Miss World 2002

From Wikipedia, the free encyclopedia

Miss World 2002
Remove ads

Ang Miss World 2002 ay ang ika-52 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Alexandra Palace sa Londres, Reyno Unido noong 7 Disyembre 2002.[1][2] Dapat sanang gaganapin ang edisyong ito sa National Stadium sa Abuja, Niherya, ngunit dahil sa mga relihiyosong kaguluhan sa kalapit na lungsod ng Kaduna dulot ng Miss World (ang binansagang "Miss World riots"), nilipat ang kompetisyon sa Alexandra Palace sa Londres.[3][4]

Agarang impormasyon Petsa, Presenters ...

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Agbani Darego ng Niherya si Azra Akın ng Turkiya bilang Miss World 2002.[5][6] Ito ang unang beses na nanalo ang Turkiya bilang Miss World.[7] Nagtapos bilang first runner-up si Natalia Peralta ng Kolombya, habang nagtapos bilang second-runner-up si Marina Mora ng Peru.[8]

Mga kandidata mula sa walumpu't-walong mga bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Ito ang unang pagkakataon sa loob ng apatnapu't-tatlong taon na hindi ipinalabas ang kompetisyon sa Reyno Unido; walang himpilang Ingles ang sumang-ayon na isahimpapawid ang konmpetisyon.[9] Pinangunahan nina Sean Kanan at Claire Elizabeth Smith ang kompetisyon. Nagtanghal sina Chayanne at ang bandang BBMak sa edisyong ito.

Remove ads

Kasaysayan

Lokasyon at petsa

Thumb
National Stadium sa Abuja, ang orihinal na lokasyon ng Miss World 2002 bago lumipat ang kompetisyon sa Londres.

Noong 22 Mayo 2002, kinumpirma ng Miss World Organization na magaganap ang kompetisyon sa Niherya.[10] Naiulat na nanalo ang bansa ng karapatang idaos ang kompetisyon matapos talunin ang iba pang mga bansa kabilang ang Singapura at Porto Riko. Ang lokasyon para sa kompetisyon ay ang National Stadium sa Abuja, kung saan patapos na ang pagtatayo nito.[11] Orihinal na nakatadang idaos ang kompetisyon sa 30 Nobyembre, ngunit inusog ito ng isang linggo sa 7 Disyembre dahil kasabay ito sa panahon ng Ramadan, na matatapos sa 5 Disyembre.[12] Dumating ang mga kandidata sa Londres noong 1 Nobyembre at dumalo ang mga kandidata sa isang maharlikang pagdiriwang na hatid ng pamilyang maharlika ng Reyno Unido noong 3 Nobyembre. Pagkatapos ng pagdiriwang ay lumipad na ang mga kandidata papuntang Abuja para sa kompetisyon.

Thumb
Alexandra Palace sa Londres, ang lokasyon ng Miss World 2002

Sa pagdating ng mga kandidata sa Niherya, inabisuhan sila na iwasan ang mga bahagi ng bansa kung saan ipinapatupad ang Sharia matapos magbanta ang mga militanteng grupong Muslim na manggulo sa kompetisyon. Tinuligsa ng mga grupong Muslim sa Niherya ang paligsahan bilang malaswa at sinabi nilang pipigilan nila itong maganap, ngunit hindi nagbanta sa anumang pihikang gawain.[13] Sa mga linggo bago ang pangwakas na kompetisyon sa Abuja, nagkaroon ng ilang mga mababang antas na mga protesta sa iba't-ibang bahagi ng Niherya na sumalungat sa paligsahan sa Niherya, lalo na sa hilaga, at karamihan ay mga konserbatibong Muslim. Bagama't nagkaroon ng maraming pakikipagtalo sa medya at iba pang mga pagtitipon, ang mga protestang ito sa pangkalahatan ay lumipas nang walang karahasan.[14] Lalo pang tumuligsa ang mga konserbatibong grupong Muslim sa Miss World nang manindigan ito sa kaso ng babaeng Niheryano na si Amina Lawal.[15][16] Si Lawal ay hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbato ng isang panrehiyong hukumang Islam dahil sa umano'y pangangalunya.[17]

Pagkatapos nito, lumabas ang isang kulumna sa pahayagang Kristiyano sa Lagos na ThisDay kung saan isinulat ng mamamahayag na si Isioma Daniel na malamang na inaprubahan ng propetang Islam na si Muhammad ang kompetisyon ng Miss World, at maaaring kumuha ang propeta ng isa sa mga kandidata bilang asawa nito.[18][19][20] Nagdulot ang pahayg na ito ng galit sa ilang mga Muslim,[21] at mula 20 Nobyembre hanggang 23 Nobyembre, nagkaroon ng madugong kaguluhan sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim sa lungsod ng Kaduna, na humantong sa pagkamatay ng higit sa 200 katao.[22][23]

Dahil sa naganap na kaguluhan sa lungsod ng Kaduna, nagpasya ang Miss World Organization na ilipat ang kompetisyon sa Alexandra Palace sa Londres, ngunit nanatili pa rin ang petsa ng panghuling kompetisyon sa 7 Disyembre.[24] Walang himpilang Ingles ang sumang-ayon na isahimpapawid ang edisyong ito.

Pagpili ng mga kandidata

110 kandidata ang inisyal na inimbitahan upang lumahok sa kompetisyon, ngunit bumitiw sa kompetisyon ang ilan sa mga ito bilang protesta para sa hatol na kamatayan sa pamamagitan ng pagbato na itinakda ng Korte ng Sharia kay Amina Lawal, isang babaeng Niheryano na inakusahan ng pangangalunya, na siyang dahilang kung bakit bumaba ang bilang ng mga kanidata sa walumpu't-walo.[25] Sampung kandidata ang nailuklok matapos ang pag-urong ng orihinal na kandidata, tatlo sa mga ito ay dahil sa hatol kay Lawal.

Mga pagpalit

Iniluklok ang second runner-up ng Miss Germany-Wahl 2002 na si Indira Selmic bilang kinatawan ng Alemanya matapos piliin ng orihinal na nagwagi na si Katrin Wrobel na pagtuunan-pansin ang kaniyang karera sa pagmomodelo, at magkaroon ng sakit ang first runner-up na si Simone Wolf-Reinfurt ilang araw bago lumipad papuntang Niherya.[26] Pinalitan ng second runner-up ng Miss Bulgaria na si Desislava Guleva ang orihinal na nagwagi na si Teodora Burgazlieva bilang kinatawan ng Bulgarya dahil gumawa siya ng ilang mga hubad na larawan para sa magasin na Club M.[27] Pinalitan ni Kateřina Smržová si Miss České republiky 2002 Kateřina Průšová bilang kinatawan ng Republikang Tseko dahil sa mahina si Průšová sa pakikipag-usap gamit ang wikang Ingles.[28][29] Iniluklok si Iryna Udovenko, isa sa mga runner-up ng Miss Ukraine, upang palitan ang orihinal na nagwagi na si Olena Stohniy bilang kinatawan ng Ukranya dahil lumagpas na ito sa limitasyon ng edad sa Miss World.

Hindi sumali sila Ann Van Elsen ng Belhika at Sylvie Tellier ng Pransiya bilang protesta para sa hatol na kamatay kay Lawal.[15][30][31] Sila ay pinalitan nina Sylvie Doclot at Caroline Chamorand ayon sa pagkakabanggit. Hindi sumali si Miss South Africa 2002 Vanessa Carreira dahil magaganap ang Miss South Africa 2003 isang araw pagkatapos ng kompetisyon at kinailangan niyang koronahan ang kaniyang kahalili at bilang protesta laban sa kaso ni Amina Lawal. Ipinadala ng Miss Junior South Africa ang kanilang kandidata na si Karen Lourens bilang kapalit ni Carreira,[32] ngunit tinanggap ng Miss World Organization ang first runner-up ni Carreira na si Claire Sabbagha bilang kandidata ng Timog Aprika bagama't siya ay lagpas na sa limitasyon sa edad.[33]

Mga unang pagsali, pagbalik at pag-urong

Unang sumali sa edisyong ito ang mga bansang Albanya, Alherya, at Biyetnam.[34] Bumalik sa edisyon ito ang mga bansang Belis na huling sumali noong 1991; Suwasilandiya na huling sumali noong 1999; at Bahamas, Curaçao, Kasakistan, at Litwanya na huling sumali noong 2000.

Siyam na kandidata ang nag-boykot sa kompetisyon dahil sa kaso ni Amina Lawal. Ito ay sina Celine Roschek ng Austrya,[35] Yannick Azebian ng Baybaying Garing,[36] Masja Juel ng Dinamarka,[37] Shirley Alvarez Sandoval ng Kosta Rika, Karen Alexandre ng Mawrisyo, Nilusha Gamage ng Sri Lanka, Nadine Vinzens ng Suwisa, Sandrine Akuvi Agbokpe ng Togo,[36] at Eyrun Steinsson ng Lupangyelo, na siyang pumalit kay Ungfrú Ísland 2002 Sólveig Zophoníasdóttir matapos nitong lumitaw sa magasin na Playboy.[38] Bumitiw naman sa kompetisyon sina Paula Margarita Alonso Morales ng Guwatemala, Blandina Mlenga ng Malawi,[39] at Yu-Kyung Chang ng Timog Korea dahil sa naganap na Miss World riots.[40]

Anim sa walumpu't-walong kandidata ang inisyal na bumitiw o nag-boykot sa kompetisyon, ngunit bumalik matapos lumipat ang kompetisyon sa Londres. Inisyal na bumitiw sina Lola Alcocer ng Espanya, Lynsey Bennett ng Kanada, Yoselin Sánchez Espino ng Panama, at Rava Maiarii ng Tahiti dahil sa naganap na Miss World riots, ngunit bumaik ang mga ito sa kompetisyon nang lumipat ito sa Londres.[41][42] Bumitiw si Danielle Luan ng Inglatera pagkatapos lumipat sa Londres ang kompetisyon at walang balak na sumali muli. Gayumpaman, nakumbinsi siyang muling sumali sa kompetisyon sa ilalim ng kondisyon na hindi siya opisyal na pagpasiyahan sa pangwakas na kompetisyon.[43] Noong una, nag-boykot si Katrine Sørland ng Noruwega dahil sa kaso ni Amina Lawal. Gayumpaman, bumalik si Sørland sa kompetisyon matapos ipangako ni Julia Morley, ang Pangulo noon ng Niherya na si Chief Olusegun Obasanjo, at ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Niherya, na hindi babatuhin si Lawal hanggang mamatay.

Bumitiw sina Olga Nevdakh ng Biyelorusya, Inés Gohar ng Ehipto, Cherie Yoni Tsango ng Gabon,[44] Diane Ngo Mouaha ng Kamerun, at Annie Andrews ng Lesoto dahil sa kakulangan sa kalangbahala. Hindi tinanggap si Marcia Cooper ng Liberya dahil nakatira ito sa Estados Unidos at hindi sa Liberya. Hindi sumali si Doja Lahlou ng Maruekos matapos lumipad ang direktor nito sa Espanya buhat ng mga banta sa kaniya ng mga pundamentalista. Hindi sumali si Claudia Cruz De Los Santos ng Republikang Dominikano dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali sa edisyong ito ang mga bansang Bangglades, Hawaii, Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, Kapuluang Cayman, Madagaskar, Sambia, at Sint Maarten matapos silang matanggalan ng lisensya, mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa, o magtalaga ng kandidata.

Remove ads

Mga resulta

Mga pagkakalagay

Karagdagang impormasyon Pagkakalagay, Kandidata ...

Mga Continental Queens of Beauty

Karagdagang impormasyon Kontinente, Kandidata ...

Mga natatanging parangal

Karagdagang impormasyon Parangal, Nagwagi ...
Remove ads

Kompetisyon

Pormat ng kompetisyon

Sa pangwakas na kompetisyon, ipinarada ng lahat ng mga kandidata ang kanilang mga evening gown na gawa ng isang taga-disenyo sa kanilang bansa, kasabay ng kanilang mga bidyo na kinuha sa Niherya. Mula sa sampu noong nakaraang taon, dalawampung semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng boto ng mga tagapagpasiya at mga boto mula sa U Decide.[49] Pinakita ang mga gawain at mga interbyu sa Niherya ng dalawampung semi-finalist, at kalaunan ay napili ang sampung pinalista para sa question-and-answer round. Pagkatapos nito, inanunsyo ang dalawang runner-up at ang bagong Miss World.

Komite sa pagpili

  • Elliot M. Cohen – Music producer mula sa Israel
  • Danilo Djurovic – Suwisong negosyante
  • Rebecca Johnson – Amerikanong mamamahayag at patnugot ng Vogue Magazine
  • Pilín LeónMiss World 1981 mula sa Beneswela
  • Xiaobai Li – Pangulo ng New Silk Road
  • Julia Morley CBE – Tagapangulo at punong ehekutibo ng Miss World Organization
  • Ben Murray-Bruce – Direktor ng Silverbird at Most Beautiful Girl in Nigeria
  • Terry O’Neill – Ingles na litratista
  • Erick Way – Taga-disenyong Timog Aprikano na nakabase sa Londres

Mga kandidata

Walumpu't-walong kandidata ang lumahok para sa titulo.

Karagdagang impormasyon Bansa/Teritoryo, Kandidata ...
Remove ads

Mga tala

  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

Panlabas na kawing

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads