From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss World 2021 ay ang ika-70 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Coca-Cola Music Hall sa San Juan, Porto Riko noong 16 Marso 2022.[1] Orihinal na nakatakdang gaganapin ang kompetisyon sa José Miguel Agrelot Coliseum noong 16 Disyembre 2021. Gayunpaman, ang kompetisyon ay na-reschedule sa Marso 16, 2022 dahil sa pandemya ng COVID-19 sa Porto Riko.[2][3]
Miss World 2021 | |
---|---|
Petsa | 16 Marso 2022 |
Presenters |
|
Entertainment |
|
Pinagdausan | Coca-Cola Music Hall, San Juan, Porto Riko |
Brodkaster |
|
Lumahok | 97 |
Placements | 30 |
Bagong sali | |
Hindi sumali | |
Bumalik | |
Nanalo | Karolina Bielawska Polonya |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Toni-Ann Singh ng Hamayka si Karolina Bielawska ng Polonya bilang Miss World 2021.[4][5] Ito ang pangalawang tagumpay ng Polonya sa kasaysayan ng kompetisyon.[6] Nagtapos bilang first runner-up si Shree Saini ng Estados Unidos habang nagtapos bilang second runner-up si Olivia Yacé ng Baybaying Garing.[7][8]
Mga kandidata mula sa siyamnapu't-pitong mga bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Peter Andre at Fernando Allende ang kompetisyon.[9][10] Nagtanghal sina Don Omar, Gente de Zona, Victor Manuel, Pedro Capo, at ang Filarmonica de Puerto Rico sa edisyong ito.[11]
Orihinal na nakatakda ang ika-70 edisyon ng kompetisyon sa katapusan ng taong 2020. Gayunpaman, naudlot ang kompetisyon dulot ng pandemya ng COVID-19, at inanunsyo ng Miss World Organization noong Hulyo 29, 2020 na ang ika-70 edisyon ng kompetisyon ay magaganap sa katapusan ng taong 2021.[12][13][14]
Noong Marso 8, 2021, kinumpirma ng Miss World Organization na ang kompetisyon ay mangyayari sa Coca-Cola Music Hall sa San Juan, Porto Riko sa Disyembre 16, 2021.[15][16][17] Ngunit dahil sa pagtaas ng pangangailan ng mga tiket, inanunsyo ng Miss World Organization noong Setyembre 2 na ang kompetisyon ay inilipat sa José Miguel Agrelot Coliseum, ang pinakamalaking indoor venue sa Porto Riko.[18]
Kumalat ang banta ng SARS-CoV-2 Omicron variant sa ilang bahagi ng daigdig sa panahon ng mga pre-pageant activity, at ang banta ng birus ay nagsimula na ring kumalat sa Porto Riko. Noong Disyembre 14, nagpositibo sa COVID-19 si Pricilia Carla Yules ng Indonesya.[19] Bilang pag-iingat, ang kaniyang kakuwarto na si Manasa Varanasi ng Indiya at lima pa ay inuri bilang mga hinihinalang kaso.[20][21] Kinumpirma ng tagapangulo ng Miss World Organization na si Julia Morley na ang mga kandidata ay kasalukuyang nakahiwalay at naka-quarantine at hindi sila maaring umakyat sa entablado sa palabas kung hindi sila maglalabas ng negatibong PCR test. Subalit lahat ng mga kandidata ay kabilang pa rin sa kompetisyon.[22][23] Noong Disyembre 15, kinumpirma ng Puerto Rico Department of Health na 17 postibong kaso ng COVID-19 ay may kinalaman sa mga aktibidad ng Miss World, kabilang ang mga kalahok at mga empleyado.[24]
Noong Disyembre 16, ilang oras bago ang kompetisyon, nagpasya ang Miss World Organization na muling ipagpaliban ang kompetisyon matapos na magpositibo sa COVID-19 ang 23 kandidata at 15 empleyado ng Miss World.[25][26][27] Kinumpirma rin ng pambansang direktor ng Miss World Malaysia na nagpositibo rin sa COVID-19 si Lavanya Sivaji ng Malaysia.[28] Inanunsyo ng Miss World Organization na ang kompetisyon ay muling aayusin at gaganapin sa loob ng susunod na 90 araw.[28] Noong Disyembre 22, kinumpirma ng Miss World Organization na ang kompetisyon ay mangyayari sa Coca-Cola Music Hall sa San Juan, Porto Riko sa Marso 16, 2022 at hindi sa José Miguel Agrelot Coliseum.[29] Ang 40 semifinalist lang ang bumalik sa Porto Riko para sa na-reschedule na kompetisyon.[30][31]
Ang mga kalahok mula sa siyamnapu't-pitong mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Maraming mga kompetisyong pambansa ang ipinagliban o ganap na nakansela dahil sa pandemya ng COVID-19. Dahil dito, 16 sa mga kandidata na naatasan upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo ay mga runner-up sa kanilang nakaraang kompetisyong pambansa, o napili sa isang casting process. Walong kandidata naman ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.
Iniluklok si Amela Agastra upang kumatawan sa Albanya matapos na umurong ang Miss World Albania 2021 na si Joanna Kiose sa hindi malamang dahilan.[32] Iniluklok si Shree Saini, isang semifinalist sa Miss World America 2020, bilang Miss World America 2021 dahil ang iskedyul ng kompetisyon ay lumagpas na sa panunungkulan ni Alissa Anderegg bilang Miss World America 2020.[33][34] Iniluklok si Miss World Japan 2021 Tamaki Koshi upang kumatawan sa Hapon dahil lumagpas na sa panunungkulan ni Miss World Japan 2020 Maria Kaneya ang petsa ng kompetisyon.[35] Iniluklok si Tamara Del Maso upang kumatawan sa Kosta Rika matapos na umurong ang Miss World Costa Rica 2020 na si Andrea Montero dahil sa problema sa visa.[36][37] Iniluklok si Lizzy Dobbe, ang first runner-up ng Miss World Nederland 2020-21 upang kumatawan sa Olanda matapos na umurong ni Miss World Nederland 2020-21 na si Dilay Willemstein dahil sa ayaw niyang mabakunahan laban sa COVID-19.[38][39] Iniluklok si Miss Rwanda 2021 Grace Ingabire upang kumatawan sa Rwanda dahil lumagpas na sa panunungkulan ni Miss Rwanda 2020 Nishimwe Naomie ang petsa ng kompetisyon.[40][41] Iniluklok si Miss Senegal 2021 Penda Sy upang kumatawan sa Senegal dahil lumagpas na sa panunungkulan ni Miss Senegal 2020 Ndeye Fatima Dione ang petsa ng kompetisyon.[42] Noong Nobyembre 2021, hayagang ibinunyag ni Dione na siya ay na-droga at ginahasa sa isang pagtitipong pinaghandaan ng mga national pageant organizers ng Miss Senegal. Dahil dito, si Dione ay nabuntis at kalaunan ay hindi na ito nakakatanggap ng mga imbitasyon para sa mga aktibidad ng Miss Senegal.[43] Iniluklok si Juliana Rugumisa bilang kinatawan ng Tansaniya matapos na hindi sundin ni Miss Tanzania 2020/2021 Rose David Manfere ang kontrata nito sa Miss Tanzania.[44]
Noong Disyembre 15, 2021, opisyal na tinuligsa ng pamahalaan ng Sint Maarten ang paglahok ni Lara Mateo sa Miss World 2021 bilang kinatawan ng teritoryo.[45] Hindi pinili ng Miss Sint Maarten Organization si Lara Mateo upang kumalahok sa Miss World at ang organisasyon ay kasalukuyang iniimbestigahan ng pamahalaan. Sinabi ng Punong Ministro ng Sint Maarten na si Silveria Jacobs na natuklasan ng pamahalaan na si Lara Mateo ay maling nairehistro ng may hawak ng prangkisa ng Guadalupe upang kumatawan sa Sint Maarten.[46][47] Naglabas ng opisyal na liham ang lokal na pamahalaan ng Sint Maarten na nagsasabing hindi nila iniendorso ang partisipasyon ni Lara Mateo sa Miss World. Idinagdag nila na ang Kolektibidad ng San Martin, maging ang kanilang Kagawaran ng Turismo o Kagawaran ng Sining, ay hindi alam o kinikilala ang kandidata, at tiniyak na ang kanilang mga kinatawan ay kakalahok lamang sa Miss France.[46]
Sa edisyong ito unang kumalahok ang Irak at Somalya, at bumalik ang Baybaying Garing, Belis, Estonya, Guniya, Kamerun, Madagaskar, Namibya, Noruwega, Santa Lucia, Serbya, Sint Maarten, at Urugway.[48] Huling kumalahok noong 2001 ang Sint Maarten, noong 2007 ang Estonya, noong 2015 ang Namibya, noong 2016 ang Santa Lucia, noong 2017 ang Baybaying Garing, Guniya, at Urugway, at noong 2018 ang Belis, Kamerun, Madagaskar, Noruwega, at Serbya. Ang mga bansang Antigua at Barbuda, Aruba, Australya, Bagong Silandiya, Barbados, Biyelorusya, Dinamarka, Etiyopiya, Gresya, Guwatemala, Guyana, Heorhiya, Kapuluang Birheng Britaniko, Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, Kapuluang Cook, Kasakistan, Kirgistan, Kroasya, Laos, Miyanmar, Montenegro, Rusya, Samoa, Sierra Leone, Timog Sudan, at Taylandiya ay hindi sumali sa edisyong ito. Parehong hindi sumali sina Darya Goncharevich ng Biyelorusya at Natalija Labovic ng Montenegro dahil sa mga kadahilanang pangkalusugan.[49][50] Hindi nakasama sa kompetisyon si Star Hellas 2021 Anna Pavlidou ng Gresya matapos nitong hindi makapasok sa teritoryo ng Estados Unidos dahil wala pa siyang ikalawang dosis ng bakuna laban sa COVID-19.[51] Hindi sumali sa kompetisyon sina Michelle Calderon ng Guwatemala, Adesha Penn ng Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, at Nazerke Karmanova ng Kasakistan dahil sa hindi malamang dahilan.[52][53][54]
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss World 2021 | |
1st runner-up |
|
2nd runner-up |
|
Top 6 | |
Top 13 | |
Top 40 |
|
§ Panalo sa Hamong Digital Media[66]
Kontinente | Kandidata |
---|---|
Aprika |
|
Asya-Pasipiko | |
Europa |
|
Kaamerikahan |
|
Karibe |
|
Opisyal na itinalaga ang mga kalahok sa kani-kanilang grupo para sa hamong Head-to-Head na ipinalabas sa Miss World YouTube Channel noong Nobyembre 24, 2021. Ang mga nagwagi sa bawat grupo ay kumalahok sa ikalawang round ng hamon na ginanap noong Disyembre 9, 2021 sa Capitol of Puerto Rico.[70][71] Ang walong kandidatang nagwagi sa ikalawang round ay mapapabilang na sa Top 40.[72][73]
Ginanap ang finals ng hamon ng Talento noong Disyembre 4, 2021, at inanunsyo ang nagwagi sa hamon noong Disyembre 13, 2021 sa pamamagitan ng Miss World Facebook Page. Ang kandidatang nagwagi sa hamon ay mapapabilang na sa Top 40 at magtatanghal sa finale sa Marso 16, 2022.[84] Nagwagi si Burte-Ujin Anu ng Monggolya sa hamong ito at mapapabilang na sa Top 40.[85]
Pagkakaklagay | Kandidata |
---|---|
Nagwagi | |
1st runner-up | |
2nd runner-up |
|
3rd runner-up |
|
4th runner-up |
|
Top 27 |
|
Ginanap ang finals ng hamong Top Model noong Disyembre 6, 2021 sa T-Mobile Distrito, kung saan nirampa ng mga kandidata ang kanilang mga pambansang kasuotan, kasuotang gawa ng mga lokal na fashion designer mula sa kanilang mga bansang pinagmulan, at kasuotang gawa ng mga lokal na fashion designer mula sa Porto Riko.[84][90][91] Inanunsyo ang nagwagi sa hamon noong Disyembre 13, 2021 sa pamamagitan ng Miss World Facebook Page. Nagwagi si Olivia Yacé ng Baybaying Garing sa hamong ito at mapapabilang na sa Top 40.[85][92]
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Nagwagi |
|
1st runner-up | |
2nd runner-up |
|
Top 13 |
|
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Nagwagi |
|
1st runner-up |
|
2nd runner-up |
|
Ginanap ang finals ng hamon sa palakasan noong Disyembre 10, 2021, kung saan naglaban-laban ang bawat pangkat sa mga kompetisyong pampalakasan.[84] Inanunsyo ang nagwagi sa hamon noong Disyembre 13, 2021 sa pamamagitan ng Miss World Facebook Page. Nagwagi si Karolina Vidales ng Mehiko sa hamong ito at mapapabilang na sa Top 40.[85][98]
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Nagwagi | |
1st runner-up |
|
2nd runner-up |
|
Inanunsyo ang nagwagi sa hamon noong Disyembre 13, 2021 sa pamamagitan ng Miss World Facebook Page. Nagwagi si Olivia Yacé ng Baybaying Garing sa hamong ito at mapapabilang na sa Top 40.[85]
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Nagwagi |
|
Top 10 |
Inanunsyo ang mga pinalista noong Disyembre 13, 2021 sa pamamagitan ng Miss World Facebook Page. Ang anim na pinalistang nagwagi ay mapapabilang na sa Top 40.[85] Bukod pa riyan, ang Beauty With a Purpose Ambassador Award ay iginawad sa isang kandidata na makakasama ng bagong Miss World sa kanyang panunungkulan.[102][103]
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Mga nagwagi | |
Top 10 |
|
Top 28 |
|
§ Beauty With a Purpose Ambassador
Ilang pagbabago ang inimplementa sa edisyong ito. Tulad noong 2019, ang bilang ng mga semi-finalist sa edisyon ito ay apatnapu. Labinlima sa mga ito ay nagwagi sa mga Fast Track event, at ang nalalabing dalawampu't-lima ay pinili ng mga hurado na inanunsyo noong Enero 2022.[114][115] Ang apatnapung semi-finalist lang ang bumalik sa kompetisyon na ginanap noong Marso 16, 2022. Mula sa apatnapu, labintatlo ang sumabak sa paunang question-and-answer round kasama ang dalawang nag-tie sa mga iskor at ang nagwagi sa Hamong Digital Media, at anim na pinalista naman ang sumabak sa final question.[116][117][118]
Siyamnapu't-pitong kandidata ang lumahok para sa titulo.[123]
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[lower-alpha 1] | Bayan |
---|---|---|---|
Albanya | Amela Agastra[124] | 18 | Tirana |
Anggola | Ruth Carlos[125] | 24 | Huambo |
Arhentina | Amira Hidalgo[126] | 23 | Buenos Aires |
Armenya | Mirna Bzdigian[127] | 19 | Yerevan |
Bahamas | Sienna Evans[128] | 24 | Nassau |
Baybaying Garing | Olivia Yacé[129] | 23 | Yamoussoukro |
Belhika | Céline Van Ouytsel[130] | 25 | Herentals |
Belis | Markeisha Young[131] | 21 | Santa Elena |
Beneswela | Alejandra Conde[132] | 24 | Villa de Cura |
Biyetnam | Đỗ Thị Hà[133] | 20 | Thanh Hóa |
Bosnya at Hersegobina | Adna Biber[134] | 19 | Sarajevo |
Botswana | Palesa Molefe[135] | 22 | Gaborone |
Brasil | Caroline Teixeira[136] | 23 | Brasilia |
Bulgarya | Eva Dobreva[137] | 21 | Vama |
Bulibya | Alondra Mercado[138] | 19 | Trinidad |
Curaçao | Alvinette Soliana[139] | 20 | Willemstad |
Ekwador | Ámar Pacheco[140] | 24 | Guayaquil |
El Salvador | Nicole Álvarez[141] | 27 | San Salvador |
Eskosya | Claudia Todd[142] | 25 | Bothwell |
Eslobakya | Leona Novoberdaliu[143] | 25 | Bratislava |
Eslobenya | Maja Colic[144] | 21 | Ribnica |
Espanya | Ana García[145] | 23 | Almería |
Estados Unidos | Shree Saini[146] | 25 | Seattle |
Estonya | Karolin Kippasto[147] | 24 | Tartu |
Gales | Olivia Harris[148] | 18 | Magor |
Gana | Monique Mawulawe[149] | 20 | Accra |
Gineang Ekwatoriyal | Lucila Benita[150] | 21 | Malabo |
Guadelupe | Prescilla Larose[151] | 22 | Le Moule |
Guniya | Saran Bah[152] | 24 | Conakry |
Guniya Bissaw | Itchacénia Da Costa[153] | 21 | Bissau |
Hamayka | Khalia Hall[154] | 25 | Saint Ann |
Hapon | Tamaki Hoshi[155] | 20 | Tokyo |
Hayti | Erlande Berger[156] | 24 | Port-au-Prince |
Hibraltar | Janice Sampere[157] | 23 | Gibraltar |
Hilagang Irlanda | Anna Leitch[158] | 27 | Cookstown |
Honduras | Dayana Bordas[159] | 24 | Ahuas |
Indiya | Manasa Varanasi[160] | 24 | Hyderabad |
Indonesya | Pricilia Carla Yules[161] | 25 | Surabaya |
Inglatera | Rehema Muthamia[162] | 25 | Mill Hill |
Irak | Maria Farhad[163] | 20 | Mosul |
Irlanda | Pamela Uba[164] | 25 | Galway |
Italya | Claudia Motta[165] | 21 | Velletri |
Kambodya | Phum Sophorn[166] | 19 | Nom Pen |
Kamerún | Audrey Monkam[167] | 24 | Bali Nyonga |
Kanada | Svetlana Mamaeva[168] | 21 | Maple |
Kapuluang Kayman | Rashana Hydes[169] | 24 | West Bay |
Kenya | Sharon Obara[170] | 19 | Nairobi |
Kolombiya | Andrea Aguilera[171] | 23 | Medellin |
Kosta Rika | Tamara Del Maso[172] | 23 | Puntarenas |
Luksemburgo | Emilie Boland[173] | 25 | Sandweiler |
Lupangyelo | Hugrún Birta Egilsdóttir[174] | 22 | Reikiavik |
Madagaskar | Nellie Anjaratiana[175] | 24 | Antananarivo |
Makáw | Jia Ni Yuan[176] | 28 | Makaw |
Malaysia | Lavanya Sivaji[177] | 26 | Batu Caves |
Malta | Naomi Dingli[178] | 26 | Valletta |
Mawrisyo | Angélique Sanson[179] | 25 | Curepipe |
Mehiko | Karolina Vidales[180] | 24 | Jiquilpan |
Moldabya | Tatiana Ovcinicova | 23 | Chișinău |
Monggolya | Burte-Ujin Anu[181] | 23 | Ulan Bator |
Namibya | Annerie Mare[182] | 26 | Kamanjab |
Nepal | Namrata Shrestha[183] | 24 | Kathmandu |
Niherya | Oluchi Madubuike[184] | 25 | Abuja |
Nikaragwa | Sheynnis Palacios[185] | 21 | Managua |
Noruwega | Amine Storrød[186] | 21 | Hvaler |
Olanda | Lizzy Dobbe[39] | 21 | Den Helder |
Panama | Krysthelle Barretto[187] | 25 | Lungsod ng Panama |
Paragway | Bethania Borba[188] | 20 | Presidente Franco |
Peru | Paula Montes[189] | 25 | Lima |
Pilipinas | Tracy Perez[190] | 28 | Lungsod ng Cebu |
Pinlandiya | Emilia Lepomäki[191] | 23 | Vantaa |
Polonya | Karolina Bielawska[192] | 22 | Łódź |
Porto Riko | Aryam Díaz[193] | 23 | Naranjito |
Portugal | Lidy Alves[194] | 25 | Vila Real |
Pransiya | April Benayoum[195] | 22 | Éguilles |
Republikang Dominikano | Emmy Peña[196] | 24 | Duarte |
Republikang Tseko | Karolína Kopíncová[197] | 22 | Brno |
Rwanda | Grace Ingabire[41] | 22 | Kigali |
Santa Lucia | Tyler Theophane[198] | 23 | Choiseul |
Sénegal | Penda Sy[42] | 24 | Tambacounda |
Serbiya | Andrijana Savic[199] | 21 | Belgrado |
Singapura | Khai Ling Ho[200] | 18 | Singapore |
Sint Maarten | Lara Mateo[45] | 24 | Philipsburg |
Somalya | Khadija Omar[201] | 20 | Mogadishu |
Sri Lanka | Sadé Greenwood[202] | 18 | Colombo |
Suwesya | Gabriella Lomm Mann[203] | 26 | Estokolmo |
Tansaniya | Julianna Rugumisa[204] | 23 | Kilimanjaro |
Timog Aprika | Shudufhadzo Musida[205] | 25 | Limpopo |
Timog Korea | Tara Hong[206] | 21 | Seoul |
Trinidad at Tobago | Jeanine Brandt[207] | 25 | San Fernando |
Tsile | Carol Drpic[208] | 21 | Punta Arenas |
Tsina | Jiang Siqi | 21 | Beijing |
Tunisya | Amani Layouni[209] | 22 | Mahdia |
Turkya | Dílara Korkmaz[210] | 23 | Ankara |
Uganda | Elizabeth Bagaya[211] | 26 | Bombo |
Ukranya | Aleksandra Yaremchuk[212] | 22 | Vinnytsia |
Unggarya | Lili Tótpeti[213] | 20 | Nagykanizsa |
Urugway | Valentina Camejo[214] | 24 | Montevideo |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.