iniluklok si Ioánna Yiannakoú ng Tsipre matapos bumitiw sa kanyang titulo si Star Cyprus 2012 Ntaniella Kefala dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[21]
Iniluklok ang first runner-up ng Miss Gabon 2012 nasi Channa Divouvi ng Gabon at first runner-up ng Miss France 2012 na si Marie Payet ng Pransiya upang kumatawan sa kanilang bansa sa edisyong ito dahil sa salungatan sa petsa ng Miss Universe at ng kanilang mga pambansang kompetisyon, kung saan obligadong dumalo ang mga orihinal na nagwagi na sina Miss Gabon 2012 Marie-Noëlle Ada at Miss France 2012 Delphine Wespiser.[22][23] Nagpalitan ng sasalihang internasyonal na kompetisyon sina Most Beautigul Girl in Nigeria 2012 Isabella Ayuk at Most Beautiful Girl in Nigeria Universe 2012 Damiete Charles Granville, dahil lumagpas na sa age requirement ng Miss World si Ayuk.[24][25]
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong
Unang sumali sa edisyong ito ang mga bansang Gabon at Litwanya. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Bulgarya, Etiyopiya, at Namibya na huling sumali noong 2009, at Noruwega na huling sumali noong 2010.[26]
Hindi sumali sa edisyong ito ang mga bansang Ehipto, Eslobenya, Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, Kapuluang Turks at Caicos, Kasakistan, at Portugal. Hindi sumali si Aĭnur Tolyeuova ng Kasakista dahil hindi ito umabot sa age requirement ng Miss Universe. Hindi sumali ang mga bansang Ehipto, Eslobenya, Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, Kapuluang Turks at Caicos, at Portugal matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.[27]
Partisipasyon ng Espanya sa Miss Universe
Nakatakdang lumahok sa edisyong ito si Miss Spain 2011 Andrea Huisgen.[28] Gayunpaman, na-bangkarota ang organisasyon at ang lisensya ng Miss Universe sa Espanya ay napunta sa Miss Universe Spain. Bagama't ang mga karapatan upang magpadala ng kalahok ay ibinigay na sa Miss Universe Spain, pinayagan pa rin si Huisgen na ipagpatuloy ang kanyang paglahok sa Miss Universe matapos niyang bumitaw sa kanyang kontrata sa Miss Spain.[29]
Remove ads
Mga resulta

Mga pagkakalagay
Mga espesyal na parangal
Best National Costume
Remove ads
Kompetisyon
Pormat ng kompetisyon
Tulad noong 2011, labing-anim na semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at ang mga closed-door interview.[30] Muling isinagawa ang internet voting kung saan ang mga manonood ay maaaring bumoto para sa isa pang kandidata upang umabante sa semi-finals.[31] Bagama't nagkaroon ng internet voting, hindi inanunsyo sa final telecast ang nagwagi nito. Lumahok sa swimsuit competition ang labing-anim na semi-finalist at kalaunan ay pinili ang sampung semi-finalist. Lumahok sa evening gown competition ang sampung semi-finalist at kalaunan ay pinili ang limang pinalista. Lumahok sa question and answer round at final look ang limang pinalista.[30]
Komite sa pagpili
Paunang kompetisyon
- Carlos Anaya – Televison host para sa My Lifestyle Extra[32]
- Beverly Frank – Executive Vice-President for Business Affairs ng 19 Entertainment[32]
- Duane Gazi – Internasyonal scout para sa Trump Model Management[32]
- Michael Greenwald – Bise-presidente ng Don Buchwald & Associates[32]
- Jimmy Nguyen – Entertainment at digital media lawyer, at blogger[32]
- Corinne Nicolas – Pangulo ng Trump Model Management[32]
- Amy Sadowsky – Senior Vice-President ng Public Relations ng Planet Holywood International[32]
- Crystle Stewart – Miss USA 2008 mula sa Texas[32]
Fina telecast
- Nigel Barker – Amerikanong litratista[33]
- Diego Boneta – Mehikanong aktor, mang-aawit, at lirisista[33]
- Scott Disick – Amerikanong negosyante at reality star mula sa Keeping Up With the Kardashians[33]
- Brad Goreski – Kanadyanong fashion stylist[33]
- Masaharu Morimoto – Haponese na tagapagluto[33]
- Ximena Navarrete – Miss Universe 2010 mula sa Mehiko[33]
- Pablo Sandoval – Benesolanong tagapaglaro ng beysbol[33]
- Lisa Vanderpump – Amerikanong reality star mula sa The Real Housewives of Beverly Hills[33]
- Kerri Walsh Jennings – Atletang naglalaro ng beach volleyball[33]
Mga kandidata
Walumpu't-siyam na kandidata ang lumahok para sa titulo.[34]
Remove ads
Mga tala
- Edad sa panahon ng kompetisyon
Mga sanggunian
Panlabas na kawing
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads